"Hoy Mark, pare! Kamusta?"
"Tibay mo talaga Mark, Masamang damo ka nga ata. Kita mo ha, wasak na yung auto mo pero eto ka, buo pa rin!"
"Mga gago! Pektos Tim, gusto mo? Ikaw Choi, sapak?"
"Chill ka lang parekoy. Bestfriend mo nasaan? Tagal na namin kayo hindi nakikita dito ah. Buhay pa ba yun?"
"Tim, isa pa babanatan kita! Buhay pa si Bes! Huling balita ko, na-comatose daw siya at kinailangan din niya ng operasyon, nasa ibang bansa daw. Hindi ko alam kung saan. Hindi ko pa nakakausap sina Tita Joane at Tito Sepht kasi naka-indefinite leave daw."
"Aray! Choi! Sakit nun ah!"
"Loko! Makikitsimis ka tapos di na nakikinig, nilantakan mo pa yang pagkain ni Mark!"
"Aray! Grabe ka din sa akin Mark, di mo naman na ata kakainin eh. Ang layu kasi ng tingin mo, lakas maka-MMK ng pagkukwento mo. Akala ko nga iiyak ka pa. Hmp! Jan ka nga, oorder pa ako. Bayaran mo to ha. Hehe"
"Gago ka pala eh, edi sana umorder kakayo na kaagad para din mo na kinain yung cake ko. Papabayaran mo din pala sa akin eh, takaw mo talagang hayup ka! Di naman nataba. Oiuy, Choi, order ka na din. Soft opening ngayon ng cafe na to, mura pa tsaka may discount ako sa black card ko. Paki-order mo din ako ng isa pang slice neto. Inubos ng hayop mong boyprend balahura talaga. Tsk!"
"Pagpasensyahan mo na Mark, hindi ka na nasanay sa batugang yan. Kayaman-yaman akala mo patay-gutom. Sinumbong ko nga kay Tita Tesa ayun, inabutan ako ng credit card. Aba, akala ata nanny ako ng anak. Sabay yumakap tapos bumulong, huwag ko daw mababanggit kay Tim na may credit card. Baka daw isagad sa limit!"Di kalayuan ang kahera kaya dinig ni Choi na nagoorder na nga ang boyfriend niya. Napalingon siya at nanlaki nanaman ang mata sa dami ng pinagtuturo, parang bata sabay lingon sa direksyon nila at tila tinuro na sa table nila ang bayad. Hindi pa tapos umooder dahil nakikipagdaldalan pa sa isang service crew tungkol sa halong ingredients ng isang cake.
"Mark, saglit lang ha. Parangauubos nanaman, paninda ng cafe sa naririnig kong usapan ni Tim at kahera mo e. Punatahan ko lang, ako na magbabayad, akin na black card mo para makadiscount ako!"
"Ayan, sabihin mo nalang yung code. Alam mo naman di ba? Tsk! Wala talaga 'tong si Tim. Paano kaya to papamanahan ng Lola niya. Walang alam gawin kung hindi kumain ang hayup."
"Hala. Huwag mo nang lingunin. Lilingunin mo pa eh. Saglit lang. Puntahan ko na dun."
"Miss, sure ha, walang peanuts yan, super allergic ako sa peanuts eh. Bad publicity yun kapag namatay ako dito. Kakabukas pa naman tong cafe niyo."
"Umm! Gago! Hindi ka sa mani allergic. Sa Hipon! Baliw kang hunghang ka. Walang seafood dito kaya huwag kang ano jan. Gumilid ka nga. Uubusin mo nanaman pagkain dito palibhasa malilibre ka. Tabi!"
"Aray Choi ha. Nakakadami na you. Isa pa. Ikikiss kita! Hahaha"
"Bumalik ka na dun kay Mark, kausapin mo mamaya mabaliw na ng tuluyan yun. Kita mo nakalayo nanaman ng dating ng hindi umaalis sa upuan. Bilis, ako na magdadala neto."
"Sige. Ate! Yung order ko huwag mo papabawasan ha. Baka bawasan nanaman netong labbylabs ko eh. Samalat!"
"Che! Bumalik ka na dun. Abala ka na masyado sa trabaho nina ate."
"Ate, ano ba yung pinagoorder nung gutom kong alaga? Patingin nga..."Bago tumalikod si Tim, nagnakaw muna ito ng halik sa boyfriend saka tumalikod at mabilis na naglakad. Hahampasin niya dapat kaagad si Mark sa likuran para istorbohin sa pagsesenti pero napansin niya ang nakausling bandage. Kaya hindi na niya itinuloy. Hinimas nalang, nitoyou ang, likod ng kaibigan bago umupo sa kaharap na couch. Tiningala naman siya ni Mark, nginitian at sinundan ng tingin hanggang makaupo bago binalik ang tanaw sa kalawakan ng view. Exclusive cafe sa cliffside ang bagong tayong branch ng pamosong coffee shop ng pamilya nina Mark. Yari sa matibay na salamin ang sahig ng 5-metrong overlooking cantilever. Kung hindi ka sanay, malulula ka sa taas na 200m na banging pababa. Kung sanay ka naman, maeenjoy mo ang kalawakan ng lugar at ganda ng mga puno at bundok. Napreserba ang mga iyon kahit na sadyang sopistikado ang pangangailangan ng disensyo ng building na iyon. Ito ang katangi-tanging design legacy ng mga magulang niya na pioneer sa ganitong uri ng mga gusali na talaga namang nakakabighani ang pagkakayari.
"How long has it been since you saw your best friend, Mark? Parang since that tragedy, you've become inert. We seldom see you sa mga tambayan. Even sa trabaho. Buti ikaw ang magmamana ng lahat ng iyon, kung hindi, I wouldn't know or even guess, saan ka pupulutin with how you have changed."
"Tim, do you think galit sa akin si Bes? I mean, its been three years. It took me almost the same to recover and undergo all those therapies para makakilos ulit ako ng normal but some parts of me, well, they'll forever get painful. I'm just glad I have grown to be strong enough to live through the pain and move on. Three years ago, before the accident, we got drunk because of my fucked up feelings and it fucked us up bigtime. Took three years of my life and I wonder how much from my best friend. I don't know if nakakapamuhay ba siya ng normal. Doing the things he usually does and enjoying the fun he knows best. For that long Tim, I have been carrying the guilt. Paano pala kung napasama ko siya. Its just so painful to immagine the worst I may have brought my best friend."
"I'm sure your best friend is well. Nalaman na dapat natin kung hindi. Tulad mo, baka nagpapagaling din siya. Pinagbubuti ang sarili to let go of that tragic night."
"Guys! Help help please. Mabigat. Tim! Tulong bilis!"
"Oh. Wait, nagdadrama ba kayong dalawa? Wow ha. That's so not both of you. Haha! Tim, pinacancel ko ibang orders mo. Ang dami eh. Inodoro lang din naman makikinabangdaw. Magtinapay ka nalang. Ayan. Tapos tubig!"
"Mark, oh, yan ba yung cake kanina? Sabi ni Leny yan daw yung huli mong order, nakakailan ka na bang slice?"
"Hahaha! Tatlo na wahaha. Tinitikman ko kasi yung mga bagong creations ni Leny. Para mapadala ko na kay Lola yung reviews at ma-approve ang mass supply sa ibang branches. So far, okey naman lahat. Sa department mo to dadaan 'di ba? Bago madeliver?"
"Ah hindi, kay Tim na yan, lumpita ako sa firm ng parents mo. Nirequest daw ako dun eh. Kaya si Tim na ang aasikaso sa mga ganyang bagay."
"Talaga? Nice."***
"Hoy, Leny, di ba yung Choi ang manliligaw ni Sir Mark? Bakit kay Tim nagpapasweet? Nagsusubuan pa. Tapos si Sir Mark naman tuwang-tuwa, for all I know, iyak-tawa yan deep inside. Alam mo bang frinend zone niya yang si Tim tapos inireto kay Choi. Ang tsismis, bago nadisgrasya yan si Sir Mark at yung Bestfriend niya eh dahil nasasaktan daw siya sa sitwasyon niya na nakikitang masaya silang dalawa nang hindi na siya kasama. Nagsisi siguro sa desisyon niya. Sayang naman kasi. Di ba?"
"Meng, ayusin mo yang pagmasa mo jan. Ikaw, puro ka tsimis! Kaya wala kang makuhang magmamahal sa iyo bakla ka e. Iusod mo nga yang rolling pin, pakipatong itong mga llanera sasalinan ko na ng batter para maisalang."
Napansin din naman iyon ni Leny. Yung lungkot sa mata ng pinsan niya. Napagusapan na din nila iyon at masaya naman ang naging tapos ng usapan. Kagagaling lang kasi talaga ni Mark sa break up. Hindi iyon alam nino man, maliban sa bestfriend niya. Alam din ni Leny na may ibang namamagitan sa kanilang magbestfriend. Hindi man nila aminin sa isa't isa, randam niya sa kilos at ang epekto nila sa bawat isa. Pinapanood niya lang ang grupo ng pinsan niya habang tinatapos ang huling batch ng recipe na pinapaaprubahan niya kay Mark. Konti nalang, darating na din ang asawa at anak niya galing sa trabaho at school kaya kailangan niya matapos ang mga cake para makauwi ng mas maaga.***
Tok tok! Tok tok!
"Mark, apo, it's good to see you up and well!"
"Lola, thanks, eto po yung review at approval summary ng bagong recipes ni Leny. Tatlo yung ipapasa ko. Yung isa, I made some comments, pakisabi nalang kay Leny. I meed to go, may therapy session pa po ako. I don't want to miss any. Sige po Lola. Alis na ako."
"Ha. Well... okey sige, take care. I love..."Brag...
YOU ARE READING
The Pain To Remember
De TodoSometimes, when the pain is too much we would want to forget it. But like all memories, we will miss it naturally. "No matter how hard I try, I can't forget you...The best things happen by chance" -Dory, Finding Dory