"Huy! Huy! Totoo ba? Kayo daw nung baklang Jimin?" Nagulat ako sa balita na natanggap ko galing sa kaibigan kong si Marga. Muntik na tuloy akong mabulunan sa kinakain kong tinapay. "Huy totoo ba? Marami raw nakakakita sa inyong naglalandian ah..." Umupo siya sa upuan na nasa harapan ko, at nakaupo ng patalikod. Gets mo ba? Hindi? Wag mo na i-get mahirap iexplain.
"Di ka pa nasanay sa'kin" Pinagpatuloy ko ang pagkain.
"Eh so totoo nga? Iba na pala type mo...Kaya pala nung isang linggo yung baklang Jin yung shinoshota mo tapos ngayon si Jimin naman...Grabe ka sister! Ganyan ka na ba kadesperadong magkaboyfriend? Pati bakla pinapatulan mo?" Utang na loob at labas. Hindi ba sinabi ko magiging milyunaryo muna ako bago ako magbboyfriend?
"Gaga!" Lumapit ako sa kaniya at bumulong, "Nalilimutan mo na ba sideline ko?"
"Sideline mo...?" Nag-isip siya ng mga ilang seconds bago makaget. "Ah...Ah!!!" Tinakpan ko bunganga niya at baka kung ano na naman lumabas sa bunganga niya. "Oo ganun nga!"
"Ah so... kunyarian lang pala yun?"
"Yeah. Basta Marga, huwag mong sasabihin sa iba ah? Baka makarating kay Jungkook masira plano ko."
"Yes yes sure sisterlet!" Nagnod lang ako sa kaniya at nagpatuloy kumain. Teka wala na pala akong kakainin kasi bigla niyang kinuha tinapay ko. Thanks. Thanks, friend.
--
Lumipas ang ilang araw, pinagpatuloy lang namin ni Jimin ang mga plano namin para mapunta sa kaniya si Jungkook. Pag nandiyan si Jungkook, naglalandian kami. Pero as usual, masiyadong manhid si Jungkook. Hindi siya nagpapakita ng pagselos o ano mang sht. Ngunit, nakikita ko sa mga mata ni Jungkook, unting unting napapansin na niya si Jimin. Siguro manhid lang din kasi si Jimin kaya di niya rin pansin. Pareho pala tong mga manhid eh. Pagumpugin ko kaya sila?
Kumakain ako nun ng lunch sa caf kasama si Jimin at napansin kong di siya kumakain. Dapat kasama ko si Marga ngayon eh pero dinitch niya ako. Oo dinitch niya ako. For the 8403549th time in forever...what a friend. "Hoy kumain ka nga. Gusto mo bang mamayat?" Pinagalitan ko siya.
"Gabi~~ Ayoko naaaa" Sabi niya at inumpog ang mukha sa lamesa.
"Ayaw mo nang kumain? Sige bahala ka akin na lang pagkain mo" Kukunin ko na sana pero hinatak niya yung plato niya. "Hindi! Parang ayoko nang ipagpatuloy to! Parang wala namang nangyayari eh! Kahit anong gawin natin di pa rin ako pinapansin ni Jungkook! Malabo nang mapasa'kin siya... lalo na..."
"Lalo na...?"
"Lalo na pagbumalik siya..." Siya? Siya? Siya Siya Padilla?
Sht funny ko.
"Siya? Sinong siya?" Pinatong niya ang kaniyang ulo sa kamay niya at sabay sabi, "Si Kim Taehyung. Yung karibal ko..."
"May karibal ka talaga sa lagay na yan noh?" Nagnod siya at nagpout. Putek sobrang mukha nga siyang tuta na pusa na ewan ko kung anong animal sht siya. "Eh asan ba yung karibal mo? Parang di ko pa siya nakikita kasama ni Jungkook ah?"
"Absent siya ng isang buwan. May sakit daw kasi. Di malabong papasok na rin yung anytime this week..." Aww Kawawang Park Jimin. Di pa nga siya nakakaabante sa puso ni Jungkook baka manakaw na agad sa kaniya si Jungkook. Pinat ko ang ulo niya habang nakayuko at nakaharap sa lamesa na parang kawawang pusa. "Huwag kang mag-alala marami pa akong nakatagong bala sa mga manggas ko."
"Eh? May baril ka? Ui Gabi...illegal yan..." Binatukan ko siya na nagpauntog ng baba niya sa lamesa.
"Putek! Di mo ba alam yung figures of speech?"
"Hindi huhu!!! Ui pero Huhuhu Gabi pano kung di magwork lahat?"
"Magwowork yan! Maniwala ka sa'kin! Diba nga sabi ko sa'yo 99% ng tinutulungan ko successful?"
"Paano kung kabilang ako sa 1%? Paano kung wala na talagang pag-asa?" Mukhang nawawalan na to ng buhay. Mukhang susuko na 'to. Hindi hindi to tama. Kailangan ko pa ng pera. Hindi pwedeng tumigil ng ganun ganun na lamang.
