Chapter 3- Entangled

567 11 12
                                    

"Charles Cresthmondhe, tell me what you want... "

Nicole's POV

Nagkakapikunan na ata itong dalawa. Sa lahat naman ng magiging dahilan ng pag-aawayan nila, ako pa. Tss~! Buti sana kung napakaganda ko, e hindi naman.. T__T

"You're asking for what I want?" pang-aasar na tanong ni Charles. Pasaway rin itong foreigner na ito e no, nakikita na ngang napipikon na yung siraulong Lawrence, nananadya pa rin. Paano na lang kapag nasuntok ka niya..tss~!

"What I want is-----------!!" bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

At nasundan kaagad iyon ng isang napakalakas na suntok sa kanyang mukha. Sa lakas ng impact ng suntok na iyon, muntikan pa akong mabuwal sa pagkakaupo kaya naman, hinawakan ako lalo ng mahigpit ni Charles.

"You idiot.." hindi na makapagpigil si Lawrence.

"You do not think before you act, so whose the real idiot now?!"

"You------!" paaktong pasuntok na naman si Lawrence. Pero...

*Slaps*

May nasampal, at nanampal. Guess who...

Ako lang naman ang nanampal.

Sino ang sinampal ko?

Sino pa...

E di si Lawrence...

"Nicole.."

"Stop.."

"But.."

"I said STOP!!"

"So you're choosing him over me, huh?" mga salitang binatawan niya dahil sa hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa kong pagsampal sa kanya, habang patuloy pa rin siya sa paghimas sa kanyang kaliwang pisngi.

Nagpapanggap akong bingi. Hindi ko siya pinakinggan. Agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo sa lap ni Charles at dumiretso sa pintuan ng classroom.

"Nicole!!" muling pagtawag ni Lawrence.

Pabukas na ako sa pintuan nang biglang...

"I LOVE YOU, NICOLE!!"

Napatigil ako.. para bang nafreeze ang oras nung mga panahong sinabi niya ang mga iyon. Naramdaman ko rin ang pagkabigla ng buong klase sa sinabi niya dahil wala man lamang ni isang nagtangkang gumawa ng tunog. Kahit si Charles, Xandre at Shie ay kapwa nabigla rin sa sinabing iyon ni Lawrence.

"I WILL DO EVERYTHING TO MAKE YOU MINE!! I PROMISE..."

"SHUT UP!!"

Sa pagkakataong iyon, pati si Lawrence ay napatahimik sa sinabi ko..

"Don't talk as if you know me! Don't talk as if you care about me. Don't talk as if you truly love me..

Because in the end...

YOU'RE JUST GOING TO THROW ME AWAY.."

Mabilis akong umalis.. Binuksan ko kaagad ang sliding door. Tumakbo ako ng mabilis sa hallway ng building. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba... Wala na akong pakialam kung masira man ang image ko sa panahong ito. Basta ang gusto ko lang, matakasan ko ang lugar na iyon bago pa nila masilayan ang mga patak ng luhang ito.

Oo, alam ko... sa pagkakataong ito, dapat ang sasabihin ko, "SAYANG!! Dahil lang sa lalaking iyon, sinira mo ang iyong magandang image na matagal mong pinaghirapan, Nicole." Pero hindi...

Break It EvenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon