KABANATA 5-SI MARKY

5.6K 101 0
                                    

Mabilis ang mga hakbang ni Jethro habang nasa daan siya papunta sa mesteryusong lawa ng kanilang bayan. May mga ngiti pa siya sa labi habang  naglalakad patungo roon, hindi niya mawari kung bakit, siguro dahil na rin sa excitement na kanyang nadarama. Sa wakas masisilayan na din niya ang lawa na kay tagal na niyang hindi nakikita at napupuntahan. Hindi naman siya nahirapan na maglakad kahit na gabe na dahil nakikisama din sa kanya ang panahon. Maaliwalas ang langit at maganda ang hubog ng bilog na buwan sa kalangitan.

Marami siyang nais gawin pag nakarating na siya ng lawa. Isa na doon ay ang maligo siya at magtampisaw sa malinis nitong tubig. Susulitin niya ngayon ang bawat oras na nandoon siya dahil hindi niya alam kung kailan siya makakabalik ulit. Pasipol-sipol pa siya habang binabaybay ang medyo masukal na daan. Naging masukal na nga ito dahil na rin siguro sa kwento ng kanyang ama na wala ng sino man ang napapagawi sa parting iyon ng lawa. Noon maayos ang daan nito dahil maraming mamamayan ang nagpupunta roon.

Dahil abala siya sa kanyang mga iniisip habang naglalakad hindi niya namalayan na nasa bungad na pala siya ng lawa. Bigla siyang natigilan ng maaninag  niya ang mala krystal na nining ng tubig  dahil sa bagsak ng ilaw ng bilog na buwan.Nasa mismong lawa na pala siya ng hindi niya namamalayan. Parang napakabilis naman yata niyang nakarating doon.Iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid. Napakaganda lalo ng lawa kumpara ng huli niya itong makita. Pakiwari niya'y mas naging malinaw pa ang tubig nito at ang buong paligid ay napapalamutian ng mga magagandang puno at mga bulaklak. Tahimik doon at parang napakagaan sa pakiramdam ang samyo ng hangin na dumadampi sa iyong katawan.Napaka payapa ng lawa, kabalintunaan ito sa mga masasamang kwento tungkol dito.

"Wow" nasambit ni Jethro habang pinagmamasdan niya ang kagandahan ng lawa. 

Tumingin siya sa kanyang orasan. Alas nuebe na pala ng gabe.Sa probinsiya, mas maaga matulog ang mga tao doon dahil karamihan ay pagod sa mga gawaing bukid. Kayat alam niyang wala ng tao pa na mapapagawi roon sa mga oras na iyon. May pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Inilapag niya ang kanyang dalang bag sa mabuhanging pampang ng lawa. 

Nagpalinga-linga mona siya sa lahat ng sulok ng lawa upang makasigurado na wala ng tao pa roon. At ng mapagtanto niyang wala naman dahil sa katahimikan ng lugar ay unti-unti niyang tinanggal ang kanyang suot na damit. Tumambad ang kanyang magandang hubog na katawan.Isinunod niya ang pag tanggal ng suot niyang sinturon at hinubad niya ang suot na pantalon. Wala siyang itinirang saplot, ultimo suot niyang puting brief ay tinanggal din niya ng walang pagkabahala na baka may makakita sa kanya doon.

Bago pa siya lumusong sa nag aanyayang  tubig ng lawa ay tinanggal niya ang suot niyang tsenilas sa kanyang mga paa. Parang may isang kakaibang pwersa ang humahatak sa kanyang mga paa patungo sa lawa. Namalayan na lamang niya ang kanyang sarili na naliligo na siya sa masarap na tubig nito at walang ano mang suot na damit.

Napakasarap sa pakiramdam ng tubig habang nakababad siya doon. Hindi malamig sa katawan ang temperatura nito bagos kaaya-aya at medyo maligamgam sa pakiramdam.Medyo lumakad pa siya sa may parting malalim. Hanggang dibdib na niya ang tubig doon. Nakiramdam siya sa kanyang sarili. Kakaiba nga talaga ang tubig dito, para itong may buhay na nagbibigay ng kalinga sa sino mang nangangailangan. Pakiwari mo'y niyayakap ka ng tubig at idinuduyan sa alapaap ang iyong katawan. Masisilayan mo din ang magagandang bato sa ilalim ng lawa at ang mga isdang nakatira doon. Maamo ang mga ito at napakaganda.

SA KABILANG BANDA...

Humahalakhak sa kagalakan ang dyablo na si Lucifer ng mga oras na iyon. Subrang natutuwa siya sa kanyang mga nakikita sa parting iyon ng lawa. Kumumpas pa ang kanyang mga kamay para mas masilayan niya ang matipunong binata na naliligo sa lawa ng mga oras na iyon. Para itong may isang  malinaw na television sa loob ng kwebang iyon at nakikita nito ang bawat sulok at parte ng lawa.

HIWAGA NG LAWA (IKALAWANG AKLAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon