Chapter 3

83 3 3
                                    

Harold's POV

"Oh, okay na po sir. Gisingin niyo na alaga niyo!" inirapan niya ako. =_=

"Ah." tumalikod ako at tinapik ang braso ni Maurice.

"Maurice, lipat lang tayo sa kama para makatulog ka nang maayos." pero hinarap niya sa mukha ko yung palad niya. Apir?

"Apir?" tapos inapiran ko siya. Binaba niya yung kamay niya at natulog ulit? ahh.. okay?

"Mukhang hindi na ata gigising alaga mo" nagcross arms yung nurse. Akala mo kung sinong boss.

"Kalma ka nga lang jan." inayos ko yung damit ko. Bubuhatin ko nalang to.

"Sorry" labas sa ilong sabay ikot nung mga mata niyang malaki =_=

"Bubuhatin ko nalang to" binuhat ko na si Maurice, ang @#$% bigat nitong babaeng to.

Inayos ko na ang pagkahiga niya at nilagay yung dalawa niyang kamay sa ibabaw ng tiyan niya.

"Oh, gamutin mo na miss!" utos ko sa nurse na makapagmake-up wagas.

"Loko! Alis! Shoo!" tinulak niya ako paalis at ayun, ginamot niya naman yung alaga ko.

Natapos narin at nilapitan niya ako.

"Add kita sa FB, ano email mo?" at ngumiti na naman siya na para bang pusa.

"Heh! alis! shoo!" ginaya ko siya kaya. Ahahah!

"Bleeeeeeh!" lumabas na siya ng kwarto.

"Oh, good morning Doc." narinig ko sa labas ng kwarto.

Nilapitan ko si Maurice at inayos ang kung ano mang hindi maayos sa pagkahiga niya.

"Oh.. hello, good morning. I would like to tell you that Maurice can go home tomorrow already. I'll just leave some prescription for her fast recovery. Here, take this" inabot niya saakin yung reseta.

"Sige po Doc." ngumiti siya at lumabas na ng kwarto.

Tatawagan ko nalang yung secretary ni Senyora.

 Pagkatapos nang ilang ring may sumagot rin.

"Hello Harold. Anong maipaglilingkod ko."

"Uhm, Bee, pwede na rawng lumabas si Maurice bukas."

"Ah. Sabi ni Madam sakin it's all paid na kaya sige."

"Talaga? Binayaran niya?" gulat kong tanong.

"Oo, so, dalhin mo na lang raw dito bukas."

"Alangan namang sa bahay ko.." pagbibiro ko.

"Ahaha, shut up. Sige na, baka makita pa ako nun at matanggal ako sa trabaho."

"Sige, bye" pinutol ko na yung tawag. Hmm, were just friends. Siya kasi yung nakakasama ko sa mansion. Siya nga pala si Bihati , tawag ko sakanya Bee.

---

Maurice's POV

 Naidilat ko na yung mga mata ko. I'm still lying on this bed. Ehhh? Pano ako napunta dito?!

Tingnan ko yung kamay ko, may bandage at may nakasabit na dextrose ulit.

Haaay, ano bang nangyayari sa buhay ko. Akala ko yun na yun. Magiging masaya na ako. Pero akala ko lang pala. 

"Uy gising ka na pala! " tiningnan ko yung nagsalita. Ay, siya lang pala.

Yumuko lang ako at bumangon ako. Ngayon naka-upo na ako sa kama.

"Ako nga pala si Kuya Harold."  sabi niya sabay lakad palapit sa side table na nasa tabi ko.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo mansanas? Ipagtatalop kita?" ngumiti siya at tumingin sakin.

Name Tag (The Secret Piece)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon