Chapter Eight. Two

37 3 0
                                    

I was still pondering my theoretical quite-romantic feelings for Ju when Avo spoke.


"Are you going to blow the candle or not?"


Ang sungit naman nito.


"Okay," sagot ko sa kanya sabay lean palapit at blow sa candle. Pagkapatay nung apoy, tinitigan ko muna sandali yung wick nung kandila bago iyon nawala sa paningin ko dahil ipinatong na pala ni Avo yung cake sa hood ng sasakyan.


Tumingin siya sa relos niya bago ako hinarap uli at tinanong.


"So where do you wanna go?" tanong niya sa'kin at tinaasan lang ako ng kilay nung nakatulala lang ako sa harap niya. I pursed my lips then lumingon-lingon sa paligid.


The ass, Ju! Saan mo pinapunta sina Jasper at Jessica?!


Tinitigan ko uli si Avo nang hindi nagsasalita at agad naman siyang nakaramdam.


"I have two hours free, wala ka bang balak gawin?" nakakunot noong tanong niya as if that would finally make sense with things. Anong naiisip nito?!


"Ah eh... bakit tayo magsasama... Avo?" mabagal na tanong ko sa kanya habang nakatingin sa sapatos ko.


Ayoko nga siyang titigan sa mata! Baka lalo akong magmukhang feeler sa harap nito. Kung si Ju kaya ko pang masabayan, ito hindi ko alam! Baliw lang si Ju pero eto, may multiple personality! Hindi naman ako Psych major!


Nginitian lang ako ni Avo at nanlaki naman yung mga mata ko sa bigla. Ngumiti si Avo. Sa akin. Wait... what?


"Parker, I'm starving and I hate sweets so let's go," utos niya sa'kin sabay kaladkad papasok sa kotse na pinanggalingan ni Ju kanina.


"Buckle up," sabi niya. Napatingin lang ako sa kanya at kunot ang noo, kahit na inshock pa rin ako ay reflex ko na 'yun, bago siya napabuntong hininga na parang ang slow ko at siya ang nagsuot ng seatbelt ko para sa'kin.

- - - - - - - - - - -x

Yung lugar na pinuntahan namin, isang diner na western style. Kulay red yung mga chairs and couch tapos black and white yung mga tiles. Metallic yung mga tables tapos may mga kung ano-ano pang mga frames na may lamang cut outs ng old news, hindi ko alam if legit news or hoax, or futuristic drawings, may nakita akong picture na neon colored milkshake, na nakasabit sa walls. Chill lang yung place dahil mga casual lang yung damit nung mga tao sa loob. Hindi sila nakapangformal and so far, wala ring mga jejemon. Walang maingay at kung may naguusap man ay tahimik lang kaya agad akong nakarelax sa lugar. 


Ayoko kasi ng mga masyadong pangamayaman na lugar, kase magastos at keri lang naman ang economic status namin, or sa maingay kahit na mura yung food dahil feeling ko preso ako or something. Ah, basta!


Inabot nung babae yung menu sa amin at nakita ko yung pagpipigil niyang tumili nang makita si Avogadro. Napangiti ako. Ang lakas naman ng willpower niya para ihiwalay ang work sa burst ng hormones sa kagwapuhan ni Valdez. 

The Art and Science of Love (Of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon