Chapter 16

3.9K 152 7
                                    

Chloe's POV

"So let's have a new lesson"


Napabuntong hininga nalang ako matapos yun sabihin ni sir sabay ayos ng upo. Lahat nalang talaga ng bagay may pagbabago because the only permanent in this world is change. Naks, chloe haha. Kagaya ngayon, parang kailan lang nasa kung ano mang algebra ang lesson tapos ngayon bago na. Parang siya, may bago na.



Ako si Chloe Davis.  Isang simpleng babae na nagaaral sa XH university. Kabilang sa worst section at obvious naman na emotera ako ng taon.  Di ko alam kung saang lupalop ba nanggagaling ang mga sinasabi ko dahil wala naman akong pinagdadaanan sa buhay.  Wala naman akong lovelife at kahit kailan ata di na ako magkakaron. Pangit ba ko? Kapalit palit ba ko?



"Ms Davis!" mabilis naagaw ni sir ang atensyon ko ng tawagin niya ako sa kawalan.  Napalingon nalang ako sa paligid at halos lahat sila nakatingin sakin.  Wow ha, agaw eksena ba!?



"Yes sir" alinlangang tugon ko sabay harap kay sir.  Nakakahiya tuloy dahil parang tutunawin ako ng mga tingin nila. "Are you with us? Mukhang ang lalim ng iniisip mo? Would you mind to share it to us!? " sunod sunod na sabi ni sir sakin kaya kinabahan ako lalo. 




"Wala po sir. Sorry po" yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko sa sobrang kaba.  Ang tanga ko naman siguro kung ikwento ko nga yung nasa isip ko kanina eh napaka nonsense naman nung mga yun. Baka pagtawanan lang nila ako.




Nakakaasar naman kasi na halos lahat nalang yata ng bagay napapansin ni Sir Tan.  Kapag napatawa ka lang, nakatulala, nagtatanong sa katabi kahit pabulong lang at kung ano ano pa. Basta nakakaloka.  Sa pagkakaalam ko naman teacher namin siya sa math at hindi sa pagiging chismoso.  Wala ka na tuloy choice kundi tumingin ng deretso sa unahan at makinig sa lecture niya. 




"So we are now proceeding to our new topic" kalmadong sambit niya sa lahat sabay lakad papunta sa blackboard. Pinagmasdan ko lang kung anong gagawin niya at nakitang nagdrawing ito ng isang triangle. Hays.  Bwiset naman kasi, bakit lagi nalang triangle , at bakit kailangan pa naming sukatin.  Isang napakalaking katanungan ang nasa utak ko ngayon na parang kahit kailan mananatiling tanong nalang.  Nakakaloka naman kasi, sa pagiging chef ba kailangan ng triangle? Sa pagiging doktor ba kailangan ng triangle? Sa pagiging tambay ba sa kanto,  kailangan ng triangle?  Hindi naman diba. 





"So now, what do you think is the way in finding the x of this triangle?" tanong niya samin. "Tutal dun naman kayo magaling diba sa pagkuha ng value ng x niyo?" nakangiting dagdag niya pa kaya napangiwi nalang ako.  Hindi kaya nakadrugs si sir? Kung ano ano sinasabi eh.




"So, what do you think?" tanong niya uli pero seryoso na sa ngayon. Lumingon ako ng bahagya sa paligid at mukhang wala yatang balak sumagot.  Tumikhim nalang ako at deretsong tumingin kay sir na nagmamasid din sa bawat isa samin.




"Halatang hindi nagaadvance reading ang pilot section" alinlangang ngiti niya samin na parang sobrang nakakahiya na kami. Lumingon ako sa mga kaklase ko at mga nakayuko na sila.  Hays.




"Wala naman siyang sinabi na magbasa" rinig kong bulong sa parteng likuran ko pero di na ako nagabalang lingunin yun. Baka kasi maagaw ko na naman ang atensyon ni sir.  Ngayon ko lang talaga napagtanto na kakaiba kami sa lahat. Tamad na kung tamad.  Walang pagkukusa.  Kahit naman kasi siguro sinabi ni sir na magbasa kami tungkol sa kasunod na topic,  wala pa ding magbabasa.  Kilala ko ang mga kaklase ko at mas pipiliin pa nilang magonline oh manood ng kung ano ano.  Pero hindi ko naman sinasabi na hindi din ganun ang ginagawa ko. Nakakatamad kaya magbasa, haha.



Worst Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon