Chapter 28

105 5 30
                                    


Nakahawak lang ako sa kilay ko habang pabalik ng classroom. Bigla kasi ako natakot sa pagbabanta ni Jungkook. "...kapatid ko papakasalan niya. Kaya subukan mo lang tumutol sa kasal nila kung ayaw mong i-shave ko kilay mo." Tae baka totohanin niya... I mean hindi naman sa tututol talaga ako pero.... PUTCHA KILAY KO NAKASALALAY DITO.

"Ahhh uhuhuhu!!!" Napaupo ako sa tapat ng pintuan ng classroom. Halo-halo ang nararamdaman ko. Naiiyak ako. Natatawa ako. Nasasaktan ako.

Naiiyak ako dahil naguguluhan pa ako ng slight. Naiiyak din ako para sa kilay ko. Putek panget na nga kilay ko balak pa nung ilong na yun kalbuhin!!! Sabagay... baka pagtumubo biglang gumanda? PERO PANO KUNG HINDI NA TUMUBO KILAY Q?! PUTEK ANO?! WALA NA AKONG KILAY?

Natatawa naman ako kasi iniimagine ko sarili ko nang walang kilay. HAHAHHAHAHAHAA bagay kaya sa'kin tho? Ma-edit nga mamaya sarili ko sa paint. Joke. Pero seriously speaking, natatawa ako kasi medyo naiintindihan ko na ang lahat. Natatawa ako sa katangahan ko. Yung mga tingin dati ni Jungkook, yung akala kong pagbabadiya ng pagseselos, inis pala yun sa'kin. Inis kasi siguro akala niya inaagaw ko si Jimin sa kapatid niya. Kasi akala niya siguro nilalandi ko si Jimin. Baka iniisip niya baka dahil sa'kin at hindi pakasalan ni Jimin yung kapatid niya.

Nasasaktan ako kasi... hindi pa ba obvious? Kasi magpapakasal si Jimin. Duh. Ang sakit. Putek. Putcha. Leche. Anak ng tofu. Ang shocking pa sa puso kasi ang bata pa nila. Fine, legal na naman, pero get... hayczcxzc ewan. Basta alam mo yung pinakamasakit sa lahat? Yung wala kang magawa. Ang hipokrito ko ba? Kanina sinasabihan ko si Jungkook na dapat may ginagawa siya pero ako dapat pala yung may gianagawa. Tapos ako pa 'tong walang magawa.

Sino ba naman kasi ako para may gawin? Di hamak na isa lang naman din ako sa nagkakacrush kay Jimin. Panigurado hindi lang ako ang may gusto sa kaniya. Marami pa siguro diyan. Mga ten billion.

Sino ba naman ako para tutulan siyang pagpakasal? Di hamak na hindi ako kasing taas ng estado niya sa buhay. Isa pa, oo na baka arranged marriage yun, baka hindi sila nagmamahalan, baka hindi maging masaya si Jimin pagnagpakasal siya. Pero kami ba ni Jimin nagmamahalan? Ako nga lang ata ang nagmamahal eh.

Naiintindihan ko na rin kung bakit tutol si mama sa "pagkukunwaring" girlfriend ko kay Jimin. Mataas ang estado ni Jimin sa buhay. May-ari pala sila ng malaking korporasyon. Tanga ko. Ngayon ko lang nalaman. Kaya pala ang laki ng bahay nila tas May driver pa. Ako ang mapapahamak pagnakeelam ako; kapag na-misunderstand ng mga tao ang relasyon namin. Siguro kaya sinasabi ni mama na kalimutan ko na feelings ko sa kaniya kasi ako lang din 'tong masasaktan. Oo, alam ko naman yun. Kaya siguro dapat ko na nga talagang kalimutan. Dapat tanggapin ko na talaga na, bakla man o hindi si Jimin, hindi talaga siya para sa'kin. Dapat magmove-on na ako. Like legit move-on. As in. For real.

At ang unang step para maka-move on? Ang aminin na. Nang sa gayon, mapayapa na ang puso ko.

-

"Aghh!! Dapat kasi sinabi ko nang may gusto ako sa kaniya nung tinanong na niya ako para di ko na kailangang pumunta dito eh!!! Edi sana at peace na 'tong kokoro ko." Ang pag-aangal ko sa sarili ko habang palakad-lakad sa tapat ng gate nina Jimin. Tumigil ako sa tapat ng pintuan ng gate at umangal na naman. "Ikaw kasi eh! Dapat pupuntahan na kita sa classroom niyo pero umiiwas ka pa sa'kin!" Sigaw ko sabay turo sa gate. Bigla ko na naman na-realize kung gaano ako katanga. Kung ayaw nga niya ako makita, pano pa kaya ngayon? Kapag ba nag-doorbell ako lalabas ba siya para harapin ako kung sa school nga iwas siya ng iwas sa'kin? "Aghh!! Tanga mo nga!!!" Mukhang tama talaga si Jungkook. Tanga ako.

