Chapter Seven

49 3 6
                                    

A/N; I can't just dedicate this chapter randomly. Thanks, Shai :)

- - - - - - - - - -x

"Sasama ka daw bas a bonding with Jazzy?" tanong ko kay Ju.

I didn't fail to notice the dangerous gleam in Jasper's eyes and the stiffness in Jess's body. I mentally hit myself. Bad timing ka naman o, Emi.

Nanlaki ang mga mata ni Ju na para bang nabigla pero agad din naman siyang nakarecover. He slowly smiled, then smirked nang mapansin yung pagkuyom ng panga ni Jas.

"Ooh! So I can see my crush!" he exclaimed tapos nagwiggle pa siya ng eyebrows. I almost face palmed at his taunting.

This asshole.

Tumingin ako ulit kay Jasper and I swear, konting-konti na lang talaga at ipupukol na niya yung kamao niya sa mukha ni Ju! Alam kong Jasper was not irrational but I was in no faith to bet on it. Ako nga ilang beses nang nainis ni Joule and nakuha ko pang magwala sa mall one time sa sobrang frustration, si Jasper pa kaya?

"But regrettably, I'd fly in U.S by the weekend at hindi ako makakabalik until next-next week."

I knew it would sound rude but I was relieved.

"Okay, then."I said quickly in case maisipan niyang gusto talaga niyang pagtripan si Jasper so badly he'll cancel or delay his flight. Knowing him even in a short span of time, hindi iyon malayo na gawin niya. Money was not a problem. Money for him was just paper and in his lifestyle, para siyang bibo kid in highschool na may complete supplies at laging nagpapamigay ng papel sa mga classmates niya.

Wow, did I just address him as a bibo kid?

"At the start of semester talaga?" taas kilay kong comment.

Yung next week kasi is last week pa lang ng June. Ang pangit lang naman kasing tignan kasi parang kakasimula lang ng semester, sawa na siya agad sa school. Although for sure, may legit reason naman siya.

He may be a tad bit crazy (Wow, judge ka kaagad ha, Emi.), pero may mga serious moments din naman 'tong lokong 'to kahit weird tignan sa kanya (Wow, ang galing ko talagang magjudge.).

"Sorry babe, but I really need to. Alam ko namang mamimiss mo ako. If you ever do, pwede ka namang magdownload ng selfies ko sa instagram. I'd do the same and stalk you on facebook, okay?" asar niya sabay puppy dog eyes.

Landi.

I just rolled my eyes at him while nakita kong nakatingin nang masama sa kanya si Jasper at nakangangang nakatingin si Jessica sa akin. Tinaasan ko ng kilay si Jess and she gave me a baffled look. Ngumuso ako at lalo lang siyang ngumanga sa harap ko.

I then realized that it was uncharacteristic of me and quickly schooled my features into neutrality. Pag talagang nasanay ka nang kasama ang isang tao, minsan naa-adapt mo yung mannerisms nila. 'Di ko lang expect na agad kong makukuha yung kay Ju.

"Ah! Mawala ka ng one month for all I care. I'm sure makakagawa at makakagawa ka pa rin naman ng paraan para magparamdam. Tantanan mo ako sa facetime habang nandun ka, ah." I joked. Mamimiss ko rin 'tong lokong 'to kahit sandali lang siyang mawawala, I guess. Nasanay na rin kasi akong nandyan siya lagi kahit sandali pa lang kaming magkakilala. Lagi pa 'tong nagpifacetime sa'kin pag gabi para asarin lang ako o bigyan ng update tungkol kay Avo kahit hindi ko naman hinihingi. Ni hindi nga kami friends nun, e!

"Deny pa you."

I scowled at how unmanly that sounded out of his mouth. At ano ngayon kung hindi siya tunog manly para sa'yo ha, Emi?! May problema?

- - - - - - - - - -x

Naglalakad kami patungong kabilang building para sa next class nang sigawan ako ni Jess.

The Art and Science of Love (Of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon