(A/N: Si Erin po yung nasa gilid. :) ---------------> Makikita niyo rin siya kapag nanood kayo ng My Super Fan Girl. Malalang-malala. Kung gusto niyo po manood, nasa external link po yung video.)
Ang panliligaw ko kay Diane ay nanatiling sikreto kay lola. Sosorpresahin ko na lang siya pagdating ng birthday niya tutal dalawang araw na lang eh. Bibili din ako ng ube cake kasi favorite niya yun eh.
Kinabukasan...
"Diane, birthday ni lola bukas. Gusto ko na sana kita ipakilala sa kanya. Hindi na "as friend" kundi "as a girlfriend."
"Ganun ba? O sige. Ano kaya kung isama na rin natin sina Kevin, Erin, at Chin-chin? Para kahit papaano, may konting kasiyahan. Gagawa na rin ako ng paboritong egg pie ni lola."
"O sige. Magandang ideya nga 'yan."
"Teka, teka. Hindi porke't kayo na ay hindi namin alam ang pinag-uusapan niyo?!" pasigaw na sinabi ni Erin.
"Oo nga! Nagha-hide na ng secrets ang mga couples!"
"Sus! Pwede niyo naman tanungin ng maayos diba? "Tol, ano bang pinag-uusapan niyo?"
"Tamang-tama nandiyan na kayo lahat. Birthday kasi ni lola bukas. Ipapakilala ko na si Diane sa kanya. Gusto ko rin sana kayong imbitahan. May konting salu-salo."
"Oo vaahhh! Game ako jaannn!"
"Sige. Bakit hindi?"
"Ayos may chibugan bukas!"
"Sabay na lang tayo bukas pag-uwi."
"Yes boss!" sagot nilang tatlo.
Dumating din ang araw na 'yon. Dumaan muna kami sa Goldilocks na malapit sa school para bumili ng cake.
Pagdating namin sa bahay...
"La nandito na po kami. May mga kasama po ako."
"..."
"Teka. Maupo muna kayo 'jan. Baka nasa kwarto. Titignan ko."
"Lola?"
"Lola? Gising na po kayo. Hapon na."
Noong una akala ko natutulog siya. Pero napansin ko hindi na siya humihinga.
Pero ang sigla-sigla niya pa noong mga nakaraang araw? Nilapitan ko siya.
"Lola. Gising na po. Diba birthday niyo ngayon? Gising na po..."
Paulit-ulit ko siyang ginising. Pero wala na siya. Wala na si lola. Sasabihin ko na lang lahat-lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.
"'La..."
Tumulo ang mga luha ko.
"Happy 66th birthday. May dala po kaming cake para sa inyo. Diba, gusto niyo po ng ube cake?"
"Tsaka 'la, may girlfriend na po ako. Si Diane? Yung kaibigan ko po na pinakilala ko sa inyo? Dala niya po yung paborito niyong egg pie."
"'La, gumising na po kayo!"
Umiyak ako ng umiyak sa tabi ni lola. Bakit siya pa? Naging mabait siyang lola. Naging maalaga. Bakit siya pa?!
Tok, Tok, Tok...
"Dylan, bakit ang---"
"Diane, wala na si lola! Wala na siya!"
BINABASA MO ANG
Again?
RomanceMeet Dylan. Isang ordinaryong 15 year year old student na lumipat sa isang pampublikong paaralan sa probinsya ng mama niya. Simula nang makilala niya si Diane, ano kayang pagbabago ang mangyayari sa buhay niya?
