"How...to make...a boy...jealous..." Pagtype ko sa google. Pero, bigla kong sinara yung tab nang biglang may bumulaga sa'kin sa library. "Gabi!" Utang na loob nagulat ako dun. Oo nagulat talaga ako. I was jinjja shocked. Akala ko kung sino! Si Park Jimin pala. Nako! Mahirap na kung may nakahuli sa'kin tinytype yun. Nakakahiya kaya. Ikaw ba di nahihiya pagganun? O ako lang yun?
Fine whatever.
"O Jimin," Umupo siya sa tabing upuan at iniabot ang isang envelope. Kinuha ko ito at binuksan ang loob. Wow I smell happiness. Binilang ko ang perang nasa loob at eksaktong 1000 ito. Aba di nga to nagbibiro nang sabihin niyang twice ang ibabayad niya. Nice one. "Dagdagan mo to ng 300."
"Ha?!" Napalakas ang boses niya. Nalimutan niya atang nasa library kami. Napatingin tuloy ang mga nanahimik na nag-aaral sa library sa amin. Tinitigan rin siya nung masungit na librarian. Ahahagahagaahfaa ayan kasi.
"Dagdagan mo" Bulong ko.
"At bakit? Doble na nga binayad ko sa'yo, magpapadagdag ka pa?"
"Sabing dagdagan eh!"
"Siguro pineparahan mo lang ako noh?" Duh? Hindi ba halata? "Ni parang wala ngang progress kay Jungkook!"
"Hoy! Para sa kaalaman mo, di ako manloloko. 99% ng tinutulungan ko, nagkakatuluyan o di kaya nagkakabalikan sila ng shota nila! Kaya dagdagan mo to dahil magdadagdag ako ng acting program sa'yo."
"Acting program?"
"Oo! Sobrang kailangan mong matutong umarte kung gusto mong mapunta sa'yo si Jungkook! Nakita mo ba yung kanina? My golly! Simpleng pagtawag sa kaniya di mo magawa ng maayos! Paano to magiging successful? Huh? Huh?"Nakataas ulo ko sa kaniya habang pinapakumkha kung ano ang mga kakulangan niya sa buhay.
"Aisssh!" Dumukot si Jimin ng wallet sa bulsa niya at kumuha ng additional 300. Iniabot niya sa'kin at inamoy amoy ko yung pera. Aba mahirap na noh pano kung fake pala tong lahat. Marunong akong makadistinguish ng fake na pera sa totoo okay? Isang amoy ko lang, alam ko na.
Nginitian ko siya habang tinatago ang pera sa aking bulsa habang napakamot naman siya sa ulo niya. Hala, may kuto ka beshie?
--
Nag-antay ako sa Starbucks kay Park Jimin. Ito ang tunay na dahilan kung bakit ako nagpadagdag ng additional 300. Para makabili ako dito. Hahahaha. Pero tuturuan ko rin naman siya, don't worry. Di naman ako ganun kagahaman.
Tinignan ko ang phone ko at, utang na loob. Grabe to ah grabe. Grabe sobrang tagal! Nagawa ko na sana lahat ng assignments ko ngayon!
Paalis na sana ako nang dumating siya. "O aalis ka na?" Lumingon ako at tinignan siya from head to toe. At balik ulit sa head. "Pffttt Bahwahahaha ano yan?"
BINABASA MO ANG
HELP ME GIRLALOO | Jimin
Fanfiction"Gabi, kailangan ko ng tulong mo." "Ano ba yun?" "Kilala mo ba si Jeon Jungkook" "Ah yung may malaking ilong? Bakit?" "Tulungan mo kong mapasakin siya. Please!"