Chapter Two

57 3 0
                                    



Najumble-jumble na yung mga sagot ko sa essay dahil sa sticky note. May nasagot pa akong cyanogenic glycosides kahit na about phenolic compounds and terpenes yung ireneport nila!


My heart was pounding like hell nang lumabas ako ng room.


Saan niya ako gustong kausapin? Ano bang meaning ng later niya? More importantly, ano bang pag-uusapan namin?


Naghintay ako sa side ng pinto na parang tanga. Ang tagal kasing lumabas nina Avo. Not that confident ako na kaya ko siyang lapitan para kausapin.


"What the hell, Joule?!"


Halos atakihin ako sa bigla sa sigaw ni Avo.


"Due time, brother," narinig kong sagot niya kay Avo.


I fidgeted. Aalis na lang ba ako at titiisin yung nakakakilabot na tingin ni Avo or maghihintay ako at titiisin yung awkward eavesdropping ko?


Pero bago pa 'ko makapagdecide, sina Joule na ang nagdecide para sa'kin. Lumabas sila ng sabay at linagpasan lang ako. Pababayaan ko na lang sana kaya lang nangamali-mali na ako sa essay at nagkanda sakit na sa ulo sa kaiisip. Aba, hindi naman ata tama na it's all for nothing!


"Avogadro," I called.


They stopped walking and both faced me. Halos magsisi na ako na tinawag ko pa siya. Ang gwapo talaga ng Valdez brothers kaya lang nakakatakot talaga.


Yung isa, parang sinisisi ka sa tingin niya pag naistorbo mo siya tapos yung isa naman, ang playboy ng datingan pero ang taas ng standards sa babae. Kaya pag rineject ka kahit sa pagiging fling lang, nakakadeject.


Ni hindi ko man marirealize na kinakausap nap ala ako ni Avo kung hindi ko napansin yung kunot ng noo niya.


"Sabi ko, bakit mo ako tinawag, miss?"


Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Akala ko ba gusto niya akong kausapin?


I stayed there with my mouth wide open. Napilitan lang akong kunin yung papel sa bulsa ko, kahit nanginginig pa yung kamay ko sa kaba, nung makita kong kahit si Joule ay naiirita na.


"You said you want to talk," I said confidently kahit na I was sure my expression said otherwise.


Tinignan niya yung sticky note tapos nakipagtitigan siya kay Joule na parang may narealize siya bago siya tumingin uli sa'kin , expression schooled into neutrality.


"Hindi ako ang nagbigay niyan," sagot niya tapos tumingin kay Joule as if asking for permission.


For what? I have no idea.


"Edi sino," tanong ko, hindi mapigilan yung inis sa boses ko. Para kasing lokohan lang. Yung dating kasi e nangabala lang sila.

The Art and Science of Love (Of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon