Chapter Nine.One

39 3 5
                                    


Author's Note: I haven't been able to update for a long time so I hope this is long. Thirteen pages din 'to sa word na font size 12!😂


 Let the ships sail! Hahahahaha 🤣  JK  😼


P.S. Patugtog niyo yung kanta sa last scene and let the first line slip from Chrissy's lips before you read the chapter's last line hahahahahahaha🤣

- - - - - - - - - -X


Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang sama ng loob ko sa pagsasabi sa'kin ni Avo kaya nagkakaganito ako ngayon. Hindi lang ata mentally ang epekto niya sa'kin kun'di pati physically kase isang araw lang pagkatapos ng birthday ko mismo, tinamaan ako ng high fever na madalang lang naman mangyari sa'kin.


"After ng 4 hrs or 6 hrs ka uminom ng biogesic uli. Wag mong ipilit na huwag uminom. Hindi mo naman kaya," pangaral ni Papa habang nakatingin diretso sa mata ko.


Tumango na lang ako. Pag kasing may sakit ako, lalo na kapag fever o cough lang, mas pinipili kong wag uminom ng gamot kung pwede namang hindi. Alam ko kasi na yung pagtaas ng body temperature pag nilalagnat at paghatsing pag may colds ay natural reaction talaga ng katawan to fight off the disease. So yung temperature pag may lagnat, hindi dapat pinapababa. Although mahirap talagang pabayaan kasi masakit sa pakiramdam.


"Sigurado ka bang kaya mong ikaw lang mag-isa?" tanong ni Papa, nakahawak na sa cellphone niya at readyng magcall sa office niya para magleave.


Umiling ako at humatsing; nabigla pa siya sa lakas.


"Ang dami mo pang papers na aayusin atsaka matutulog lang naman ako all day."


Tumango siya kahit halatang doubtful siya na kaya kong alagaan ang sarili ko. Paano naman siya maniniwala na kaya ko kung kahit pag wala akong sakit, nakakalimutan ko pang kumain kung hindi lang ako magki-crave ng pagkain? Minsan naiisip ko kung kelan ba ako hindi magiging baby sa paningin ni Papa, e.


Napatunayan ko na ang useless ko nga pag may sakit ako nang umbaot pa lang ng 30 minutes na wala si Papa ay nagdudusa na ako.


Gusto ko ng tubig! Soup! Tsaka Italian pasta o mainit na French toast! Utang na loob, ayaw na ayaw ko talaga nang may sakit. Ang dami-dami kong pagkain na gusto kahirap naman ako na lasahan!

- - - - - - - - - - -x

Nagising ako na may nagpupunas ng pawis na pawis kong mukha. Napamoan pa ako sa presko sa pakiramdam at narinig ko lang na nagbuntong hininga yung kunsinomang God-sent na kasama ko ngayon.


"Anong gusto mong kainin?" tanong nung tao. Napamulagat ako at nasalubong yung kalmadong mukha ni Jasper habang pinapatungan ako ng bagong basang bimpo sa noo.


I breathed deep habang nakatingin siya sa'kin; Naramdaman ko pa yung hininga ko. Damn. Tingin ko mukha akong shit ngayon. Buti si Jasper lang 'to. Walang hiya-hiya samen.


Lumipas siguro ang mga tatlong minute at napalitan na niya ng bagong basang bimpo yung sa nook o pero hindi pa rin ako nakakasagot. Umalis siya after habang dala-dala yung basin at bumalik na may kinakausap sa phone.

The Art and Science of Love (Of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon