Chapter Five.Two

45 3 0
                                    



Well, this is at least better than I expected.


"The Cold War..."


I fiddled with my thumbs habang nag-uusap sina Joule and Papa. Kung sa tingin niyo naging smooth mula sa simula ang pagkikita nilang dalawa since nagchat na sila nung Sunday, nagkakamali kayo. The first thing my father told Joule when he entered the house was nothing but welcoming. It gave me cold sweat.


"Wag kang uupo."


Nagfreeze yung katawan ni Joule na uupo sana. Slowly, and awkwardly, tumayo siya at hinarap si Papa, schooling his features to neutrality. I didn't miss the muscle twitch in his jaw.


Mukhang hindi sanay mabastos (if ganun man yung interpretation niya sa sinabi ni Papa sa kanya) si Joule, obviously. For sure, lagi siyang sinusunod sa bahay nila. At pati na rin sa pinagiinternan niya, hindi siya pinapahirapan. Branch ba naman ng pharmaceutical company nila yun?


"Oh sorry, Tito. I forgot my manners."


Tinitigan siya ni Papa from head to toe.


"You're an aware kid, I'll give you that. Pero next time, son..." Lumapit siya kay Joule then tinapik siya sa balikat, "... wag mo akong tatawaging Tito. Hindi ko pa sinabing pwede na." then nilagpasan niya and called my elder brother.


"UJ, icheck mo yung kanin sa rice cooker. Luto na ata yon."


I heard a mumble then nawala na sa paningin ko si Papa.


Tinignan ako ni Joule na medyo nanlalaki yung mga mata then I smirked at him.


"Kung akala mo easy lang iappease si Papa then you're wrong," I said nang salubungin ko siya then nilagpasan ko at iniwan sa sala gaya ni Papa para mukha akong cool.


Like father, like daughter.

- - - - - - - - - - x

Kung akala ko I can keep looking smug dahil sa dinanas ni Joule for the first 10 minutes of dinner, I was wrong. By the 15th minute of questioning (Akala mo nagOD siya, e), nagcalm down na yung pakikitungo ni Papa. By the 20th minute, naguusap na sila about history.


"The word where "laundering" from money laundering was taken..."


I flipped my hair nang tumingin sakin si Joule at ngumisi, napatawa lang siya nang mahina, para ipakita na kahit na napapacalm down na niya si Papa, hindi pa rin siya takas sa pagkilatis sa kanya.


Gustong-gusto ko na talagang umalis sa dining table since tapos na rin naman akong kumain kaya lang halatang hindi pa tapos 'tong knowing-Joule meeting, na hindi pa pwede. Pati sina Mama at mga kapatid ko hindi pa umaalis (bukod kay Abril and Sheena na somehow agad nakaalis at nakaakyat ng kwarto para magtuloy sa paglaro ng online games). Kanina pa nga ako sinusulyap-sulyapan ni UJ habang nakakunot ang noo na parang tinatanong sa sarili niya kung paano ako nakapaguwi ng lalake sa bahay. 

The Art and Science of Love (Of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon