Lucas POV
"Excuse me"
"Hoy Lincoln. Buksan mo na yang hotspot mo" bulyaw ko sa aking katabi dahil kahit kailan ang kupad niya kumilos. Kalalaking tao eh.
"Tayo nalang muna ang maglabang dalawa habang wala pa si ma'am. Get ready na" ani ko habang hinahanda ang sarili sa laro naming dalawa. Walang pa namang teacher kaya pwedeng pwede gumamit nito ngayon. Sana nga hindi na dumating si ma'am. Nakakatamad makinig ng lecture sa oras na to.
"Hoy bilisan mo"
"Lowbat na pala ako. 5% nalang oh. Next time nalang lucas" mahinang tugon niya sakin habang tinatabi ang kanyang cellphone. Tsk. Badtrip naman oh. Namiss ko na ngang maglaro ng mini militia ngayon pa nalowbat. Mabilis kong nilabas ang earphones ko. Mas mabuti pang nanonood nalang ng anime.
"Hoooooooyyyy"
"Lucaaaaaas! " mabilis akong napatingala dahil halos lahat nakatingin sakin. Ganun na ba ako kagwapong nilalang?
"Bakit?"
"Hays. Di kasi nakikinig" rinig kong bulong ni Kaylee sa may parteng unahan. Para namang hindi siya ah.
"Pakitanggal nga daw po muna ng ginagawa. May announcement pong sinasabi. Makinig muna lahat para hindi na tanong ng tanong. Pakitabi kasi muna lucas ng earphones mo. Mamaya na yan" malakas na bulyaw sakin ni Sam na may pagtayo pa. Nakakaasar talaga yung babaeng yun kahit kailan. Akala mo naman kung sino, hindi naman siya ang peace officer ng klase at mas lalo ng president. Lakas ng loob niya manaway. Akala mo hindi maingay.
Ako si Lucas Vasquez. Cool guy ng section na to. Matinik sa chix at higit sa lahat gwapong nilalang. Di naman sa masyado akong mayabang, nagsasabi lang ako ng totoo. At gaya ng mga katropa ko, ball is life. Mahilig ako sa basketball pero kadalasan akong makikita sa computer shop. Dota dota lang. O kaya league of legends. Kahit di na ako kumain ayos lang. Gwapo pa din ako. Tsaka isa pa, mahilig akong manood ng anime dahil bata palang yun na ang pinapanood ko. Masyado kasing maganda at hindi nakakasawa kahit nasa 400+ o higit pa ang episodes. Ang ganda kasi ng kwento eh.
"Ah-m ako po ay isa sa mga officer ng ssg dito sa ating campus. -" bahagya akong lumingon sa may pinto at may tao pala dun. Pasensya na di ko nakita. "So bakit nga ba ako nandito?"
"Malay ko sayo"
Nagsitinginan nalang bigla silang lahat dahil sa sinabi ko. Masyado yatang napalakas. Psh. Baliw ba naman kasi. Pupunta punta siya dito ng hindi alam kung bakit? tapos sa amin pa tinatanong. Iba din. May sapak nga talaga siguro.
"So yun na nga, nandito ako para magannounce ng isang mahalagang bagay-" pagpapatuloy nung lalaki. Di pa kasi sabihin ng tuloy tuloy. Dami pang pautot. "Last week, nagkaron ang school natin ng isang event, patungkol sa audition ng brass band. So kaming ssg ang tumulong sa mga teachers para sa resulta at ang resulta na yun ay nailabas na-"
"Waaaaaaaaaaaa bes!"
"Kinabahan tuloy ako bigla"
"Kasama kaya tayo dun?"
"Ang dami kasi masyadong nagaaral dito"
"Samahan mo ako mamaya. Tingnan natin"
"HOOOOOOOY! RESPETO NAMAN. MAY NAGSASALITA SA UNAHAN OH. RESPETO GUYS. PAKITAHIMIK NAMAN MUNA" para akong nagkagoosebumps ng biglang magsalita ang kapatid ni Matt na si Mika. Mabait siya sa lahat at minsan lang siya manigaw ng ganito. Iba nga talaga magalit pag masyadong mabait. Pagkatapos niya kasi sumigaw talagang nagimbal ang lahat at walang nagsalita. Di ko nga din lubos maisip kung bakit napapasunod niya kami ng effortless. Takot kasi lahat sa kanya. Inaamin kong halos lahat kami immature dito pero parang si mika lang ang nabiyayaan ng kaunting maturity sa katawan. Psh.
BINABASA MO ANG
Worst Section
Teen FictionAway, Bangayan, Asaran, Kwentuhan, Kulitan, lahat na. Sa isang section makikita lahat ang ganyang katangian. Iba't ibang klase ng tao ang nasa loob. May maganda, meron ding feelingera. May akalang sobrang gwapo, wala namang ibubuga. May iyakin, jok...