Chapter 7

6.7K 221 7
                                    

Gab's POV

Mga ilang minuto din akong nandito sa labas habang hinihintay silang lahat na makatapos.  Para akong nabunutan ng tinik dahil sa wakas natapos na din ako.  Matapos ng panlalamig ko kanina sa pila ay sulit naman dahil nakasurvive ako. 

Bahagya akong lumingon sa room kung saan ako galing at nagflashback sakin lahat ng mga pinaggagawa ko sa loob.  Buti nalang nilabas ko muna ng bongga ang makapal na mukha ko kaya natapos ako agad. 

But anyways, masasabi ko na hindi din ganun kadali humarap sa maraming tao.  Kahit sabihin mong sanay at hasang hasa ka na,  di pa din maiiwasan na kabahan at mamental block.  Yung tipong bigla ka nalang natuliro at hindi na alam ang kasunod na gagawin. Hays. 

Lingid naman siguro sa kaalaman ng mga admins sa loob kung saang section ako galing kaya hindi na ako magtataka kung masyado silang nageexpect na magaling ako o kung ano pang kaya kong gawin.  Kaya di ko rin maiwasan mapressure.  Aba, di kaya biro ang humarap at magpakitang gilas sa mga elite o matataas na uri ng tao sa university na to lalo na't nageexpect sila ng malaki na hindi naman kaya ibigay. 

"Tulala ka na naman jan"

Lumingon ako sa nagsalita at si matt pala yun.  Naglakad siya palapit sakin at halatang katatapos lang.  Porke di na ako gaanong naiilang sa kanya, lahat nalang pinansin sakin.

"Thankful lang ako na sa wakas tapos na" nakangiti kong sagot sa kanya

"Oo nga eh. Buti nalang may background ako sa pagdadrum"

Bigla nalang akong natawa ng magflashback sa isip ko yung mga bata pa kami nina Matt.  Kasali kami nun sa lyre band at drummers din siya dun.  Di ko mapigilang matawa ng maalala ko kung gaano siya kaiyakin nun dahil hindi siya makasabay sa mga kasamahan niya. 

"Haha oo nga no.  Ang galing mong umiyak that time" pangaasar ko sa kanya na ikinatawa niya lang.

"Ikaw nga jan eh. Goma ka ba? Over ka makakembot di ka naman nagiging leader" pagbabalik niya sakin na pangasar.

Di na ako nagsalita sa sinabi ni matt dahil totoo naman.  Hindi naman sa nagagalit ako, kaso lang ang sakit nung time na yun na lagi nalang ako umaasa.  Yung tipong kahit anong galing ko sa pagkembot at todo ngiti, di pa din ako nabibigyan ng chance na maging leader.  Pero past is past.  Mga bata pa kami nun kaya move on Gab.

"Atleast di naman ako iyakin gaya mo"

"Kung san ka masaya" seryosong sabi niya kaya napatahimik nalang ako bigla.

"Hoy lovebirds! Tama na ang landi, tara na" napaangat ang ulo ko sa nagsalita at si iggy pala yun.

"Wag ka ngang magulo.  Porke wala ka lang lovelife jan eh " sagot sa kanya ni Hailey kaya nangiti nalang ako. 

Hindi na talaga ako magtataka na pag isang araw mainlove si Iggy kay Hailey at maging sila.  Maya't maya nalang kasi nagaaway na parang aso't pusa.  Minsan kasi dun na yun nagsisimula. 

"San ba tayo pupunta?" tanong ko sa kawalan .

"Di ka ba nakakaramdam ng gutom?" tanong ng bestfriend ko sakin.  Hays pati pagkain ng tanghalian nalilimutan ko na. Ano ba kasing nangyayari sayo Gabby!?

Tahimik lang akong nasunod kung san sila papunta dahil nakakawalang gana magsalita.  Wala akong ideya kung san kami kakain dahil nasa kanila naman ang desisyon.  Di naman ako maarte sa pagkain kaya kahit san niyo ko dalhin, okay lang, basta matinong kainan. 

"Guys"

Lumingon ako agad kay Iggy dahil bigla nalang siyang tumigil sa paglalakad. Baka kung ano ano na namang naiisipan.

Worst Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon