Chapter 6:

1.4K 25 1
                                    

"MAMA, nandito na po si Lolo't Lola." Narinig 'ko ang boses ng anak ko.

Limang taon na rin ang nakalipas, maayos 'kong ipininanganak si Hellix. Sa suporta ng Tito at Tita hindi ako nahirapan, nandiyan pa si Gen at ang pamilya niyang hindi ako pinabayaan.

Kahit na naayos na ang gusot sa pagitan namin nila Tita ay hindi ko iniwan ang compound, kahit pinipilit nila akong do'n na sa kanila. Mahirap na rin at baka dumalaw ang mag-asawa, magkagulo pa.

"Dy, nandiyan dila Don sa labas ng compound. Gusto ka raw nila makausap," sambit ni Gen habang kumakatok sa pintuan. Kinabahan naman ako sa sinabi nito kaya dali-dali 'kong binuksan ang pinto.

Limang araw na kasi simula no'ng nalaman 'kong anak nila si Hendrix at limang araw na rin akong hindi pumapasok sa trabaho ko. Nagtataka man si Gen ay hindi na ito nagtanong.

"Sino-sino ang nando'n? May kasama ba silang bago sa mata mo?" Sunod-sunod 'kong tanong dahil sa pagkakaba.

"Naunsa man ka Dy? Ayos ka lang? Bakit parang kinakabahan ka?" (Anong nangyari sa'yo Dy?)

"A-ayos lang ako. May kasama ba sila?" Pagtatanong ko ulit.

"Wala silang ibang kasama ang mag-asawa lang at yung driver nila. Papasukin ko ba? Nakakahiya rin kasi, amo na'tin ang mga 'yon," aniya. Tumango naman ako kay Gen at umalis na agad ito. Inaayos ko naman ang bahay ko, inalis ang mga nagkalat na tutupiin ko sanang mga damit.

"Dy, nandito na sila." Rinig 'kong sabi ni Gen, pagkatingin ko ay nakita ko ang mag-asawa na nakatayo sa pintuan, sa likod naman nila ay si Gen. "Maiiwan ko muna kayo."

"Hindi Gen, dito ka lang," sabi ko agad. Halata sa mukha ni Gen ang pagtataka pero tumango na lang ito. "Pasok po kayo." Pag-anyaya ka sa mag-asawa at pumasok naman sila, umupo sila sa kahoy na upuan, wala iyong sandalan, si Gen naman ay umupo sa pang-isahang upuan pero wala ring sandalan 'yon ang tanging may sandalan lang ang 'yong uupuan ko.

"Ano pong gusto niyong maiinom?" Pagtatanong ko sa kanila.

"'Wag kanang mag-abala Dy," sambit ni Don Henry, pero kinuhanan ko pa rin sila ng tubig sa maliit ko na kusina, nakita ko namang tumayo si Gen upang tulungan ako.

Maliit lang ang bahay ko, pagpasok mo sa pinto ay makikita mo agad ang kama ko, sa kanang bahagi ay sala na mayroong mga upuan na inuupuan ngayon ng mag-asawa, may telebisyon din at eletric fan. Sa dulong bahagi ay maliit na kusina, may lababo, mayroon ding maliit na lagayan ng plato, ang gamit ko naman sa pagluluto ay rice cooker, super kalan, maliit na kalan iyon na kailangan pa sindihan ng lighter o posporo para umapoy. Sa kaliwang bahagi naman ay ang banyo katabi nito ang maliit 'kong durabox para lagayan ng damit.

"Pasensya na ho at hindi malamig," sambit ko habang nilalapag ni Gen ang tubig sa harap ng mag-asawa, may maliitdin kasing mesa rito para maging kainan ko rin.

"Ayos lang Iha." Nakangiting sabi ni Tita.

"Uh? Dy, gusto mo ba sa labas na lang muna ako, baka importante ang sasabihin nila." May pag-aalinlangang sabi ni Gen sa akin.

"Gen, alam 'kong marami kang tanong diyan sa isip mo. Ngayon na ang chance para malaman mo. Kaya umupo ko na diyan." Malumanay 'kong sabi. Napatango naman lang ito. "Ano ho bang kailangan niyo?" Magalang 'kong sabi.

"Dy, galit ka ba?" Umiling ako sa tanong ni Tita. "We're really sorry about what happened. Kung pinasundan namin yung lalaki, nag-aalala lang kami. Kung nalaman man namin na may anak kayo ni Hendrix. Hindi namin sinasadya. Alam namin ang tumatakbo sa isip mo ngayon. Kaya ka ba umalis ng bahay dahil akala mo ay sasabihin namin kay Hendrix na magkakaanak kayo? Na buntis ka? Yes, sa una gusto naming sabihin ni Hendrix pero alam naming masisira sila ng asawa niya. Kahit ayoko kay Belle ay ayoko naman na dahil dito ay ayawan siya ni Belle at iwan dahil alam naming mahal na mahal niya si Belle. Ang gusto lang namin Dy na magkaroon kami ng karapatan sa apo namin. Gusto namin siyang makita na lumaki, kahit wala siyang ama." Mahaba at madamdaming sabi ni Tita Linda. Napayuko naman ako dahil doon.

SSS1: Innocent Mistress (Cindy Monreal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon