Itinuloy pa din ni Jethro ang kanyang pagbabakasyon dahil na rin sa kagustuhan niyang makita ang kanyang mga magulang, nasasabik na siyang makasama ang mga ito. Maaga siyang umalis sa kanyang condo unit sa BGC para umpisahan ang kanyang byahe gamit ang kanyang sariling kotse. Inilagay niya ang kanyang mga gamit sa likod ng sasakyan niya. Dumaan mona siya sa isang convenient store para bumili ng mga pagkain at kailangan niya sa byahe. Binilhan niya na din ng mga pasalunbong ang kanyang pamilya at sympre pati na din ang kanilang mga katiwala sa bukid. Nag grocery na din siya ng mga ilang delata at noodles na alam niyang bibihira lamang matikman ng mga magulang niya sa probinsiya.
Nagpa gas up na din siya sa isang gasolenahan na kanyang nadaanan along Alabang. Para dina magkaroon pa ng ano mang problema ang kanyang byahe. Mag-isa lamang siya at wala siyang aasahang tulong kung sakaling magkaroon man ng problema sa byahe. Umusal nalang din siya ng dasal na sana maging maayos ang kanyang paglalakbay pauwi sa kanyang bayang sinilangan. Kung mabilis ang kanyang takbo, makakarating siya ng maaga sa kanilang lugar ngunit pag minalas ka sa byahe ay aabutin ka ng bente kwartro oras sa byahe bago makarating doon. Binuksan niya ang sterio ng sasakyan at umalingawngaw ang kwelang kanta ni Blackdyak na may title na "Modelong Charing".Napahagalpak siya ng tawa ng marinig ang liriko ng kanta na
"Ang iniingat ingatan ko, ang ugat lawit at masels ko, na tintatago-tago kopa sa twing kami magkasama".
Subrang napasaya siya sa kanta ni Blackdyak. Panay ngiti at tawa niya habang nag da-drived siya ng kanyang sasakyan. Nag umpisa na siyang mag enjoy sa kanyang byahe. Alam niyang umpisa palang ito ng makabuluhang paglalakbay na kanyang tatahakin. Mami-miss din niya ang kanyang buhay dito sa maynila sympre pero kailangan niyang magliwaliw mona sa pagkakataong ito.
Naging maayos naman ang takbo ng kanyang byahe at nakarating agad siya ng Matnog port ng walang masyadong hirap sa pagbabyahe. Doon ay sasakay siya ng maliit na barko na kung tawagin ng karamihan ay "ferry boat". Nasa dalawang oras lang siya mananatili doon at dadaong sila sa Allen port. Doon ay mag umpisa ulit siyang magbyahe patungo sa kanyang tunay na distinasyon. At yon ay sa bayan ng Sta. Ines, kung saan siya lumaki at nagkaisip.
Nasa gilid ng bayan ang kanilang tahanan na medyo malayo sa sentro ng bayan. Nasa gitna ang kanilang may kalakihang bahay ng malawak na lupain na sinasaka ng kanyang ama. Wala namang problema sa transportasyon doon dahil medyo aspaltado na ang daan. Hindi tulad noon na baku-bako ito at napakahirap talaga magbyahe sa lugar nila. Puro lakad ang gagawin mo noon dahil wala pang mga sasakyan na makakabyahe.
Dumaong sila sa may Allen port at nasamyo na niya ang preskong hangin mula sa bayang kanyang kinalakhan. Sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang mga labi bago binuhay ang makina ng kanyang sasakyan. Inumpisahan niya ang byahe ulit. Ramdam na niya ang pagod pero hindi niya ito alintana dahil alam niyang ilang oras nalang makakarating na siya sa kanilang tahanan.
Nasa tatlong oras pa ang kanyang ginugol sa pag babyahe at narating na din niya ang bayan ng Sta. Ines. Nanibago siya sa itsura ng lugar nila dahil malaki na ang ipinagbago nito kesa noon. May mga establishemento ng nakatayo doon at medyo maunlad na din ang kanyang bayang sinilangan.Napapalingon ang mga taong nakakasalubong niya sa kalsada at nahalata niyang nagbubulungan ang mga ito. Siguro sinisipat nila kung sino siya na bagong dating doon. Napabuntong hininga na lamang si Jethro habang binabagtas ang aspaltadong daan patungo sa kanilang tahanan. Ilang minuto pa at nasilayan na niya ang kanilang bahay na nasa gitna ng bukid.Namangha siya sa ganda ng kanilang lupain dahil puno ito ng mga ibat-ibang pananim. Mga gulay at prutas na talaga namang nakakamanghang tingnan. Talagang inaalagan ito ng kanyang amat ina.
Pumarada ang kanyang kotse sa harap ng kanilang bahay. May dalawang tao ang agad na nagkukumahog na lumabas para tingnan ang bagong panauhin nila. Sumilay ang ngiti niya ng makita niya ang kanyang amat ina na iniluwa ng kanilang pintuan. Agad siyang bumaba ng kotse para salubungin ang halata sa pagkagulat na mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
HIWAGA NG LAWA (IKALAWANG AKLAT)
FantasiaHalina at ating buksan ang pag-ibig na nababalot ng hiwaga at kababalaghan. Ano nga ba ang mananaig sa huli? Ang tunay ba na pag-mamahal o ang misteryo?