Again? - Chapter 2: Sounds Familiar?

142 2 0
                                    

(A/N: Si Diane po yung nasa gilid. :) Naging MIsa Amane rin po siya sa Live Action ng Death Note.)

                                                           ~School~

Maaga akong pumasok ngayon. Wala lang. Trip ko. Pagpasok ko ng classroom, konti pa lang ang tao.

Nakita ko si Diane. Nakatingin na naman ng malayo sa bintana at tulala.

"Good morning Diane! Tulala ka na naman jan ah."

"Good morning."

Sa wakas! Kinausap niya na rin ako. Pero ganun pa rin ang boses niya. Malamig at nakakatakot. Napaisip ako, wala siyang kinakausap. Wala ring pumapansin sa kanya. Hindi kaya'y...

"Diane, multo ka ba?" buong tapang kong tinanong sa kanya.

"..."

Hindi siya sumagot. Hindi naman siguro. (Ano bang klaseng tanong 'to?)

"Diane, diba pareho tayo ng room? Bakit hindi ka na lang sumabay sa akin noong nagtanong ako sa'yo kahapon?"

"May kinailangan lang akong asikasuhin...," sandali siyang tumigil.

"...at saka ayokong makihalubilo sa ibang tao."

Naistorbo ang pag-uusap namin nang biglang may pumasok sa room. Ang lakas ng boses.

"GOOD MORNING DYLAN!" paagbati niya.

"Good morning," sagot ko.

"IKAW YUNG TRANSFEREE NA TAGA-MAYNILA DIBA?!," buong lakas niyang tinanong. Hindi niya ba naisip na nakakahiya na yung ginagawa niya?

"Oo, ako nga. Pwedeng pakihinaan ng boses? Ang lakas kasi. Nakakahiya," pakiusap ko.

"Naku, sorry. Masanay ka na sa'kin. Ako nga pala si Erin. Kilala mo na rin ako diba?"

"Dylan davuuh?"

May isa pang nagsalita. Isang bading na puno ng make-up at blush-on ang mukha. Pinapayagan ba yan dito sa school? May scarf pang nakatali sa leeg.

"Naketch. Ganyan talagetch magspeak ang echosera kong friend. Ako nga paley si Chin-chin. Ang chorva niya noh?"

"TUMAHIMIK KA NGA JAN, ECHOSERANG FROG! PINUNO MO NA NAMAN YUNG MUKHA MO NG MAKE-UP AT BLUSH-ON!"

"Naku teh! 3 years na tayong magkasama at ngayon mo lang na NOTICE?! Jusku day!"

Naku. Nagsimula na yatang magbangayan ang magkaibigan.

Buti na lang at may biglang dumating at umawat sa kanilang dalawa.

"Tama na nga yan. Umagang-umaga ang iingay niyo. Sinisira niyo umaga ko eh. Hindi niyo ba naisip na nakakahiya sa bago nating kaklase?"

Agad na tumahimik ang dalawa at humingi ng sorry.

"Sorry Dylan," sabay nilang sinabi.

"Ako nga pala si Kevin. Nice meeting you 'tol!"

"Teka? Diba Christopher pangalan mo?" tanong ko kay Chin-chin.

"Oo. Chin-chin. Short for Christopher Alvin Sta. Cruz!"

"Ahahaha!" sabay-sabay kaming nagtawanan.

Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon