Chapter 3:

1.9K 25 8
                                    

PAGGISING ko ay kinapa ko agad ang katabi ko pero napabalikwas ako ng wala na si Cindy sa tabi ko. Bumangon naman agad ako at sinuot ang mga damit ko na nasa sofa nakatupi ng maayos.

Dismayado akong umupo sa sofa sa sala dahil 'di ko mahanap sa buong condo si Cindy. Where are you, Cindy? Bulong ko sa isip ko. May naisip naman ako, at pinuntahan ko agad ito at doon na ako nanlumo, dahil wala na doon sa closet ang mga damit ni Cindy, puro damit ko na lang.

Nagbihis naman ako agad ng maayos at pinuntahan ang receptionist sa baba. Pagkababa ko ay nakita ko ang pamilyar na babae na nasa reception area. Tinignan ko naman ang tag nito bago magsalita.

"Uh? Jaime, may binilin ba si Cindy Monreal bago umalis?" Tanong ko agad dito.

Nakangiti naman itong tumingin sa akin. "What's your name sir?" Tanong nito.

"Hendrix Wolfe," sambit ko.

"Ah yes Sir. Kukunin ko lang po." Tumalikod ito sa akin at pumunta sa may cabinet na nasa likod niya. May kinuha siya do'n at bumalik na sa akin. "Ito po," sabay abot niya sa akin ng puting sobre. "Iniwan niya rin po sa inyo ang susi ng unit niya, para raw po kung pupunta kayo ay makakapasok kayo." Nakangiti nitong sabi at inabot ang susi ng unit ni Cindy.

"Anong oras siya umalis?" Pagtatanong ko naman.

"11 o'clock po kagabi."

Umalis naman na agad ako at gamit ang kotse ko ay inikot ko pa ang paligid. No sign of Cindy. Mahigit isang oras din nag-ikot pero wala talaga. Napagpasyahan ko na lang umuwi. Habang nasa biyahe ay naisip ko naman si Belle kaya mas binilisan ko ang pagda-drive. Pagkauwi ko ay sumalubong sa akin ang asawa ko.

"Hon, saan ka nanggaling at hindi ka nakauwi kagabi?" Pagtatanong agad nito.

"Sorry Hon, marami akong tinapos na papers kaya hindi ako nakauwi. Tinapos ko na rin kasi yung papers na kailangan ko gawin sa mga susunod na araw para maayos ang bakasyon natin." Sagot ko at hinalikan ko siya sa pisngi niya

"Okay Hon. Magpahinga ka na at papasok na ako sa opisina."

"Nag-breakfast ka na ba?" Sabi ko at tinignan ang wristwatch ko. Nakita kong 7 am na pala.

"Yes Hon. Ikaw, kumain ka na. Magpahanda ka na lang kay Manang. Okay? Aalis na ako. I love you." Humalik naman ito sa labi ko bago umalis.

Umakyat naman ako at naligo saglit. Kinuha ko ang sobre na ibinigay sa'kin ni receptionist. Pumunta ako sa working area ko at do'n ako umupo sa swivel chair na nandoon.

Bago ko buksan ang sobre na ay may nakita ako sa likod na nakasulat kaya naman binasa ko ito. 'For the man who I love the most. Hendrix Wolfe' dali dali ko namang binuksan ang sobre at may nakita agad akong necklace. Kinuha ko naman agad ito at naalala ko naman kung paano ko ito binigay sa kanya.

"Ano ba Hendrix, saan mo ba ako dadalhin?" Galit na sabi ni Cindy sa akin.

"Tsk, ano ka ba babe wala ka bang tiwala sa akin?" Pagtatanong ko at tumingin pa sa kanya saglit pero tumingin din sa harapan ko at baka maaksidente kami.

"Meron, pero kaya lang nagtataka lang naman kasi ako sayo. Dati naman sinasabi mo sa akin kung saan tayo pupunta tapos ngayon hindi." Hinawakan ko naman ang kamay nito.

"It's a surprise babe. Pagnalaman mo hindi na supresa 'yon."

"Oo, oo na." Sabi niya at tumahimik na rin.

Nagdaan pa ang mahigit ang isang oras at nakarating na kami. Lumingon naman ako sa katabi ko at nakita kong mapayapang natutulog si Cindy. She's so very beautiful bulong ng isip ko. Hindi ko maipagkakaila na maganda talaga si Cindy. Minsan nga ay nagagandahan pa ako sa kanya kaysa sa asawa ko na model. Lumapit naman ako dito at dinampian ko ito ng halik sa kanyang mga labi. Naramdaman ko namang gumalaw siya kaya naman nilayo ko kaagad ang mukha ko.

SSS1: Innocent Mistress (Cindy Monreal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon