Chapter 10:

2.4K 37 11
                                    

"AYAN ba yung kabit ni Sir?"

"Hala bakit nandito 'yan?"

"Tanga, dating kabit pero ngayon hindi na. Hiniwalayan na ni Sir si Ma'am Belle."

"Mas maganda naman si Ma'am Belle diyan."

"Baka marinig kayo ni Sir, lagot kayo."

"Maganda naman si Ma'am ah, insecure lang kayo."

"Kaya nga, matagal na kasi kayo nagpapapansin kay Sir tapos hindi kayo pinapansin."

"Hmp,"

Iilan lang sa nga narinig ko habang papunta sa office ni Hendrix. Kung no'ng una ay nasasaktan ako, ngayon ay wala na. Siguro nasanay na rin ako.

Ilang buwan na simula no'ng magkaalaman sa unit ko. Belle and Hendrix are officially annulled. Si Hendrix ay kinukuha ang loob ng anak namin. Dahil nagmamatigas ito.

"Mama, ayoko po rito," sambit ng anak ko habang papasok kami sa bahay ni Hendrix. Bagong bahay iyon ni Hendrix ang bahay na tinitirhan nila ni Belle ay ibinigay niya kay Belle.

"Bakit naman Baby?" Pagtatanong ko dito. Ramdam ko ang pagkahigpit ng hawak niya sa mga kamay ko.

"Ayaw ko po do'n sa lalaki Mama. Inaway ka po niya, dapat po hindi tayo nagpunta rito at baka saktan ka na naman niya." Malikot ang mga mata nito na tinitignan ang paligid habang nagsasalita.

"Baby, he's your Papa, ayaw mo ba magkaroon ng Papa?" Huminto ako at napahinto rin ito. Tinignan ko ito at gano'n din ang ginawa niya.

"Mama, gusto ko po. Pero ayoko po ng papa na nananakit. Baka ulitin niya po 'yong ginawa niya no'n," aniya na nagpangiti sa akin. Ayaw na ayaw talaga ako nitong nakikitang nasasaktan. Napakasuwerte ko rito.

"Baby, mabait ang papa mo. Kailangan mo lang siguro na mas makilala pa siya," wala na naman itong nagawa kaya tumango na lang.

Pagpasok namin sa loob ay nakita agad namin si Hendrix na nakangiti.

"Welcome home Babe," sabi niya habang palapit sa'kin at hinalikan ako sa noo, "hello my son, welcome sa bago mong bahay." Yinakap niya ang anak niya. Yinakap din naman siya pabalik ni Hellix at nagmano rin. Kahit na galit ito ay may galang pa rin naman ito.

"Salamat po,"

"Puwede mo akong tawaging Papa, kasi ako naman ang papa mo," ani Hendrix at tinanggal na ang pagkakayap sabay tumingin sa mukha ng anak.

Pag magkatabi sila ay kitang-kita ang mukha nilang magkamukha, hindi ito mapapansin kung hindi mo sila tititigan.

"Okay po,"

"G-gutom na ba kayo? Nagluto ako, tara sa kusina."

"Hendrix, hindi mo na kailangan ipagluto kami. At bakit nandito ka? Akala ko ba nasa opisina ka dahil may meeting ka." Nagtataka 'kong sabi habang naglalakad kami papunta sa kusina.

"Okay lang, Babe. Kaya naman nilang wala ako. Syempre paghahandaan ko ang pagdating ng mag-ina ko." Masaya nitong sabi.

Pagkarating namin sa kusina ay pinaghandaan niya agad ang anak niya. Nilagyan niya ng kaldereta ang plato nito na ikinangiti ko.

"Kain lang nang kain, Baby. Niluto ko 'yan para sa'yo." Magiliw na sabi nito habang nilalagyan pa rin ng pagkain ang plato ni Hellix.

"Kaya ko po,"

"Okay lang, ako na. Kumain ka lang, okay?"

"Lenny, nandiyan pa sa loob si Hendrix?" Pagtatanong ko sa secretary ni Hendrix pagkakita ko dito na nakaupo sa gilid ng office ni Hendrix.

SSS1: Innocent Mistress (Cindy Monreal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon