(A/N: Si Dylan po yung nasa gilid. ^ _ ^ ------------->)
Ako si Dylan Castillo. 15 years old at incoming third year highschool sa susunod na pasukan. Lumipat ako sa probinsiya ng mama ko dahil simula nang mamatay ang papa ko, kinailangan magtrabaho ni mama sa ibang bansa para matustusan ang mga pangangailangan ko. Dahil dito, iniwan niya muna ako kay lola. Magtatransfer na rin ako dito sa isang pampublikong paaralan.
~~~~~~~~~~~~~~~.~~~~~~~~~~~~~~~
~1st Day of Classes~
Naglalakad ako sa may corridor. Syempre, bilang isang transferee, hindi ko alam kung saan hahanapin yung section ko. Section 3-3 nga pala ako. Third year. Hindi ako katalinuhan at hindi rin ako kagwapuhan. Susubukan kong magtanong sa ibang estudyante dito.
"Excuse me miss, saan ba dito yung section 3-3?"
"Section 3-3 ba? Nasa third floor. Pangatlong room sa kanan, pag-akyat mo," mahinhin niyang sinabi.
Ang weird niya. Ang lamig ng boses. Hindi siya lumingon sa akin nang sumagot. Nakatalikod lang siya. Pagkatapos nun ay muling siyang lumakad.
"Teka! Anong pangalan mo?"
"Diane. Diane Mendoza," sagot niya pero hindi na lumingon ulit.
"Salamat Diane! Ako nga pala si ---" sigaw ko ngunit nakalayo na siya.
"Grabe ang weird!" sabi ko sa sarili ko.
Ilang minuto lang at nahanap ko na rin yung classroom ko. Sumilip ako sa salamin sa pintuan. Tamang-tama konti pa lang ang mga tao. Mga apat o lima lang ang nakita ko. Pumasok ako at umupo sa pangalawa sa huli, sa may bintana.
Unti-unti, dumadami na ang pumapasok sa classroom. Hanggang sa dumating na rin ang isang matangkad at maputing babae.
"Magandang umaga. Ako si Bb. Grace Ramos, ang inyong adviser at ang magiging Filipino teacher niyo sa taong ito. Teacher Grace na lang ang itawag niyo sa akin. Sigurado naman akong kumpleto na ang lahat. Syempre 1st day, hinding-hindi mawawala ang pagpapakilala sa inyong sarili."
Isa-isang nagpakilala ang mga kaklase ko hanggang sa umabot na sa akin. Ang pangalawa sa huli.
"Hi, ako si Dylan Castillo. Sigurado ako ngayon niyo lang ako nakilala. I'm from Manila. Nagtransfer ako dito for some reasons. Huwag kayong mahiyang lumapit at magtanong sa akin. Ummm... Nice meeting you."
Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa kinauupuan ko. Sumunod ang babaeng nasa likod ko ata ang huling magpapakilala.
"Ako si Diane Mendoza..." malamig nitong sinabi.
Siya si...Diane Mendoza? Katabi ko lang pala yung babaeng weirdo na pinagtanungan ko kanina? Kaya pala ang tahimik ng nasa likod ko.
"Okay class, ngayong kilala niyo na ang isa't-isa..."
"Pssttt...Diane right?"
"Oo. Bakit?"
"Ikaw pala yung babaeng kausap ko kanina."
"Ah. Oo. Naalala ko na."
"Akalain mo 'yun. Magkaklase pala tayo?"
"..."
"Uy."
"..."
"Uy. Kausapin mo naman ako," pangungulit ko.
"Mr. Castillo! Ikaw yung transferee diba? Nakikinig ka ba?"
"Sorry po ma'am."
Lumipas ang ilang oras at nagbell na.
"Ok class. You may go home now. Class dismissed. See you tomorrow."
"Uy Diane. Kausapin mo naman ako."
"Pwede ba! Tigilan mo ako! Ang kulit-kulit mo eh!"
"Sorry naman. Gusto ko lang naman ng kausap eh."
"Sorry kailangan ko nang umalis."
"Teka! Sandali!"
Nakatakbo na siya at hindi ko na napigilan. Napakamot na lang ako sa ulo ko. '-_-
~~~~~~~~~~~~~~~.~~~~~~~~~~~~~~~
~Sa Bahay~
"Nandito na ako 'la."
"Oh apo. Kumusta ang unang araw sa eskwela? May mga bago ka bang nakilala?"
"Mano po. Medyo nakakapagod po. May nakilala po akong isang babae. Kaklase ko siya. Tahimik pero weird. Wala po siyang kausap, ni-isa sa mga kaklase namin. Palagi lang siyang nakatingin sa bintana."
"Hmmm? Hindi kaya in-love ka?"
"Ako? First day pa lang in-love kaagad? Ano 'to Pee-Bee-Bee Teens?!"
"Naku, ganyang-ganyan din ang papa at mama mo noon. Magkaklase rin sila. Napaka-chickboy kasi ng papa mo noon. Niligawan agad ang mama mo."
"Lola, hindi po ako katulad ni papa na chickboy. Hayaan niyo po munang makilala ko siya...
...pero kung sa bagay maganda rin siya," pabulong kong sinabi.
"Ano 'yon apo?"
"Wala po. Ang sabi ko magmeryenda na tayo."
"Ang apo ko talaga."
Next Chapter: Sounds Familiar?
![](https://img.wattpad.com/cover/1463459-288-k518946.jpg)
BINABASA MO ANG
Again?
عاطفيةMeet Dylan. Isang ordinaryong 15 year year old student na lumipat sa isang pampublikong paaralan sa probinsya ng mama niya. Simula nang makilala niya si Diane, ano kayang pagbabago ang mangyayari sa buhay niya?