"Alam mo, mga talunan lang nagsasabi niyan. Talunan ka ba?" Umoo naman siya. Aminado si friend. Niyuko na naman ang ulo sa lamesa sabay kumanta ng Looser ng Big Bang.
"Loser oetori sen cheokhaneun geopjaengi---" Di ko na pinagpatuloy pagkanta niya, hindi dahil babagyo kasi maganda naman boses niya. Sa totoo lang ang ganda nga. Like sht. Pero piniglan ko siya sa pagdradrama dahil bigla kong nakita si Jungkook papasok ng cafeteria.
"Sht sht Jimin! Ilong alert! Ilong alert!" Napaupo siya ng maayos at nagsimula nanaman kaming magarteng landian.
"Jimin bhebhe labs~~ Kumain ka na~ Gusto mo bang subuan pa kita?"
"Sige subuan mo ko bbhebhe labs~ Ahhh" Nilakihan niya bunganga niya at sinubuan ko naman siya. "Macharap?"
"Charap charap!" Sabi niya. Aba gumagaling to sa pag-arte ah. Nice one. I'm so proud! Pwede na ba akong acting coach? "Gusto mo pa?" Tanong ko.
"Yes please~" At binuka nanaman niya bunganga niya. Ngumuya siya at biglang nasamid. "Oh sht! Bhebhe labs!" Binigay ko sa kaniya yung baso ng tubig ko hanggang sa mawala ang samid niya.
"Okay ka na?"
"Oo okay lang ako... *ubo* *ubo*"
"Sure?"
"Oo... *ubo*"
"Sorry...!"
"Wala yun!" At bigla niyang kinurot pisngi ko. At ang sakit. Hindi ko alam kung nagalit ba siya dahil nabulunan siya sa pagsubo ko o ano eh...
Nakita kong kakabili lang ni Jungkook at wala siyang makitang upuan. "Psst Jimin yayain mo dito!" Bulong ko kay Jimin at nagulat naman siya. "E-E-Eh...?"
"Dali na!"
"S-S-Sige..."
Tinawag niya si Jungkook at agad naman siyang napansin nito. "Jungkook! G-Gusto mo dito? T-Tara...!"
"Ah..Sige sige salamat" Umupo siya sa tabi ni Jimin at biglang naging akward yung air in the atmosphere. Kahit ako di ko alam gagawin ko. Kitang kita ko sa mata ni Jimin na kinakabahan siya. Hindi ko alam kung dahil kinikilig ba to o dahil baka magkamali siya pagnaglandian kami. Di ko tuloy alam kung ano ba dapat gawin. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.
"Ah, bhebhe labs may kanin ka---" Nagulat ako kasi biglang palapit ang kamay ni Jimin sa pisngi ko, pero bago pa niya matagal yung moomoo ko sa mukha, nag-abot na agad si Jungkook ng tissue. "O tissue," Sabi niya sa'kin in a very cold manner and idk why he was so cold. Kinuha ko naman yung tissue at ako mismo nagpunas ng kanin sa sarili ko. Masama tingin niya sa'kin. Yung tipong labag pa sa loob niya na mamigay ng tissue.
Nagulat ako sa ginawa ni Jungkook, pati si Jimin nagulat at napatingin pa nga kay Jungkook na nagpatuloy lang sa pagkain. Woah there...I smell that success is just around the corner...heehee.
Hindi nagtagal at natapos rin agad si Jungkook. Tumayo siya at nagpaalam. "Sige tuloy niyo lang landian niyo." May galit ang pagsabi niya nun. Umalis siya habang bitbit ang tray kung nasaan ang pinagkainan niya.
Nang makalayo na siya nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Jimin. "Gabi...bakit parang galit sa'kin si Jungkook? Sht...Nako naman! Imbis na mapalapit siya sakin lalayo pa ata siya sa'kin!!!" Sinabunutan niya ang sarili, pero tumawa lang ako.
"Anong nakakatawa?"
"Ano ka ba Jimin, yan ang magandang galit."
"Huh? May pangit bang galit?"
"Gags! What I mean is, hindi naman sa galit talaga siya sa'yo. Alam mo? Parang nagseselos siya."
"Nagseselos...siya? Paano mo naman nalaman?"
"Duhh women instincts!" Lumapit ako kay Jimin at bumulong, "You know what Park Jimin? Nadadama ko na malapit nang mapasayo si Jeon Jungkook."
BINABASA MO ANG
HELP ME GIRLALOO | Jimin
Fanfiction"Gabi, kailangan ko ng tulong mo." "Ano ba yun?" "Kilala mo ba si Jeon Jungkook" "Ah yung may malaking ilong? Bakit?" "Tulungan mo kong mapasakin siya. Please!"