Gab's POV
Tahimik lang akong nagaabang kay sir na nakaupo sa unahan habang nirurumle niya ang pangalan ng bawat isa samin. Ayon sa kanya, may group activitiy kami ngayon na gagawin kaya abala siya sa paggogroup. Pwede namang magbilangan nalang para mas mabilis. Tsk.
Nilibot ko ang aking buong paningin at nakitang mga nakatanga lang ang karamihan samin. Halatang gusto ng magtime at tumakbo palabas. Nakakagutom na din naman kasi.
"psst bes, may alam ka ba na hugot?"
Mabilis kong nilingon ang best friend ko dahil bigla bigla na lang siyang magtatanong sa gitna ng katahimikan. Napaisip ako sa tinanong at mukhang wala naman akong malay sa mga hugot na yan.
"Wala eh. Wala naman akong pinagdaraanan sa buhay" ani ko.
"Wow ha, eh ano yung issue mo dati tungkol kay matt na kes-"
"Di ako marunong humugot. Pano ba yun?" pagpuputol ko sa sasabihin niya dahil baka kung san na naman makarating ang usapan namin.
"Ganito kasi yun, Halimbawa-" tumigil siya ng bahagya at mukhang inaalala kung ano man ang sasabihin niya sakin.
"Ang love parang cotton candy, sa una lang masarap -" tumigil siya at tumingin sakin."At ano?"
"Basta ganun" natatarantang sagot niya sakin dahil hindi na niya alam ang kasunod na kataga. Hay nako.
"Alam mo ang love, parang ikaw hailey. Nakakaloka " natatawa kong sambit sa kanya. "Ang magagaling kasi sa ganyan yung mga may pinagdaraanan sa lovelife. May pinagdaraanan ka ba?" tanong ko sa kanya.
Tumikhim muna siya at tumingin ng deretso sakin. Ngayon ko lang narealize na ang hirap pala ng pwesto ko dahil nakaharap ako sa kanya. In short, nakapilipit ang tagiliran ko. Nakakangalay tuloy.
"Wala" walang emosyong sagot niya kaya natawa na lang ako. Ang trying hard naman kasi . Haha
"May lovelife ka ba?" pangaasar ko sa kanya.
"Wala. Pero masaya ako na si-"
"Yun na nga diba bes. Wala ka/tayong lovelife kaya di tayo marunong humugot. Kailangan kasi jan may pinanghuhugutan eh wala naman tayong huhugutin. Kaya wag mo ng pahirapan yang sarili mo. Pero kahit ganun wag kang magalala, maganda tayo bes" natatawang sabi ko sa kanya kaya nakipag apir na lang siya sakin. Nababaliw na naman ang isang to.
"Group 1"
Napalingon ako kay sir dahil bigla na lang siyang nagsalita. Biglang nabuhayan ng mga kalamnan yung mga kaklase ko dahil nagsimula ng maging malakas at hyper ang boses niya. Alam kong sinasadya niya yun para di kami mawalan ng gana sa klase .
"Gabby, Hailey, Matt, Alex, Phoenix, Lincoln, Kaylee, Iggy, Vince ,Sam-"
Mabilis akong tumayo papunta sa unahan at ganun ang ginawa ng mga kagrupo ko na natawag. Buti nalang kasama ko si Hailey. Parehas kaming walang alam sa ganyan eh. Hahahaha. Goodluck na lang samin.
"Group 2- Gabriel, Mika, Cassandra, Andrew, Yohan, Sophie, Lucas, Caleb, Chloe , Hannah-"
Katulad namin, mabilis na tumayo sina kuya at tumapat sa pwesto naming group 1. Pansin ko lang sa grupo nila ay medyo confident, may mga pinadadaanan siguro sila.
Pagkatapos matawag ni sir ang group 2, sinunod na niya ang 3 at 4. Hanggang apat na grupo lang ang nabuo dahil medyo maunti kami dito sa room. Hindi naman dahil sa absent, sadyang umunti lang kami from time to time.
"So ready na ba ang lahat?" Hyper na tanong niya samin kaya naging masigla ang bawat isa. Parang may kuryente ang boses ni sir na sumuot sa katawan namin para buhayin ang natutulog na diwa. Pero infairness, lalong naging mas exciting.
BINABASA MO ANG
Worst Section
Ficțiune adolescențiAway, Bangayan, Asaran, Kwentuhan, Kulitan, lahat na. Sa isang section makikita lahat ang ganyang katangian. Iba't ibang klase ng tao ang nasa loob. May maganda, meron ding feelingera. May akalang sobrang gwapo, wala namang ibubuga. May iyakin, jok...