Chapter 5:

1.7K 29 4
                                    

"DYYY, pinapatawag ka ni Donya Linda, pumunta ka raw sa mansyon." Salubong sa akin ni Gen. Kakatapos lang kasi ng lunch break sa trabaho at babalik na sana ako sa kung saan ako nakapuwesto.

Donya Linda Place ang pangalan ng lugar kung saan kami nagtatrabaho. Sa loob ng lugar ang mayroong parke, kainan at pamilihan ng kung ano-ano. Ang parke at kainan lamang ang may-ari ni Donya Linda at ang iba ay pinarentahan niya sa maliit na halaga para may pagkakitaan ang mga taga rito. Ako ay naka-assign sa kainan ni Donya Linda. Nagsimula ako bilang waitress at ngayon ay naging manager na rin. Ilang buwan pa lang ako ditong nagtatrabaho pero prinomote agad ako, dahil daw nakikita ni Donya Linda ang aking kasipagan. Si Gen naman ay supervisor sa buong Donya Linda Pasyalan.

"Bakit daw, Gen?" Pagtatanong ko dito.

"Hindi ko rin alam e. Pumunta ka na raw ngayon at kailangan ka niyang makausap." Nakangiti nitong sambit kaya naman tumango ako.

Nagpaalam lang ako sa mga kasamahan ko dito at naglakad na papuntang mansyon. Hindi naman kalayuan ang masyon nila. Ilang bahay lang ang pagitan nito sa pasyalan. Pagkarating ko ay pinindot ko agad ang doorbell.

"Miss Dy, ikaw po pala. Pasok po." Nakangiting sabi ni Kuya Jim, isa ito sa guard dito sa mansyon at pinaka-close ko rin. Dahil sobrang bait nito, laging nakangiti, hindi katulad ng ibang nagtatrabaho rito.

"Kuya Jim, magandang araw. Salamat po," bati ko rito at nagpasalamat dahil pinagbuksan ako ng gate.

"Palaki nang palaki ang tiyan mo. Paganda ka naman ng paganda Miss Dy." Pambobola pa nito. Napatingin naman ako sa tiyan ko at medyo malaki na nga ito. 7months na ang tiyan ko. Kaya medyo mabagal na rin ako maglakad ngayon, pero mas minabuti kong naglalakad, isa rin kasi 'yon sa bilin ng Doctor para maging normal ang panganganak ko.

"Ikaw talaga Kuya, nangbobola pa," sambit ko pa. Tumawa lang naman ito at sinamahan ako papuntang sala. Pagpasok namin ay pinaupo niya na agad ako at pumunta na agad sa labas para magbantay ulit.

Walang pagbabago ang mansyon. Halos buwan-buwan akong nakakapunta rito dahil lagi akong pinapapunta dito. Ang sabi ni Don Henry ay magaan daw ang loob sa akin ni Donya kaya lagi akong pinapapunta dito. Wala masyadong larawan ang makikita sa mansyon, isang larawan na malaki lang ang nasabit at ang Don at Donya iyon. May mga estante na may mga larawan pero puros larawan lang din nila Don. Nakuwento ni Don na may anak sila, pero galit daw ito do'n dahil ayaw daw ni Donya ang napangasawa nito kaya naman kahit larawan ay ipinatago lang ni Donya.

Nakarinig naman ako ng yabag ng paa, at pagtingin ko sa hagdan ay nakita ko si Donya ba nakangiting nakatingin sa akin. May hawak itong envelop sa isang kamay at ang isang kamay ay nakahawak sa hagdan. Mabilis naman akong tumayo para tulungan siya.

"Ikaw talaga Dy, 'di mo naman ako kailangan tulungan. Tignan mo at lumalaki na ang tiyan mo." Marahan niting sabi at wala na rin naman siyang magawa kundi ang magpatulong sa akin. Pagkababa ay umupo kami ng magkatabi sa mahabang sofa. Ganito kami lagi, gusto niya katabi niya ako sa upuan.

"Donya Linda, bakit niyo po ako pinatawag?"

"Dy, sabi ko naman sa'yo, Tita na lang ang itawag mo sa'kin."

"Don-" hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko ng masama niya akong tinignan. Tinawanan ko naman ito dahil hindi bagay sa kanya ang magsungit. "Tita," sambit ko at ngumiti naman na ito.

"Ayan, mas maganda ang Tita diba?"

Tumango na lang ako. Gusto niyang Tita ang itawag ko sa kanya. Pero minsan ay nahihiya ako, lalo na at sa kanya ako nagtatrabaho. Minsan pa ay napapatingin sa akin ang mga kasamahan ko sa trabaho pag tinatawag ko siyang Tita. "Nakakahiya po kasi," sambit ko na nahihiya pa.

SSS1: Innocent Mistress (Cindy Monreal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon