Chapter 8

68 2 0
                                    

May lalake akong nakita na nakatalikod sakin. May guitar case ang likod niya. Baka okay rin to.

"Ahmm" umubo ako ng konti.

Humarap siya sakin. hmm. Looks innocent naman.

"Ahm, kung pwede magtatanong lang po ako. Wag niyo po sana akong pabayarin o kaya namay sagutin nang hindi ko maiintindihan." I closed my eyes chaka dinikit ko yung dalawa kong sa palad sa isa't-isa. Sana naman matino tong kausap.

"okay?" nakaramdam naman ako ng relief. Hoooh! Sa wakas! Akala ko kung ano isasagot niya sakin. -.-

"saan ba dito ang piano building?" tanong ko sakanya.

"Ah. Patingin nga ng schedule mo". what? my scheule? why would he need my schedule? hmmm. Ano nga ba?

"ah. okay.. " kinuha niya yung schedule ko at tinignan yun. Uh?

"isauli mo rin kaaga----THE PISH! IBALIK MO YAN!" waaaaaaaah! yung schedule ko T.T

"Hahaha!" ggrrrr! bwehiit! tumakbo lang ako ng tumakbo para maabot siya. Anong klaseng tao to?! anong klase ang mga tao dito!? Paki-explain!!

"eeeerrr! Give it back you monkey!" ang bilis niya naman tumakbo! runner ba to? napapagod na ako.

"Hahaha" lumiko siya bigla. Tsk! lumiko narin ako. Yung schedule ko eeeh!!!!

"Lalalala!" tumakbo lang siya ng tumakbo. Hindi ba siya nabibigatan sa guitar na dala-dala niya?

"I SAID GIVE IT BACK YOU THIEF!!!"

"Nononono..baby.. nononono don't liieee" The pish?! kumanta pa yung loko!

"Hoy bakla!" arrrfff! nakakainis naaaaa!

Andami na naming nadadaanan na rooms, buildings at kung ano-ano pa.

"sorry... uhm.. excuse me"

"Hey!"

"sorry!" .. takbo parin ako ng takbo.

Woow, Am I hearing Chopin's Nocturne? aiks!

"Woaah..." napadaan ako sa isang room na may nagbaballet. Seryoso? what does this school have?

"Waaaah!" napaliko ako kaagad. Muntik kong madaganan yung babaeng maputi.

"tch!" rinig ko sa likod ko. Sorry talaga miss.

"sorry!" habol ko. Tumakbo ako ulit para habulin si lalakeng kawatan pero napansin kong tumigil na pala siya sa pagtatakbo. Kaya nama'y muntik ko na siyang matulak. Talaga naman oh!

"Oh! bigay mo na kasi eeeh!" nakakaErrr! kanina pa akong hingal na hingal.

"Magthank you ka muna sakin." WHAT! halos natulak ko na lahat ng studyante kanina sa dinadaanan namin manghihingi pa ng thank you! jwesit!

"And like, why would I even do that! pinagod mo ko!!" napatingin sakin yung mga studyante.

"Hindi po yun ang iniisip niyo. Na-napagod lang po siya sa kaka-exercise. Mataba kasi siya. Hehe" napatingin ulit ako sa lalake! HINDI AKO MATABA!

"He's lying! pinagod niya talaga ako! kita niyong hingal na hingal na ako?" errrr.. ano ba kasi siya eh! gumagawa ng stories!

Nang bigla niyang takpan yung bibig ko. Errr! Hinila niya ako. Tshhh!

"Ahaha, nagbibiro lang siya" kinarga niya ako papasok sa isang room na parang sako. Ano kala niya sakin?! babae sa korean novelas na magpapakalandi habang binubuhat nang parang kung anong bagay lang?

"IBABA MO KO!" hinampas ko yung likod niya kaya namay muntik niya akong mabitawan. Tsk! ang weak mo!

"Oh, andito kana! Tsk! thank you lang sana. Mga bagong studyante, walang form of gratitude" tumalikod siya sakin. Ay! Ito na pala ang piano building? Ang layo. Pero...Hala! nagtampo na si guitar boy sakin. pano ba to.. uhm.. isip Momo! isip!

Name Tag (The Secret Piece)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon