Chapter 6- 8th Grader

26 2 8
                                    

After nung sagutan namin nila Dolly ay pumunta na Kami Sa Room, habang naglalakad Kami papunta Sa room ay pinag-titinginan kami ng mga estudyante "as always" yes, lagi Nilang ginagawa yan dahil lagi nilang sinasabi na "Sila yung magkaibigan na maganda, mabait at matalino. Ideal Girl!" Pero Wala kaming pakialam sa kung ano yung sinasabi nila, dahil focus kami sa studies namin.

"Gen bilisan na natin baka ma-late tayo" sabi ko sa kanya

"Takbo na tayo gusto mo? Malayo pa room natin" suggestion niya

"Sige" sabi ko sabay takbo namin

"Sorry we're late!" Parehas naming sabi pagbukas na pagbukas palang ng pinto ng room

Biglang may nagtawanan at alam na kung sino yun.

"Hey bitches, did you see na wala si ma'am?" Sabay tawa ni Dolly

"Yeah right, poor girls" saad ni Lexie

"Ayan na naman kayo, wala kayong alam kundi mang-bully, by the way wala pala ang mga teachers kasi may urgent meeting daw sa faculty lounge" sita sa kanila ni Anna na President namin last year.

"Thanks Anna" Sabay naming sabi

"No prob" sabi niya pa

"Mag-sasalita ba Kami ng sorry we're late Kung alam naming wala si ma'am, Utak naman mga bes!" Parinig ni Gen

"Pinariringnan niyo ba Kami?"mataray na Tanong ni Lexie

"Hindi, Bakit natamaan kayo?" Sagot ko

"Wag mo Kong masagot-sagot NERD!" Galit niyang utos

"At Bakit? Boss Kita? Nanay ba Kita?" Saad ko

Bago pa siya makasagot sa akin at may nag salita na naman sa harap and this time napatahimik niya kaming lahat

"Good morning class, sorry I'm late, may meeting kasi, and please have a sit ladies" sabi ni Ma'am

Agad kaming pumunta sa bandang dulo, para peace yung paligid and ayaw naman talaga namin ng away eh, itong sila Dolly lang talaga ang may gusto nun.

"Class as you can see, first day ngayon so...... mag-pakilala na kayo sa isa't-isa" sabi ni ma'am

"Eh ma'am mag-kakilala na po kami, mag-kaklase po Kami last year" sabi ni Tanner

"Eh ako kilala ko na ba kayong lahat? And 14 nga lang kayo eh, so Hindi kayo marami para mag-pakilala ng maikli, kaya habaan niyo ang pag-papakilala" Sabay smile ni ma'am

Owwww god ang Ganda ni ma'am pag nakangiti 😍😍😍 nakaka tomboy na ah!

"Ok ma'am" Sabay-Sabay naming sabi.

"Let's starts with you" Sabay Turo sa likuran

"Bes, ikaw daw" sabi ko kay Gen

"Anong ako sayo nakaturo si ma'am, after mo pa ko" sabi niya

"Ah ako po ba?" Sabay kamot ko ng buhok ko habang tumatayo sa upuan

"Malamang sino pa ba yung nasa dulo? Yung upuan?" Sabay Irap ni Dolly

"Hindi yung pader, pede rin yung bintana kasi yun yung kausap ko kanina" sarcastic Kong sagot

His Fan (Darren Espanto Fan-fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon