(A/N: Si Elizabeth - Ai Hashimoto (Left) at Katherine - Shiori Kutsuna (Right) po yung nasa gilid. ^ ^ ------------->)
-Diane's POV-
Pinuntahan ko ang libing ni Dylan. Nakita ko ang nanay niya. Umuwi siya nang maaga dahil sa burol ng anak niya. Nakakaawa ang kalagayan niyang iyon. Humahagulgol siya habang niyayakap ang kabaong ng kaisa-isang anak niya. Nandiyan din sina Chin-chin, Erin, at Kevin. Nakaupo sa isang tabi, umiiyak.
Napaiyak din ako pero mas minabuti kong lumayo muna. Ayokong makaistorbo. After Graduation na lang siguro ako dadalaw.
After Graduation...
"In Memory of Katherine dela Cruz... 1947-2012"
"In Memory of Dylan Castillo... 1997-2012"
Ayon nga sa ipinangako ko, nandito ako sa puntod nina Katherine at Dylan. Sayang si Dylan. Ang aga na siyang kinuha ng Panginoon. Naalala ko yung masasayang pinagsamahan ng barkada. Yung matatamis niyang ngiti. Yung tawanan noong magkaibigan pa lang kami, yung pangungulit niya noong 1st day. Yung sobrang pinaghandaang proposal na naging dahilan para sagutin ko siya at ipagsawalang bahala ang takot ko. Yung pagdadamayan namin noong nawala si Katherine.
Kung hindi na lang sana kami nagkakilala. Kung hindi ko na lang sana siya pinansin. Mas minabuti ko na lang sana na naging magkaibigan lang kami. Pero huli na ang lahat. Nangyari na ang nangyari. Kung maibabalik ko lang sana. Pero wala na akong magagawa.
"Katherine, salamat at naging kaibigan kita. Kahit na naging kayo ni Luisito at itinago ko lang yung pagmamahal ko sa kanya. Mas gusto kong nakikitang masaya ang kaibigan ko. Alagaan mo si Dylan jan ha? Pakisabing salamat sa pagmamahal niya. Salamat din sa lahat."
"Dylan, salamat din sa lahat. Nakalimutan ko lahat ng sakit simula ng mahalin kita. Sorry kung hindi ako nagtiwala sa'yo. Sorry kung hindi ako naniwala na magtatagal ang relasyon natin, na malalagpasan natin lahat ng problema. Mas naniwala akong hindi magtatagal ito. Sorry kung naging duwag ako. Gusto kong ibalik ang nakaraan. Kung kaya ko lang, gagawin ko. Pero hindi ko hawak ang oras. Napagbigyan lang ako mabuhay ulit. Sorry kung nasayang lang ang pagmamahal mo sa'kin at kinailangan mo pang ibuwis ang buhay mo. Hindi ko na sasayangin ito ulit."
Napaluha ako sa mga nabitawan kong salita. Hindi ko kinaya. Hindi pa siguro akong handang tanggapin ang nangyari. Pero alam kong darating din ang oras na 'yon.
"It takes only a minute to get a crush on someone, an hour to like someone, and a day to love someone, but it takes a lifetime to forget someone. Bye Katherine, bye Dylan. Mga taong mahahalagang nawala sa'kin."
BINABASA MO ANG
Again?
RomanceMeet Dylan. Isang ordinaryong 15 year year old student na lumipat sa isang pampublikong paaralan sa probinsya ng mama niya. Simula nang makilala niya si Diane, ano kayang pagbabago ang mangyayari sa buhay niya?