Chapter 15

38.9K 386 79
                                    

Chapter 15




Paglabas ni Dafnhie ng kwarto ay napansin nya na nagkakagulo ang mga katulong sa labas. Lahat ito ay may mga binubuhat na boxes.

"What's going on?" tanong nya sa isa sa mga ito.

"Good morning po Ma'am. Dumating na po si Sir galing Spain." nakangiting sabi nito. "Tignan nyo po oh, I'm designing. Yearly ay pinapalitan ni Dafnhie ang design ng kanyang kwarto at umo order ito ng iba't ibang gamit sa iba't ibang bansa depende sa theme na nais nito.

"Good morning iha." nakangiting bati ng kanyang ama nang datnan nya itong kumakuin ng breakfast sa kanilang dining table. Aalis na sana sya ngunit pinigilan sya nito.

"Dafnhie. Let's eat breakfast together." sabi nito ngunit nararamdaman ng dalaga sa tono nito ang pakikiusap sa kanya. Matagal na panahon na rin simula ng kumain sila ng sabay. Hindi na nga halos matandaan ni Dafnhie ang huling beses na kumain sila ng kanyang ama at nagkaroon ng maayos na pag uusap, na walang pagsisigawan, sumbat, sisihan o pag aaway.

Ayaw talaga itong sabayan ng dalaga at magpapadala na lang sana ng breakfast sa kanyang kwarto ngunit naisip nya na hindi iyon magandang idea. Hindi sya nakatulog magdamag dahil sa pag iisip kay Lowiee. Ayaw naman nyang mapag isa na naman sa kanyang silid dahil alam nyang ito na naman ang kanyang iisipin.

Naupo sya sa kabilang dulo ng dining table na ikinagulat ng kanyang ama gayundin ng katulong na nagseserve ng kanilang pagkain. Hindi nakalampas kay Dafnhie ang ngiti at ang saya sa mukha ni Dani dahil sa ginawa ng anak.

"How's university?" tanong ni Dani nang magsimula silang kumain. Napansin nya na hindi kumakain ang anak, pinaglalaruan lamang nito ang pagkain sa plato nito. "Is the food not to your liking? What do you want to eat? We can ask the chef to cook for you."

Walang nakuhang sagot si Dani mula dito. Nakakunot lamang ang noo ni Dafnhie habang nilalaro ang pagkain nito at tila ay hindi sya narinig.

"Dafnhie?"

"..."

"Iha?"

"What?"

"Is everything okay?"

"Everything's good." she nonchalantly answered.

Ini isip ni Dafnhie kung dapat nya bang hilingin sa ama na tanggalin na si Lowiee bilang driver niya. Sa tingin nya ay makukumbinsi nya ang kanyang ama this time. Ngunit hindi alam ng dalaga kung bakit natatakot syang hilingin iyon sa ama. Dapat maging masaya sya kung sakaling mapapayag niya ito. Mawawalan na ng bwisit sa buhay nya pero hindi nya rin maimagine ang mga susunod na araw nya kung hindi nya na makikita ang binata. Nasanay na sya sa presence nito.

"Damn it!" inis na naihagis nya ang kubyertos sa isiping iyon. Napatingin sa kanya ang mga katulong ganun na rin si Dani. Hindi nya pinansin ang mga ito. Inabutan sya ni Alicia ng panibagong kubyertos at nagsimula na din syang kumain.

Napatingin si Alicia sa kanyang alaga. Parang gusto nitong saktan ang pancake na kinakain nito dahil tinutusok nito ang pagkain gamit ang butter knife at gigil na gigil ito habang ginagawa iyon.

"By the way Dafnhie, the dean of your department called me last week."

"..."

"They said that, they think uhm." alam na ni Dafnhie ang sasabihin ni Dani. Alam nya sa sarili nya na halos wala syang maipasang subject sa course nya. Nakakapagpatuloy lamang sya sa kursong abogasya dahil sa pera ng kanyang ama.

"They suggested that you may want to take a break and maybe change your career?" nag aalangang sabi nito.

Aminado si Dafnhie na napakaliit ng chance na maipasa nya ang law course na kinukuha nya ngayon. Wala syang hilig dito, in her entire life of living she never thought once that she will be a a legal executive, a lawyer or a judge.

NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon