DB 1

3.9K 179 26
                                    

Note: Kathang-isip lamang po ito. Kung ano man ang mga nasusulat dito ay hindi totoo o walang katotohanan. Char-char lang lahat ito ng baliw na author. Kung may pagkakapareho man sa inyong buhay o kakilala, hindi iyon sinasadya.

*pcto*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*pcto*

DB 1

Kanina pa nangangalay si Ashreen sa pagkakangiti at tatlong oras na pagkakatayo sa harap ng isang pila sa MRT. Paulit-ulit rin ang sinasabi niyang parang nais na lang niyang i-record at ng hindi na siya matuyuan ng laway.

Kaso, kailangan niyang gawin ito. Ito na lang kasi ang pinagkukuhaan nila ng ina ng kanilang gastusin sa araw-araw. Nang maraming gastusin. Tiis-tiis kung baga, lalo pa at may sakit ang ina at kailangan ng maintenance na gamot.

"Magandang umaga! Kaunting donasyon po para sa nangangailangan. Ang maliit ninyong halaga ay makakatulong nang malaki." saad niya na sinasabayan nang malawak na ngiti. Kahit pa kadalasan ay hindi siya pinapansin gaya ngayon ng lalaking naka-earphone pa. Hawak niya nang mahigpit ang donation box, habang hinihintay kung maghuhulog ang nasabing lalaki o tatalikod gaya ng karamihan na niyang nakausap.

At gaya ng inaasahan, sinulyapan lang siya nito at kagyat na ring umalis. Nanatili naman ang ngiti sa labi ni Ashreen kahit pa wala namang naihulog na kahit barya mula sa kipit nito sa kanang kamay.

Binalingan na lang niya ang kasunod na mag-ina.

"Magandang umaga! Kaunting donasyon po para sa nangangailangan. Ang maliit ninyong halaga ay makakatulong nang malaki."

Anim silang nakapuwesto sa harap ng kuhaan ng beep card sa MRT. Para silang echo na iisa lang naman ang mga sinasabi; paulit-ulit. Kaya kahit nahihirapan, kailangan nilang kumayod para malamnan ang kani-kanilang sikmura. Nakadepende kasi sa malilikom nilang donasyon ang pinansasahod sa kanila.

Kaya, kailangan nilang kumumbinsi nang marami para malaki rin ang kanilang makukuhang sahod sa sabado.

"Ma, hulog ako roon sa box."

Napasulyap si Ashreen sa bata na nasa kaliwa niya. Naglalaro sa apat hanggang lima ang edad ng batang lalaki. Napangiti siya nang nahihiyang sumulyap ito sa kaniya. Hindi naman ito pinansin ng ina at nang makuha ang stored value card at ilang sukli ay agad na nitong hinila ang bata paalis.

Hay naku, buti pa ang bata.

Paulit-ulit ang routine nila hanggang umabot na sila ng tanghalian. Ubos na niya ang maliit na bote ng tubig na siyang tanging libre sa kanila. Pero ang mga taong nakapila ay hindi maubos-ubos. Mabuti sana kung lahat ay nagbibigay, pero mas madalas nga ay mga walang pakialam.

Donation BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon