Sophie's POV
"Hoy baon mo"
Mabilis akong bumalik sa kusina dahil sa malakas na sigaw ng nanay ko. Tuwing umaga kasi madalas niya akong pinaghahanda ng baon kahit may cafeteria na sa campus.
"Ayusin mo sophie. Lagi ka nalang nagmamadali" pahabol na tugon niya sakin pero di na ako sumagot.
Mabilis kong inabot ang baon ko sa lamesa at nagmadali ng tumakbo palabas. "Magingat ka-" dagdag pa nito bago ako tuluyang makalabas ng pinto. Nakakaasar lang na tinanghali ako ng gising ngayon sa di malamang dahilan. Nagsulat lang naman ako kagabi ng mga kailangang ilagay sa notebook at maagap na natulog. Pero kasi di ako tinamaan ng antok agad agad. Yung tipong nakapikit nga ako pero gising yung diwa ko. Hays.
Ako si Sophie Jones. Isang simpleng tao na wala ng ibang pinangarap kundi makapagtapos ng pagaaral at makapunta sa Korea dahil kay Bias. Alien ako pero syempre priority ko padin muna ang pagaaral. Kaya pursigido talaga akong makakuha ng matataas na grades sa sampung subjects namin. Kailangan ko talaga pagbutihan dahil ayaw kong makurot ng nanay ko dahil sa mga katarayan ko daw.
Katarayan ba yung pagpafangirl? Hindi ba pwedeng kailangan mo lang talaga ng inspirasyon para mas lalong pagbutihan? Hays. Mga nanay talaga. Palibhasa kasi walang mga ganun nung time nila.
*beep*
"Magpapakamatay ka ba miss?" agad akong lumingon sa sumigaw sakin at muntik na pala akong masagasaan ng sasakyan. Sophie kasi, magiingat nga sinabi. "Sorry po" mahinang tugon ko at medyo yumuko dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Di ko kasi namalayan na medyo napalapit na ako sa may kalsada dahil sa todong pagtakbo.
Hindi na siya sumagot sakin at nagmadali na lang paandarin ang sasakyan. Jusko naman sophie, umagang umaga. Napabuntong hininga nalang ako ng makalayo na yung sasakyan sa pwesto ko. Akmang tatakbo na ako uli ng biglang may nagvibrate sa bulsa ko.
From: Sam
Asang lupalop ka ba?
Napatakbo na lang uli ako sa kawalan ng mabasa ang text ni Sam. Hindi na ako nagabalang replayan ang bruha dahil wala din naman akong load. Wala naman akong dapat itext.
Buti nalang din at medyo malapit ang bahay namin sa campus kaya nakakatakbo pa ako sa mga oras na to. Ayaw ko na kasi sumakay ng taxi dahil kailangan kong magtipid ng pera ngayon para makabili ng mga merchandise hihihi, tsaka traffic din naman edi lalo na akong natagalan. Sayang pa yung ibabayad ko.
Bahagya akong napalingon sa aking relo at 10 minutes pa bago kami magtime. Nandito na ako ngayon sa main gate ng campus. Tumigil muna ako saglit kaya napatingin sakin si manong guard. Nakakahingal kaya, hindi birong tumakbo ng ganong kalayo.
"ID mo?" mabilis akong nag-angat ng ulo at tinapat sa mukha ni manong guard ang ID na suot ko. Hindi naman ako katulad nung iba kong kaklase na lagi nalang nangangawala ang ID at pumupuslit pa sa pagpasok, para di makita ng guard. Hays.
Agad na akong pinapasok ni Manong guard kaya napatakbo nalang uli ako sa kawalan. Ngayon ko lang narealize na bakit nga ba ako tumatakbo? Wala namang humahabol sakin at mas lalong mahaba ang oras ko para makarating sa room. Hays. Ano ka ba sophie, relax.
"Hingal na hingal?"
"Try mo kayang tumakbo" pabalang na sagot ko kay Lincoln dahil bigla nalang siyang susulpot sa harapan ko. Ngumiti lang ng nakakaloko ang mokung sabay ayos ng headphones na suot niya. Di kaya siya nabibingi nun?
Nilampasan ko na ang loko at mabilis na naglakad. Wala akong panahon makipagusap sa ganung tao na puro nonsense lang naman ang mga sinasabi.
"Oh sophie bakit ka nagmamadali?" mabilis akong lumingon sa pamilyar na boses at bumungad sakin si Yohan. Napangiti nalang ako sa kawalan dahil nakangiti din naman siya sakin. Alangan namang nakasimagot ako diba? "Ah baka kasi malate na ako hehe" ani ko na totoo naman. Kanina ko pa yun problema kaya nga muntik na akong mabangga diba!?
"Maaga pa naman ah" natatawang sagot niya kaya nakaramdam ako ng konting hiya. Si Yohan yung tipo ng lalaki na may pagkanerd dahil sa suot niyang salamin, pero kahit ganun ang lakas pa din ng dating. Desente, inosente lahat na. Pero di ko naman sinasabi na crush ko siya. Ang awesome lang hihihihi.
"Nagtext kasi sakin si Sam. Baka hinahanap ako" deretsong sagot ko sa kanya pero di na siya sumagot. "Papasok ka na din ba?" dagdag na tanong ko dahil parang wala na siyang balak magsalita kanina. Ayaw ko ng awkward.
"Oo eh, katulad mo siguro tinanghali ako ngayon ng gising" ngisi niya sakin kaya napangiti nalang ako. Tinanghali siguro siya dahil sa dami ng gawa. Ang masunurin kasi masyado eh. "Tara na" anyaya niya sakin kaya tumango nalang ako. Sumunod na ako sa kanya at tahimik na naglakad papuntang room.
Gab's POV
"SOPHIEEEEEEEE!"
"Bakit ba ang ingay mo diyan?"
"MAY COMEBACK NA SILAAAAA!"
"EH? PAPASAAAAA"
Halos mabasag na ang eardrums ko dahil sa lakas ng tilian dito sa room. Medyo madami na din namang tao dito at karamihan samin ay mga nakakunot ang noo at deretsong nakatingin sa dumating na si Sophie na kasabay si Yohan, na umalis din dahil sa kaguluhan na nangyayari kay Sam.
"Ang lakas ng loob niya magpatahimik pero siya mismo ang maingay" rinig kong bulong ni Alex sa likod habang nakakunot din ang noo gaya ko. Hindi ko kasi talaga alam kung ano bang dahilan kung bakit patay na patay sila sa mga kpop na yan. Hindi naman sa kj ako, kaso lang baka magkaiba lang talaga kami ng taste pagdating sa mga ganyang bagay.
"Waaah tas si Jimin kulay pink na yung buhok" lumingon ako kay Sam na halatang masaya sa sinasabi niya habang may pinapanood sa cellphone kasama si Sophie. Nakasakbit pa din ang bag nito na parang walang balak ibaba. hays.
"Kdrama lang talaga ako" ani ng best friend ko sa aking tabi. Magkakasama nga pala kami ni matt, iggy at hailey ngayon dahil nagkekwentuhan kami kanina. Naputol lang talaga dahil sa sigaw ni Sam kanina. "Ano bang ikinaganda niyan ha?" seryosong tanong ni iggy kaya napalingon ako sa kanya.
"Ang ganda kaya ng mga plot tapos ang gwapo pa ng mga characters. Lalo na si Suho" kinikilig na sambit niya kaya di nalang ako nagsalita. Gandang manabunot eh.
"Magising ka nga" natatawang sabi ko kay Hailey sabay pitik sa noo niya. Ayaw ko kasi na masyado siyang umasa sa mga ganun dahil wala din namang mangyayari. Kahit kailan, nasa reyalidad kami at dapat tanggapin niya yun. Di ko lang talaga alam sa babaeng yan kung mahihibang nalang siya hanggang sa mamatay ng mulat.
"Try mo kaya" suggestion niya sakin pero di ako nagsalita. Umiwas lang ako ng tingin sa kaniya dahil mahirap magsalita ng tapos. Baka kainin lang ako ng sasabihin ko.
"Wag na"
Sabay sabay kaming lumingon kay Matt dahil ngayon nalang uli siya nagsalita. "Anong wag na?" tanong ni Hailey sa kanya. Nanatili lang akong nakatingin at naghihintay ng sagot mula sa kanya. "Wag mo ng papanoodin ng mga k, basta kung ano mang k si Gabby-" seryosong sabi nya.
"Bakit manonood lang naman ah" katwiran ng best friend ko sa kanya.
"Tsk" napasinghap nalang ako dahil sa inasal ni matt. Di ko alam kung ano bang laman ng isip niya kung bakit ganito, ganyan o sadyang bipolar lang. Hays nakakapagod magisip.
"Good Morning Everyone" mabilis nagsitakbuhan ang mga kaklase ko sa tamang upuan ng biglang dumating si Sir Tan. Siya ang teacher namin sa math at thankful ako dahil hindi siya terror bagkus magaling siya magturo at magaling din magmotivate sa bawat isa samin. Basta ang dami niyang nalalaman na mga bagay bagay na tinuturo niya samin kaya saludo ako sa kanya.
"So let's have a new lesson"

BINABASA MO ANG
Worst Section
Teen FictionAway, Bangayan, Asaran, Kwentuhan, Kulitan, lahat na. Sa isang section makikita lahat ang ganyang katangian. Iba't ibang klase ng tao ang nasa loob. May maganda, meron ding feelingera. May akalang sobrang gwapo, wala namang ibubuga. May iyakin, jok...