Again? - Chapter 3: Egg Pie

102 3 0
                                    

(A/N: Si Kevin po yung nasa gilid ----------->)

Walang pasok ngayon. Weekend kasi. Computer, nood ng TV, kain, tulog. Mga palagi kong ginagawa kapag weekend.

Nakakabagot kaya naisipan kong bumaba at pumunta sa kusina kung nasaan si lola. Na-curious ako sa love story niya. Hindi ko na kasi naabutan si lolo noong ipinanganak ako. Namatay siya sa heart attack.

"Lola."

"O bakit apo?"

"Pwede niyo po bang ikwento yung love story niyo ni lolo? Curious lang po."

"Naku, apo. Masyadong mahabang istorya. Tsaka marami akong ginagawa oh."

"Sige na po. Kahit i-shortcut niyo na lang," pagpupumilit ko.

"Sige na nga."

Sa wakas pumayag na rin.

"50 years na rin ang nakalipas, third year ako noon nang makilala ko ang lolo mo. Transferee student din kasi siya noon at kaklase ko pa."

"Katulad ko rin po pala si lolo noon. Third year nang magtransfer."

"Oo apo. Unang araw pa lang ng pasukan ay na-inlab na kaagad ako sa lolo mo. Hindi naman siya kagwapuhan, pero mabait at makulit."

"PBB TEENS lang ang dating."

"Isang araw, humingi ako ng tulong sa matalik kong kaibigan. Elizabeth ang pangalan niya. Tahimik pero mabait. Tandang - tanda ko pa dahil siya ang naging tulay kung bakit kami nagkatuluyan ng lolo mo."

"Grumaduate kaming tatlo. Magkasama pa rin kami ng lolo mo pero lumipat na si Elizabeth. Nalungkot ako."

"Lumipas ang maraming taon at nakagraduate na rin kami sa kolehiyo. Wala na akong balita kay Elizabeth."

"Nagpakasal kami ng lolo mo sa edad na bente-tres. Imbitado din si Elizabeth."

"Nang magsimula ang kasal, napansin kong wala pa si Elizabeth. Doon ako nagsimulang  mabahala. Hindi na ako mapakali."

"Nang matapos ang kasal, tinawagan ko kaagad si Elizabeth. May sumagot pero hindi siya iyon. Nanay niya ang sumagot."

"Naaksidente daw si Elizabeth. Isang car accident habang papunta sa simbahan kung saan kami ikakasal ng lolo mo."

Nakita kong tumulo ang luha ni lola.

"Lola, bakit ka umiiyak?"

"Ha? Ah... Naalala ko kasi yung mga masasayang nangyari sa amin. Mahilig kami sa homemade egg pie. Siya mismo ang gumagawa."

"Ang lungkot naman po pala ng nangyari sa kaibigan niyo."

"Sige na apo. Umakyat ka na muna at marami pa akong gagawin dito."

"Sige po."

                                   ~~~~~~~~~~~~~~~.~~~~~~~~~~~~~~~

                                                            ~School~

Monday na ulit. Ibig sabihin makikita ko na ulit si Diane. Parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.

"Magandang umaga!" buong sigla kong pagbati.

"Ang saya mo ngayon ah. 'Dre anong meron?"

Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon