Chapter 2

16.2K 449 26
                                    

Hailey's POV

Tahimik akong nagkokopya ng mga sinulat ni Sir Paredes sa blackboard. Lumabas siya matapos niyang masulat at iniwan na lang kaming mga nakatanga dito.  Wala manlang sinabi samin na "Okay please copy this " o kaya "Pakikopya nalang muna at may kailangan lang akong ayusin.  Babalik din ako" . Kaya ito kami ngayon, nagsusulat lang sa kawalan.  

Lumingon ako kay Gab at nagsusulat lang din siya.  Kilala ko yang best friend ko, kaya alam ko ang natakbo sa utak niya sa mga oras na ito.  Praning na naman yan at nagaalburoto dahil sa mga paratang na sinabi samin ni Sir. Di na ako magtataka kung gusto niya ng takpan ang dalawang tenga niya kanina habang may eksena. 

I'm here nga pala to introduce myself.  Andami ko na agad ibang sinasabi sa inyo pero di niyo pa ako lubos na kilala.  Ehem. I'm Hailey Anderson. Wala akong nickname gaya nila dahil hindi naman ganun kahirap at kahaba ang pangalan ko.  They call me Hailey.  Simple as that.  17 years old at NBSB.  Pero crush? Haha marami.  Well, di naman yun masama.  Mahilig ako  sa mga music kaya kapag kasama ko ay buong barkada o kahit si Gab lang, lagi akong nakaearphones at nakatingin sa cellphone.  Nandun kasi nakalagay lahat ng lyrics kaya halos yung ibang kanta memorize ko na. 



Obvious naman na kabilang ako sa mga student na nagaaral sa worst section ng University na to.  Halo halo na nga kami sabi ng ibang teachers.  Minsan nga, sinasabihan na ako nung iba na weird dahil maya maya kung ano anong words at lyrics na ng kanta ang lumalabas sa bibig ko.  Masyado kasi akong emotional pagdating sa mga kantang slow-mo. Kahit wala naman akong pinagdadaanan sa buhay,  pakiramdam ko'y naranasan ko na lahat ang pighati at poot na pwedeng maranasan ng gaya ko. 


Anyways, wala akong kapatid compared kay Gab. Only child ako pero hindi ibig sabihin na spoiled brat na agad.  Kahit naman kasi medyo may nakakayanan pa naman ang mga magulang ko.  Marunong naman ako makiramdam at magtipid kahit papano.  Di naman ako ubos biyaya. Basta nandyan ang cellphone at earphones ko, life complete na ko. Marunong kasi ako makontento. Hahaha

And  one more thing. Isang simpleng babae at mabait din naman ako kung mabait din ang pakikitungo niyo sakin.  Mahinhin din ako minsan at ayaw ko ng istorbo lalo na pag nakikinig ako sa music.  Feeling ko kasi sira na agad ang araw ko.  OA man pero sadyang feelingera lang ako. Haha.


Napalingon nalang ako sa cellphone ko at ilang minuto pa para maguwian. Grabe, ang bagal ng oras.  Nakakaasar lang kasi pag gusto mo ng matapos ang buong araw na to pero nananadya lang talaga ang tadhana na parang mas lalong binabagalan pa.  Tapos kung kailan naman gusto mong wag ng matapos ang isang maghapon dahil masaya ka tsaka naman bibilis ng bonggang  bongga ang oras. 


Kagaya ng nakagawian namin.  Chika doon, chika dito ang peg nila.  May kanya kanya silang pinaguusapan tungkol sa mga walang kwentang bagay.  Yung mga babae tungkol sa mga crush nila,  dahil halatang halata naman dahil si Alex may pagpalo pa sa katabi.  Tapos sina Matt at sina Caleb naman tungkol sa mga basketball,dahil natural lang naman yun sa mga lalaking gaya nila. 


"Announcement daw po"




Walang gana kaming lumingon sa unahan kung san may nagsalita at si Yohan pala yun. Di ko napansin na galing pala siya sa labas at parang may pinuntahan.  Pinagmasdan ko lang si Yohan na may maamong mga mata na nakatingin lahat samin. 



"Pakitahimik nga po muna" sigaw ng isa kong kaklaseng babae na nakitang si Sam pala yun.  Sa tantsa ko, medyo na beastmode na siya sa mga oras na to.  Lagi nalang yan ang nagpapatahimik sa bawat section kahit hindi naman niya yun tungkulin.  Feeling leader, for short. 





Worst Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon