(A/N: Si Chin-chin po yung nasa gif -------------> Sigurado akong kilala niyo na siya. Siya po yung gumagawa ng mga gay videos na nakakatawa at the same time may lesson kang makukuha. Kung gusto niyo mapanood yung latest video niya, nasa external link po. ^ ^)
Ilang buwan ang lumipas at February na. Buwan ng mga puso. Ang bilis ng panahon. Kung magpropose na kaya ako kay Diane sa Valentines? Tutal isang buwan na lang at bakasyon na. Dalawang buwan kong hindi makikita si Diane. Mahirap para sa'kin 'yon.
Beep...Beep...Beep...
Biglang may tumawag sa'kin. Unregistered number.
"Hello?"
"Hello anak?"
"Oh ma? Ngayon lang kayo napatawag? Malapit na ang bakasyon.
"Sorry anak. Ang hirap kasi makatawag dito kaya ngayon lang. Kumusta na? Yung pag-aaral mo?"
"Mabuti naman po. Hindi ako masyadong nahihirapan. Nakapag-adjust narin ako. May mga bago na akong kaibigan."
"Ganun ba? Matutuwa si Ian niyan."
"Ma naman."
"'Nak, may good news ako sa'yo."
"Ano po 'yon?"
"Babalik na ako jan sa June bago magpasukan. Baka bumalik ulit tayo sa Manila. Nakaipon na ako ng sapat para sa tuition mo. Doon ka na ulit mag-4th year at magkokolehiyo."
Nabigla ako sa sinabi ni mama.
"Doon ka na ulit mag-4th year at magkokolehiyo."
Ibig bang sabihin, hindi ko na makakasama si Diane sa 4th year? Kung kailan pa kami napalapit sa isa't-isa? Kung kailan umibig ako ng totoo?
"Hello? Anak, nandiyan ka pa ba?"
"Ah opo. Sige po ma. Kailangan ko nang pumasok."
"Ganun ba? Sayang naman. Sige, pakabait ka ha? Love you baby."
"Ma naman? Ang laki ko na para jan. Binata na ako. Love you too. Sige, bye."
Binaba ko na ang aking telepono.
Napaisip ako sa sinabi ni mama. Hindi ko na makakasama si Diane next school year. Kailangan ko nang lubus-lubusin ang pagkakataon.
~School~
Pagpasok ko ng room, tinawag ko sina Kevin, Chin-chin, at Erin. Matutulungan nila akong pagplanuhan ang proposal ko para kay Diane. Mananatiling lihim muna ito para kay Diane.
"Guys! Kevin, Chin-chin, at Erin! Pwede ba kayo lumapit muna sa akin?"
"Ano 'yon Fafa Dylan?"
"Bakit Dylan?" tanong ni Kevin.
"Diba buwan ng mga puso ngayon?" tanong ko.
"Oo. Bakit?" sagot ni Erin.
"Gusto ko na sanang magpropose at manligaw na kay Diane."
"Whuuutttt???!!!" sigaw nilang tatlo.
"Shhhhh... Pwede niyo ba akong tulungan?"
"SURE!" agad na pumayag si Erin.
"Syempre 'tol kaibigan mo naman kami eh."
"What can we do for you, my love?" tanong kaagad ni Chin-chin.
"Ganito guys..." bulong ko.
At ganun nga ang nanngyari. Plano naming sorpresahin si Diane sa canteen habang nakablindfold. Si Kevin ang mag-aabang sa pinto upang dalhin siya doon habang si Chin-chin naman ang magdedesign ng mga letrang W-I-L-L Y-O-U B-E M-Y G-I-R-L-F-R-I-E-N-D-? Si Erin naman ang bahalang maghanap ng mga taong hahawak ng mga letra at ako ang hahawak ng ? at ng bulaklak at tsokolate. All set para sa Valentines day. Excited na ako.
(A/N: Fast forward... Excited rin si author eh. xD)
February 13 - 9:00 pm
Tinawagan ko na sina Erin, Kevin, at Chin-chin. Para makasiguradong hindi papalya ang plano namin.
"Hello? Kevin. Humanda ka na bukas. Dalhin mo yung blindfold."
"Erin. Tinawagan mo na ba yung mga hahawak? Sigurado na silang pupunta? Sige."
"Chin-chin. Nagawa mo na ba yung mga letra? Tapos na? O sige dapat walang kulang jan bukas."
Ayos! Handa na ako para bukas. Nabili ko na rin yung bouquet of flowers tsaka yung hugis puso na Ferrero Rocher.
Kinabukasan...
February 14
-Diane's POV-
Napansin kong wala si Dylan sa upuan niya. Umabsent kaya siya? Kainis. Valentines na valentines wala siya?
Krrriiiiiinnnnggggg!!!
Nagring na ang bell. Dismissal na. Sayang wala si Dylan pati na rin sina Chin-chin, Kevin, at Erin. Nainggit tuloy ako sa mga lalakeng pumapasok sa classroom namin para bigyan ng chocolates at flowers yung mga kaklase ko.
Palabas na ako ng room ng biglang tinakpan ang mga mata ko. Binindfold niya ako. Wala akong makita. Hindi na rin ako nakasigaw ng maayos. Tinakpan niya pati bibig ko ng panyo. Sino naman kaya may pakana nito?
"Sumama ka na lang sa'kin nang tahimik at walang mangyayaring masama sa'yo. Hindi kita sasaktan," sabi ng misteryosong boses.
Medyo pamilyar sa'kin yung boses niya pero sobrang baba kaya hindi ko makilala.
Matapos ang mahaba-habang paglalakad ay tumigil na rin kami sa wakas.
Nakita ko si Dylan.
"Will you be my girlfriend?" tanong niya.
Binigay niya sa'kin ang mga bulaklak at tsokolate at lumuhod.
Nakita ko na rin sina Chin-chin at Erin. Si Kevin pala yung nagblindfold sa akin. Kaya pala parang pamilyar yung boses niya eh. Ito pala ang pinag-usapan nila noong nakaraang araw.
Ito ang kinatatakutan kong mangyari. Ang magmahal ulit. Pero mahal ko rin siya? Anong gagawin ko? Ang maulit ang nangyari o ang makasama ang lalaking pinakamamahal ko?
Pero...ayokong saktan siya.
-Dylan's Pov-
Nasa harap ko na si Diane. Pero mukhang nag-aalala siya. Anong problema?
Hindi maaari.Tuloy pa rin ang plano ko. Ayokong masira ang lahat ng pinaghirapan namin.
"Diane, will you be my girlfriend?" ulit ko.
"..."
"Yes!"
Nagpalakpakan ang mga tao.
Napayakap ako sa sobrang saya. Sobrang higpit. Sa wakas! Kami na ng babaeng pinakamamahal ko. Ako na siguro ang pinakamaswerte at pinakamasayang tao sa buong mundo!
Next Chapter: Revelations
BINABASA MO ANG
Again?
RomanceMeet Dylan. Isang ordinaryong 15 year year old student na lumipat sa isang pampublikong paaralan sa probinsya ng mama niya. Simula nang makilala niya si Diane, ano kayang pagbabago ang mangyayari sa buhay niya?