Pero dahil tanga na rin ako, panindigan ko na. Pinindot ko yung doorbell at humarap dun sa may camera. Tae high tech nila wala kaming ganito :) Sorry hanggang katok lang kami.

"Hello... G-Good Evening po..." Sabi ko habang pumipindot. I'm sorry I really don't know how this thing works. Basta, sumilip-silip lang ako dun sa parang box na ewan. Baka naman hindi ako nakikita? May tao kaya talaga sa loob? Meron naman siguro noh? Kahit yaya ganern?

Ilang saglit lang ay may narinig din akong boses mula sa doorbell na ito. "Sino sila?" Para siyang babae... katulong? Nanay ni Jimin? Lola? Ate? Pinsan? Shocks baka yung fiance niya? TAE WOAh Nagdalawang isip na naman ako kung tama ba 'tong gagawin ko. Siguro selfish 'to kasi para lang 'to sa'kin. Para matapos na yung feelings ko sa kaniya. Kaya lang pano kung magsimula bigla ng gulo? Nako, huwag naman sana. Please I just wanna confess my feelings tas alis na agad ako and never na akong magpapakita kay Jimin.

"U-Uhm... S-Schoolmate po ako ni Park Jimin... I'm Lee Gabi. A-Andiyan po ba si P-Park Jimin...?" Nanginginig ako habang nagsasalita. Nakakanerbyos ihh...

"Sir Jimin po? Ah, wait lang." Medyo nakahinga ako ng maluwag. Okay mukhang katulong lang naman nila yun. WOhh..

Naghintay ako ng ilang minuto sa labas ng gate nila habang dinadama ang lamig ng gabi. Wow sarap. Ang lamig swearzzz. Hindi naman nagtagal na biglang may bumukas ng pintuan sa gate. "Gabi?" Akala ko iiwasan pa rin niya ako eh. Buti naman lumabas siya.

"Oh. Hello Jimin. S-Sorry natutulog ka na ba... Sorry..."

"Hindi pa naman... Anong ginagawa mo dito?"

"U-Uhm ano..."

"Ano?"

"Ano..." Ilang beses ko 'tong pinractice sa salamin. Kaya ko 'to. Woh! Nagprint pa nga ako ng picture ni Jimin para gawin kong practisan eh... Okay Gabi you can do this. Basta amin ka tapos takbo ka na agad. Ganun lang yun kadali. "N-Nung ano... Nung..." Pero bakit parang hindi ko kaya? Iba na pagtotoong tao na kaharap mo at hindi na picture.

"Gusto mo ba pumasok sa loob? Parang nanginginig ka na diyan sa labas eh. Tara---"

"H-Hindi... Dito na lang...Ano..." Ayoko na pumasok. Hindi ako makakatakbo agad. Pati baka nandun nanay tatay niya, marinig pa ako tas mamaya isipin haliparot akong umaaligid sa anak nila...

"Ano ba kasi sasabihin mo?"

"Ano... Kasi Jimin ano..." Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Tbh Im really scared. "U-Ui pero w-wag mong isiping ginagawa ko 'to para pigilan pagpapakasal mo ah... S-Support ko naman kayo eh... Ano lang... Para lang matapos na..." Huminga ako ng malalim at dahan-dahang inilabas ang hangin sa aking bunganga. "Jimin, may gusto ako sa'yo." Shet nasabi ko na. "S-Sige...Bye na. Baboo."

At 1..2..3... tumakbo ako.

Ay teka ulitin ko mali.

At 1..2..3... tatakbo na sana ako nang bigla akong hinila ni Jimin sa kaniya. Bigla niya akong niyakap sa mga biyas niya. PUTEK NAMISS Q TO :( JK LANDI MO GABI.

"Yun lang naman hinintay ko."

"Huh?"

"Ako rin, Gabi."

"Eh?"

"Gusto ko kita."

HAHAHAHAHAHAHFJADKFJASKDJFKHAHAHAHWAHLFHAKHFAKLHFAKHAHHAKHAKDHFKAHFAHAHHAHAHAHAHAH

what?





HELP ME GIRLALOO | JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon