For all my readers out there, I have a good and bad news sa inyo. :)
(Kala mo naman ang dami ng readers haha)
Uunahin ko muna yung bad news syempre.
Well, ang bad news (pwede ring good news para sa inyo) malapit ko nang i-delete yung story na 'to. Oo, idedelete ko na yung story na to (paulit-ulit?) Sabi ko nga, MALAPIT pa lang naman. Hindi ko pa naman alam kung kelan. Iniisip ko pa lang kung anong date.
Bakit nga ba author?
Ang rason ay dahil, ang PANGET PANGET ng pagkakasulat ko nito. Gandang rason e no? Pero seryoso ang panget, ang corny, sobrang ikli at bitin para sa mga readers ang storyang ito. Tama naman diba? Maging akong author napapangitan sa istorya pero okay naman yung nakatagong katotohanan para sakin. Pero yun lang. Ang pangit ng transition ng mga pangyayari. Kaya ayun.
Lingid sa kaalaman niyo na ito ang unang istoryang sinulat ko except doon sa mga kakilala kong alam na. Mga second year hs pa lang ako noon ng sinusulat ko pa to sa intermediate paper kaya ayun, pangit ng kinalabasan though meron namang mga pumuri na kakilala ko. Haha. Kilala niyo na kung sino kayo. Yun ang pangit kasi talaga haha. Nakakailang banggit na na ako ng pangit? Pakibilang nga.
Ang good news
Ang good news naman na pwedeng bad news para sa inyo ay irerevise ko tong story na to. Babaguhin ko yung ibang parts. Pwedeng may idagdag, pwede ring may tanggalin. Depende sa gusto. Ang problema, di ko rin alam kung kelan ako magsisimula kaya antay-antay na lang. Nakaisip na rin kasi ako na idudugtong kaya sana lang hindi maging cliffhanger ulit yung story na to.
Ayun. Abangan niyo na lang kung ganun pa rin yung plot pati na rin yung mga characters. Sana basahin pa rin ng mga dating bumasa. At sana parang awa niyo na huwag kayong mag-alinlangan magvote at magcomment. Di ako nangangagat at nangangain ng tao. Medyo busy lang kung minsan kaya medyo snob. Pero tanggalin niyo na yung mga hiya niyo. Please lang. :D
Lastly, sana saniban ako ng espirito ng kasipagan para makapagsulat pati na rin yung muse ko sa pagsusulat na nagtatago sa aparador. Labas-labas din pag may time.
*Muse po ang tawag sa something na nagg-guide sayo habang nagsusulat. Sa kanila galing yung mga ideas at through their telepathic powers, tinatransmit nila yun sa'tin. Ayon yan sa nabasa ko. :)
-end
BINABASA MO ANG
Again?
RomanceMeet Dylan. Isang ordinaryong 15 year year old student na lumipat sa isang pampublikong paaralan sa probinsya ng mama niya. Simula nang makilala niya si Diane, ano kayang pagbabago ang mangyayari sa buhay niya?