Chapter One

192 3 2
                                    



"Hindi nga, Jas?! Ikaw ah! Wag mo akong pinagloloko-loko! Gusto mo pa ata akong maging mapahiya sa pagiging feeler regarding Anthony!"


Eto kasing si Jasper, sinabi ba namang tinawag ako na cute ni Anthony?! Aba! Kahit hindi ako pumapatol sa mga nagugustuhan ng mga kaibigan ko at never ko naman pinangarap si Thon, hindi maaalis yung kilig dun sa binanggit niya, a!


Ikaw ba naman ang bansagang cute ng isang campus heartthrob?! Isama mo pa yung bestfriend na umagree!


"Oo nga kasi. Sinabi niya before," pag-confirm ni Jas before sipping from his drink.


Tignan mo 'to! Binanggit-banggit niya tapos ayaw namang ielaborate. Lakas makasungit sa'kin e sinisigurado ko lang naman sa kanya.


"Kasi nga," I started then inakbayan ko siya, "ayoko ngang umasa, friend. Can you bear seeing me cry for the second time?" I asked him, now serious.


"Although I was known the unshakable in love, hindi naman weird na may pinaghuhugutan naman pala ako from before.


Nung time kasi na I thought never ko na maiexperience yang kilig-kilig na bagay na 'yan, may gumulo pa ng mundo ko. Bigla na lang siyang umeksena sa peaceful like ko. Okay na ako, e. May medyo kalandian ako from the neighbourhood (Nothing really serious, fun-fun lang naman.) but then, he had to make a bold move.


Gumawa ba naman ng fansclub namin within my friends and his?! Ano kame, Kathniel?! Nagvisit lang naman siya at nakitira sa bahay namin from his sembreak to the holidays, ginulo pa yung utak ko.


Tumigil sa paginom si Jasper atsaka tinitigan ako. I took the opportunity to grab it from his hand dahil hindi niya pinapansin.


Ha! Kanina ko pa tinititigan yung grape soda sa kamay niya and binabalak agawin.


This is one thing na convenient sa friendship namin ni Jasper, e. Halos pareho kami ng gusto kaya mostly kahit pag wala yung isa, the other one of us can make the decision for both of us. And pag need ko ng damit in case of emergency, kuha lang ako ng shirt from his wardrobe or siya na bibili, ready to go na ako.


Buti nga walang ilangan sa amin, e. Memorize na nga ata niya yung vital statistics ko, e. Tapos ako kahit wala siya, I can pinpoint yung outfit na kasya at bagay sa kanya.


Relationship goals daw kami. Hindi nga lang "that" kind of relationship. Friendship only. Tuldok. Tapos.


"Akala ko bang wala kang balak kay Anthony?" he asked me.


Titig na titig pa siya sa mata ko; as if lalamunin niya ako if I dared say anything false. Linagok ko muna yung soda then crashed the can bago itapon. Pagkabalik ko sa pwesto, narealize kong hindi siya titigil kakatitig sakin kahit samahan pa niya ako sa afternoon classes ko hangga't hindi ko siya sinasagot.


I sighed then faced him.


"Wala nga. Pero kahit na ganon, malay ko ba. Isn't that how he happened And kelan pa bawal magreference ng past experiences, ha, Jas? Jusko," I said then pumunta sa stall ng Master Siomai.

The Art and Science of Love (Of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon