Tinignan ko yung oras sa phone ko at nakitang magse-seven na pala! Nako naman!!! Kailangan ko nang umuwi! Cinderella ako for the day eh. Ang pinagkaiba lang wala akong Fairy God Mother, ni stepsisters, at mga kaibigang mga daga't ibon. Meron lang akong baklang prince charming at evil mother. Kddng I love my mother.
"Hala... uhm... Nako kailangan ko nang umuwi..." Sabi ko sa JiKook. Ew. Did I just ship them? Don't get me wrong okay? Hindi ko sila shini-ship. Sadiyang tinamad lang akong i-ispell mga pangalan nila.
"Eh uuwi ka na?" Tanong ni Jungkook. Malungkot tono niya pero nakangiti siya. Napakaplastic niya. Bakit. Putulin ko kaya yang ilong mo.
"Oo eh. May curfew ako." Napansin ko ang paglip sync ni Jungkook ng, 'Wawa.' Dafuq! Namumuro na to ah! Isa pa! Tatadyakan na kita!
"Hala!" Bigla namang nagreact si Jimin after 43 seconds of realization na never niya ako magugustuhan kasi beki siya. "Nako curfew mo nga pala! Nako! Ihahatid na kita pauwi Bhebhe labs."
"Hala! Hinde hinde! Wag na! Kaya ko nang magcommute" Ang pagtatanggi ko. Bakit ba? Pabe2 aq.
"Ano ka ba! Gabi na! Delikado!"
"Ano ka ba mag se-seven pa lang! Di pa ako mararape! Big girl na ako." At napansin ko naman ang pagl-lipsync ulit ni Jungkook with kasamang pang-asar na facial expression na, "Luh big girl daw. Big girl eh ang liit-liit naman."
"Anong? Ano ba! Iuuwi na kita. I'll explain to mommy kung bakit lumagpas ka na ng curfew" Alam mo ang galing na pong umarte ni Jimin to the point na di ko alam kung acting ba yun o hindi. Dude! He just called my mother mommy! Since when pa kami naging magkapatid? Huwag kang peeler Park Jimin! Di ka banana peel!
"Jimin..."
Lumingon siya kay Jungkook at nagpa-alam sabay bow. "Sorry, uuwi na kami. Thank you nga pala, Jungkook." I guess walang makakapigil sa protective na boyfriend---este fake boyfriend.
"E-Eh... Sige okay lang..." Pero malamang di okay sa kaniya. " Bye! Ingat kayo!" Wika ni Jungkook. Tumayo si Jimin at nagba-bye. Ako rin nagbye sabay bow. Aw sorry Jungkook tama na paglalandi sa Bhebhe ko.
Bago kami tuluyang umalis, tila parang bigla kong narinig ang iniisip ni Jungkook habang kumakaway siya sa'min. Yung tipong, "Magpakasaya ka lang hangga't kaya mo... Nasa akin pa rin ang huling halakhak." Edi shing. Nakawin ko yang huling halakhak mo eh.
Nakita naman namin si Taehyung sa di kalayuan na naghahanap pa rin ng signal para ma-upload pictures niya. "Oi TaeTae, uwi na kami. Thank you! Bye" Sabi ni Jimin sabay tapik sa shoulder ni Taehyung.
"Ayun na upload na!---teka uwi na kayo? Awwww man! Bye!! Ingat!" Nag-bye na rin ako sa kaniya at pinaalala na itag ako sa inupload niyang pictures. "Oki!!!" Wika nito.
-
Pumunta kaming parking lot ni Park Jimin para salubungin si Kuya Driver Mang Tomas. "Jimin ano ka ba kaya ko naman talagang umuwi mag-isa. Dun ka muna mag enjoy ka muna." Sabi ko habang nasa labas nasa parking lot na kami.
"Hindi, gusto ko na ring umuwi eh. Maoop lang ako sa dalawang yun..." Aniya niya.
"Sus. Nageenjoy ka ngang kausap si Jungkook kanina. Tss" Mataray kong sinabi sabay crossed arms. Tumingin-tingin ako sa paligid habang inaantay na dumaan si Kuya Driver Mang Tomas para makasakay na kami.
"Bakit? Nagseselos ka?" Teka parang masasamid ata ako.
"L-Luh ka. Bakit naman ako magseselos?"
"Kasi malay mo may gusto ka sakin. May gusto ka nga ba?" Tinignan niya ako sa mga mata pero di ako makatingin.
"Wala kaya. Isa pa, ew di tayo talo noh. Di po ako pumapatol sa bakla." Di ako makatingin ng diretso sa kaniya. Ilang beses na akong napapalunok. Huhhu sht. Masiyado kang obvious Gabi!
BINABASA MO ANG
HELP ME GIRLALOO | Jimin
Hayran Kurgu"Gabi, kailangan ko ng tulong mo." "Ano ba yun?" "Kilala mo ba si Jeon Jungkook" "Ah yung may malaking ilong? Bakit?" "Tulungan mo kong mapasakin siya. Please!"