Pagkaalis na pagkaalis ni Jimin ay biglang namang lumitaw ang aking mother dear. Dali-dali siyang lumapit sa'kin at bumulong. "Si Park Jimin yun diba?"
"Oho..." Sabi ko at dahan-dahang humiga ng maayos.
"Oi Gabi, akala ko ba hindi kayo? Bakit siya pa nagdala sa'yo dito tas pinakilala pa niya sarili niya sa mga nurse bilang boyfriend mo?!" Putek. Jimin. Ginawa niya yun. Tae siya.
"Ma..." Huminga muna ako ng malalim bago mag-explain. Sa totoo lang gusto ko na lang hayaan dahil tinatamad na ako ipaliwanag ang lahat. Pati malungkot ako ngayon, pero dahil baka magcause pa ng further misunderstanding eh.... inexplain ko na lang din. "Hindi nga kami. Pagpapanggap lang yun... Hindi yun totoo."
"Pero feelings mo sa kaniya? Ano?" Medyo natanga ako dun... Huhuhuhu tae fjskdjfk oo na totoo feelings q sa kaniya!!! Totoong totoo!! :( "Diba sabi ko sa'yo tigilan mo na? Pati tigil-tigilan niyo na nga yang kalokohan niyo! Layuan mo na yun!"
"Ma, huwag kang mag-alala tapos na. Di na kami magpapanggap. Tapos na. It's done na!"
"Talaga?"
"Opo..."
"Mabuti naman."
Pipikit ko na sana mga mata ko nang bigla akong may marealize. Bakit ba oa sa pagtutol nanay ko? Yung tipong pinapalayo niya pa ako kay Jimin? Tapos ayaw niya pa ako magka-crush dun kahit crush lang nomon ihhh... Ayaw ba niya ako magkaboyfriend? I mean kahit joke time lang, ayaw ba niya? Gusto niya ba ako magmadre? O tumandang dalaga? Only child na nga lang ako... Ayaw niya bang magka-apo? "Ah ma, matanong ko lang. Bakit nga pala tutol na tutol ka kay Jimin?" Tanong ko nang biglang dumilat mga mata ko.
"..." Hindi agad nakapagsalita si mama.
"Huwag mong sabihing....ampon pala ako tas kapatid ko pala si Jimin?" GOSH? KAYA BA MALAPIT LOOB KO SA KANIYA? HALF BROTHER KO BA SIYA O FULL? 1/4? 3/4 ? TAE. SO MAYAMAN BA TALAGA PALA AKO? SO MAY KARAPATAN BA AKO TUMIRA DUN SA MANSION NIYANG BAHAY?
JK AHAHAH. FUnny ka Gabi laki ng imagination mo. Ha. HA. AHAH.
"Gaga hindi." Nabatukan ako bigla ng nanay ko. Uhm... my head is still fragile... uhmmm why u make batok me?!
"Eh kung hindi ganon, bakit?"
"Saang planeta ka ba nakatira?" Mukha ba akong nakatira sa Mars? "Hindi ka talaga nanonood ng balita noh?" Oo na sige na ako na 'tong di mahilig manood ng TV. Ako na 'tong walang alam sa mga issues sa world. Bakit ba? Pag-uwi ko ng bahay nag-aaral ako. Yabang q. Studious ata ako. Kailan q gumraduate. Tapos after, nood k-drama. Tuloy tuloy na yun hanggang ala-una ng madaling araw. Tapos siyempre tulog. Tapos gigising ng 5. So paano ko isisingit panonood ng TV sa pang-araw-araw kong buhay kung kulang-kulang apat na oras lang tulog ko sa isang araw?
"Manood ka once kung gusto mo malaman kung bakit." Pinagawan pa ako ng assignment ng mother ko :) Di ko pa nga tapos hw ko sa school eh :)
Fine.
-
So dahil masunurin akong bata, nang makauwi ako galing hospital, sinubukan kong manood ng balita. Katulad ng panonood ko ng K-Drama, may popcorn akong hawak-hawak habang pinapanood ang balita.
"Haha dami palang issues ng mundo." Ngayon ko lang narealize 'to. Hindi talaga ako fan ng mga balita eh. Kasi I thought it's an adult thing. Pero kung tutuusin fun siya. Siguro nga nakakastress kasi parang puro problema na lang ang mga binabalita. Patayan dito. Patayan dun. Korupsyon dito. Korupsyon dun. However, at the same time, nakakaamaze? Kasi nae-enlighten ka sa mga issues ng buong mundo---well if not ng mundo, ng bansa. I feel smart tuloy after watching balita. Lahat na natuklasan ko after watching the balita. Pero wala naman akong nakitang sagot kung bakit tutol si mama kay Jimin. Wala naman akong Park Jimin na nakita. Kahit kamukha niya, wala naman. "Pinagloloko ata ako ng nanay ko eh..."
Kaya naman, matapos kong manood, bumalik na ako sa dati kong gawi. At what I mean by dati is yung talagang dati. Yung tipong dati na hindi ako nagraraket na nagpapanggap bilang girlfriend ng kahit kanino. Ayoko na rin gawin yun kahit kailan. Sabi ko nga nun, last na si Seokjin. Pero dumating pa si Jimin. So eto na talaga. Last na si Jimin. For Real. AS IN REAL. Pagod na ako. Time to focus on my studies now.
Tinapos ko homework ko at ibang projects na din. Tapos nanonood ako ng K-drama hanggang ala-una. Ngunit, kadalasan dapat aantukin na ako ngayon, pero for some reason, hindi ako makatulog. Insomnia? Ano ba tawag dito? "Ano na gagawin ko..." Out of nowhere kong naisip na kung ayaw ipalabas sa TV si Jimin, baka si google ipakita siya sa'kin. So ginawa ko.
"Park Jimin..." Sabi ko habang tinatype ang bawat letra ng pangalan ni Jimin.
Agad na nagpakita ng resulta si google. Kung sabagay, mabilis internet connection tuwing madaling araw. Mga tulog na kasi mga tao.
"A-Ano 'to..." Agad kong pinindot ang unang article na lumabas. "B-Bakit hindi ko 'to alam..." Pakiramdam ko taga-bundok ako dahil ngayon ko lang 'to nalaman. All this time na kasama ko si Jimin tae... di man lang niya sinabi 'to sa'kin. Kahit sino! Walang nagsabi sa'kin...
[ABC Corporation's CEO, Mr. Park, has finally announced that the wedding of his son, Park Jimin, and the daughter of Ama & Zing Ent.'s CEO, Mr. Jeon, is going to happen soon. "There isn't an exact date yet, but most probably after their graduation." He stated. " Maybe somewhere at end of the year or earlier? Hahaha. They're madly inlove with each other" He added. Just last last month, ABC Corporation and Ama & Zing Ent have announced that they are officially engaged....]
[ +3243 -134] Cute. I ship them <3
[+540 -732] Too young..."madly inlove"..... a shotgun marriage?ㅋㅋㅋㅋㅋㅋ
[+3212 -98] Definetely , this is an arranged marriage. But maybe they're really inlove? Who knows?
BINABASA MO ANG
HELP ME GIRLALOO | Jimin
Fanfiction"Gabi, kailangan ko ng tulong mo." "Ano ba yun?" "Kilala mo ba si Jeon Jungkook" "Ah yung may malaking ilong? Bakit?" "Tulungan mo kong mapasakin siya. Please!"