Kinabukasan ay maagang nagising ang binata. Ganoon parati ang kanyang routen sa buhay. Ayaw niya na gumigising na siya na tirik na araw dahil naniniwala siya na pinagpapala ng biyaya ang mga taong maaga gumigising sa umaga. Epektibo naman ang kanyang paniniwala dahil makatutuhanan naman ito. Marami kang magagawa kung gigising ka ng maaga sa bawat araw na ginawa ng Diyos para sayo.
Nabungaran niya ang kanyang ama na nagtitimpla ng kape sa may dinning room pagkalabas niya sa kanyang silid. Binati niya ang ama at nagmano siya dito.Nakangiti naman itong sinalubong siya.
"oh anak halinat magkape kana at ng mainitan iyang sikmura mo" sabi nito. "Hindi ka parin nagbabago ikaw parin ang jethro na maaga kung gumising" nakangiting sambit nito sa kanya.
"Salamat tay, asan ho si nay? tanong niya sa ama.
"Nako ayon maagang nagpunta ng bayan at mamamalingke daw, magluluto daw siya ng ginataang langka ngayon para sa pananghalian natin na sasahugan niya ng sardinas na maanghang, at bibili din siya ng pulutan dahil niyaya ko yong dalawang katiwala natin na magpunta dito mamaya at mag iinuman tayo" masaya at mahabang kwento ng kanyang ama.
"Ah ganun ho ba? nakilala ko pala kagabe si Ram, isa daw siya sa mga katiwala mo tay" wika niya dito.
Napakunot ang noo ng kanyang ama,napatitig ito sa kanya at balandra sa mukha nito ang subrang pagtataka.
"Bakit ho tay?" naguguluhan niyang tanong dito.hindi kasi niya maintindihan ang naging rekasyon ng kanyang ama.
"Sinong Ram ang sinasabi mo anak? wala tayong katiwala na Ram ang pangalan" nakakunot pa ding tanong nito.
"Hindi ko ho kasi alam tay, nagulat nga ho ako ng biglang may nagpakilala sa akin at nag alok ng tulong dun sa pag dadala ng mga gamit ko na naiwan sa kotse,at yon ang pakilala niya sakin,katiwala niyo daw ho siya" sambit niya.
"Nako ikaw talaga anak, mukhang nananaginip kapa yata, sige na magkape kana at kumain ka ng tinapay na inihanda ko" Napapailing na sagot nito sa kanya.
Nagkibit balikat siya. Ano na namang mesteryo ang nangyari sa kanya kagabe. Mukhang di nga talaga ito maganda pa. Hindi na ito normal.
"Maari ko bang malaman ang mga pangalan ng mga katiwala mo Tay, may mga pasalubong din kasi akong dala para sa kanila" Sagot niya dito.
"si Pareng Isko at pareng Kanor ang mga katiwala natin sa bukid,mga may asawa na ang mga iyon at halos magkakasing edad lamang kami ng mga yan anak..at nako lubos akong nagpapasalamat sa iyo, napakabait talaga ng binata ko" natutuwang wika nito.
Ngumiti siya ng pilit sa ama na napansin naman agad nito. Kayat nagsalita ito ulit
"Bakit ganyang ang reaksiyon mo anak, may mga problema ba? Tanong nito sa kanya.
"ah naguguluhan lang kasi ako tay don sa lalakeng nagpakilala sakin na katiwala niyo, at natitiyak ko kasing hindi siya ang mga taong nasabi mo dahil halos kasing edad ko lang siya" sagot niya sa tanong ng ama.
"Nako anak mag iingat ka dito, maraming kababalaghan ang nangyayari dito sa Sta. Ines, kikilalanin mo mona ang mga taong kakausapin mo dahil marami din ang mga masasamang loob, talamak na kasi ang droga dito at marami ang namamatay sa bawat operasyon ng mga pulis sa bayan" kwento ng ama.
"Ganoon po ba tay? baka nga isa lamang iyong tambay at napagtripan lang ako kagabe diyan sa labas" Napapailing na sagot niya sa ama.
Nagtimpla siya ng kape sa tasa habang nagkakape naman si Mang Dante. Humarap siya sa ama at tinikman niya ang ginawang tinapay nito. Bibingka ang kanilang almusal sa umaga na kinahiligan na ng kanyang amat ina. Mas masarap ito kung tsokolate ang kapares ng bibingka, samahan pa ng mga preskong pitas na mangga.Nagtanong siya ulit sa kanyang ama.
BINABASA MO ANG
HIWAGA NG LAWA (IKALAWANG AKLAT)
FantasíaHalina at ating buksan ang pag-ibig na nababalot ng hiwaga at kababalaghan. Ano nga ba ang mananaig sa huli? Ang tunay ba na pag-mamahal o ang misteryo?