Chapter 18- The Story of Us: From Stranger to Friends

336 13 7
                                    

"I helped her? I carried her?" That's because I always see her as a puppy. A poor puppy, left out under the rain, nowhere to go to, and no one to love her.. that's all.."

----------

Ayan na naman yung puso ko.. Para na namang mabibiyak sa iba't ibang parte... Pinipira-piraso na naman ng mga masasakit na salitang binitawan ni Charles..

Para sa isang taong nagmamahal ng sobra, sobrang sakit ang nadama ko kanina habang naririnig ko yung mga sinasabi niya kay Shie..

Bawat salita niya, parang tumatagos hanggang kaloob-looban ng puso't isip ko.. Ansaket..

*KNOCKS*

I did not respond.

"Nicole.. ako ito.." it was Shie. "Pasok ako ah..." then she opened the door and closed it afterwards.

Umupo siya sa tabi ko at para bang nakikiramdam sa mga nangyayari.

"Nicole.." marahan niyang pagtawag sa akin.

"What?"

"Okay ka lang ba?"

"Mukha ba kong okay? Sakit na sakit ako sa mga narinig ko kanina. Kulang na lang, sakalin ko siya para lang mailabas itong sama ko ng loob. Everytime na lang na nagfa-fall ako sa kanya, kung kelan dumarating na yung time na parang akala ko okay na ang lahat sa aming dalawa, saka ko makakarinig ng mga masasakit na salita galing pa mismo sa kanya.."

 Gustong umiyak, pero wala akong maiyak. Kaya naman hindi ko na rin alam kung paano ko mailalabas ang pagkainis, pagkalungkot, disappointment na nararamdaman ko ngayon.

"Iiyak mo 'yan, Nicole~!"

"Tss.. Kung pwede lang eh! Kaso, mukhang naubos na yata eh! Wala ng lumalabas eh! xD" I joked.

"Nicole..." she holded my hands. "I'm sorry..."

"Para saan?"

"Kasi... hindi ako naging mabuting kaibigan.."

"HA?!!! O___O Dahil ba dun sa sinabi nung mokong na yun sa'yo?! Nako--"

"Calm down, adik!" I smiled. "Alam mo, masakit talagang pakinggan, pero na-realize ko after, tama rin pala siya.."

"Paano naman siya naging tama? Tss. Hindi pa siya nakuntentong saktan ako, pati ba naman yung mga kaibigan ko.. Sino ba siya sa inaakala niya??! HA?!!!" I was really annoyed, pero..

"Sino nga ba?"

I looked at her.. confusedly..

"Shie.. ano bang sinasabi mo?! O___O"

"Sino nga ba siya, Nicole? Simpleng si Charles Cresthmondhe lang ba sya, o may iba pa? Sino ba siya sa iyo, Nicole? Sino?!"

"Classmate of course!! Yun! Ano bang klaseng tanong yan, Shierhy?!"

"For God's sake naman, Nicole! Yan yung dahilan kung bakit nasabi sa akin ni Charles yung mga yun eh! Kahit kasi taon na ang lumipas nang una tayong magkakilala, kahit ilang beses ko ng inuulit na bestfriend mo ako at bestfriend kita, sa tingin ko hindi pa rin talaga ako authorized sa title na yun.. kasi until now, may tinatago ka pa rin sa akin eh!" I was speechless..

"Shierhy.. Ano bang sagot ang hinihintay mo galing sa akin?! Hindi mo kasi naiintidihan eh! Hindi mo kasi alam!!!"

"So hindi ko na naman naiintindihan?!" she's annoyed. "Paano ko ba kasi talaga maiiintindihan, kung mismong kayong dalawa e ayaw ngang magpaintindi sa akin eh? Ano ba ako sa tingin niyo, genius? Average lang ang IQ ko, kaya wag niyo naman paduguin araw-araw ang ulo ko sa mga misteryo ng buhay niyong dalawa!!"

Break It EvenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon