Chapter 5.1- She's Sick

453 7 5
                                    

Maaga akong pumasok ngayon. Malamig pa ang hangin, napakatahimik pa sa loob ng aking paaralan, ang prestihiyosong Royal Academy. Binuksan ko ang pintuan ng classroom, nang biglang...

"CHARLES...?!!"

...Nabigla ako, dahil nakita ko "siya". Nag-aayos siya ng kanyang gamit ng mga oras na iyon nang bigla siyang tumingin sa akin. Nagulat ako sa kanya, hindi ko inaasahang titingin siya sa akin. Wala pa syang sinasabi ay nahihila na kaagad niya ang aking puso. Nababakas ko sa kanyang mga mata ang pagtataka at may halo na ring pagtatanong kung bakit ko binanggit ang kanyang pangalan, ngunit sa huli.. katulad ng kanyang madalas na ginagawa, ngumiti rin siya.

"Why?" sabay lapit... "NICOLE!! I'm happy that you know how to call me by my first name now!! =D Why did you call me? Are you going to say something?" sabay kapit sa braso ko, para talaga siyang bata.

"Uhh.... You...Uhm.."

"What?!" at nilapit niya ang kanyang mukha na para bang bata na naghihintay na mabigyan ng kendi.

"M... Mahal kita.." ang mga salitang hindi ko namalayang lumabas galing sa aking bibig. Kasabay noon ay ang pagtigil niya sa kung ano man ang kanyang ginagawa.. (O___0) ????

"...."

"Uh, CHA-rles! What I mean is----!" gusto kong magpaliwanag kaso------

"What did you say?"

"Huh?"

"I'm sorry! I did not understand you..." hindi niya ako naintindihan, foreigner kasi siya eh.

"Huh?" Nakaramdam ako ng sudden depression. Matagal akong napaisip bago ako nakapagsalita ulit. "Ahh...what I mean is..TIE YOUR NECKTIE PROPERLY!!" pinigil ko ang aking sarili.

"Eh?!"

"Even if I'm your classmate, you cannot deny and forget the about the fact that I'm one of the members of the discipline committee, SO YOU BETTER WATCH YOURSELF OR ELSE, I'M GOING TO REPORT YOU, GET IT?!" Nagtapang-tapangan ako...

Kahit alam kong....

Malapit na akong bumigay.

Binagsak ko ang bag ko sa aking desk. Naririnig kong tinatawag pa rin niya ako, pero hindi ko na magawang lumingon at patuloy ako sa paglabas ang kuwarto.

Naiinis ako..

Napipikon..

Gusto ko siyang sakalin..

Gusto ko siyang ireport..

Gusto ko siyang parusahan..

Gusto ko siyang mapangaralan at mapagalitan na rin...

Pero hindi dahil sa kanyang laging palpak na pagsusuot ng kanyang uniform na akala mo e laging may photoshoot dito sa school...

Gusto ko siyang mapagalitan kasi baka sa ganoong paraan..

...

marinig na niya ako!

Dire-diretso lang ako sa paglalakad.. kaliwa, kanan, kaliwa, kanan.. pabilis ng pabilis.. hanggang sa nauwi na ang paglakad na ito sa pagtakbo..

Ayoko ng tumigil pa sa paglalakad, dahil natatakot akong mayroon akong mga pakawalang patak ng tubig na galing sa aking mga mata..

Ngunit sa huli..

Break It EvenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon