KABANATA 9- LOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAYS

4K 67 0
                                    

Makalipas ang anim na buwan simula ng matalo ng ating mga bida ang  dyablong si Lucifer ay naging maayos ang lahat. Hindi lamang sa mismong bayan ng Sta. Ines, dahil sa panunumbalik doon ng kasaganaan ng ani ng mga mamamayan kondi ang katahimikan na rin sa kanilang lugar at ang pagbabalik ng kaayusan sa tinaguriang mesteryusong lawa nila. Napupuntahan na ng mga mamayan ang lawa at naging tampok na itong pook pasyalan ng mga tao.

Samantala ang ating mga bida naman ay naging maayos din ang lahat sa kanila. Naging mas malalim ang naging relasyon ng dalawang nilalang sa pag daan ng mga araw at buwan kasabay noon ay ang mas lalong pag tibay ng kanilang relasyon. Sympre hindi naging madali ang lahat para matanggap ito ng mga magulang ni Jethro na ang kanilang anak ay magmamahal lamang din ng kapwa niya lalake. Isang kayamanan para sa kanila ang mabigyan sila ng apo. Ngunit may magagawa nga ba sila kung ang mismong anak nila ang nagpasya na tahankin ang ganoong klase ng buhay at piliin na makapiling si Marky bagkos na mag-asawa ito ng babae at bigyan sila ng kahit ni isang apo man lamang.

Sadyang mababait ang mga magulang ni Jethro at lubos silang naniniwala sa tawag ng busilak na pag-mamahal. Hindi naman nila masisisi ang anak nila kong si Marky nga iyon at doon nasumpungan ng anak nila ang kaligayahang hinahanap nito. Ang mahalaga sa kanila ay masaya si Jethro at nakikita nilang maayos ang kanilang napakabait na anak. Ikinamangha pa ng mag-asawa kong pano nagkakilala ang dalawa at kung panong nangyari na napunta sa ganoong estado ang relasyon ng dalawang lalake at doon sila lubos na naantig. Kayat sino ba naman silang mga magulang upang suwayin ang naging pasya ng kanilang anak.

Hindi rin pinagsisihan ng mga magulang ni Jethro ang pag tanggap nila kay Marky. Bukod kasi sa matalino ang binatang kasintahan ng anak nila ay napakabuti din ng kalooban nito at napakamatulungin sa kapwa. Bagay na kanilang ikinahanga sa binatang si Marky.

"Sigurado naba kayo mga anak sa landas na gusto niyong tahakin? Kami lamang ay nag-aalala ng inay mo sa maaring maging bunga ng inyong relasyon?" tanong ni Mang Dante.

"Oo nga Jethro, anak alam ko naiintindihan ka namin, pero hindi lahat ng tao ay katulad namin na maiiintindihan kayo lalo na sa estado ng relasyon niyong dalawa" sabat ng kanyang Ina.

"Tay at nay sigurado na ho ako dito kay Marky. Alam ko at nakikita ko ang pag-aalala niyo para sakin at samin, pero Mahal ko si Marky at alam ko mapag tatagumpayan namin ang ano mang pag-subok na ibibigay samin ng tadhana" Sagot ni Jethro. Bahagya siyang ngumiti sa mga magulang niya para maibsan ang tensiyon na kanyang nadarama ng mga oras na iyon.

"Tito..tita salamat sa pagintindi at pag-unawa sa situwasyon namin ni Bro. Pero sigurado na rin ho ako na si Jethro ang gusto kong makasama hanggang sa pag tanda ko sa mga nalalabi ko pang buhay sa daigdig na ito. Utang ko sa kanya ang buhay ko at siguro kung hindi dahil sa kanya di ako makakalaya sa kalupitan ng dyablo at masusumpungan ang wagas na pag-mamahal. Hindi man kami maintindihan ng karamihan pero ang mahalaga buo kami at naiintindihan kami ng mga mahal namin sa buhay" sagot ni Marky.

Napatango na lamang ang mag-asawa. Naintindihan nila ang bawat puntos ng dalawang binata.Kayat minabuti nilang unawain na lamang ang mga ito. Bilang mga magulang nariyan lang din sila upang gabayan ang mga ito sa kung ano mang pagdaanang pag subok, mabuti man o hindi ang tatahaking daan, ngunit ang mahalaga nariyan sila at nakasuporta sa mga ito.

Ginugol ng dalawang binata ang kanilang panahon kasama ang mga magulang ni Jethro. Minsanan lamang lumuwas ng Manila si Jethro upang asikasuhin ang kanyang mga naiiwang trabaho doon at kung minsan ay inuuwi na lamang niya ito sa kanilang bahay at pag balik niya ng manila ay job well done na ang mga ito.Sa madaling salita, napapanatili niyang maayos ang kanyang carreer at buhay pag- ibig. Si Marky ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon sa bawat araw na nilikha ng Diyos para sa kanya.

HIWAGA NG LAWA (IKALAWANG AKLAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon