Chapter 7:

1.3K 26 3
                                    

"GEN, ikaw muna ang bahala kay Hellix," sabi ko at agad na lumabas sa sasakyan nila Tita no'ng nasa tapat na kami ng compound.

Pagpasok ko sa gate ay isang malutong na sampal ang sumalubong sa'kin.

"Dad,"

"Love,"

Magkasabay na sabi ng mga kapatid ko, pero wala si Frey nakatingin silang lahat sa akin.

"Mahigit limang taon kang nawala, at malalaman nandito ka at may anak?! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo Cindy?! Hindi ka namin pinalaking ganyan!" Galit na galit ang boses ni Daddy.

"D-dad, I'm sorry." Nauutal 'kong sabi at masaganang tumutulo ang aking mga luha.

"Sorry?! We don't need your sorry, Cindy. We need your explanation!" Gigil at hinawakan ako sa aking braso. Napatingin naman ako at nakita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata. Mas lalo akong natakot kay Daddy.

Gigil niya akong inuga, "magsalita ka! Bakit ka ba magkakaganito." Nakikita ko ang mga kapatid ko na nasa likod ni Dad kasama si Mom pero wala silang magawa.

Ganito naman lagi, paggalit si Dad walang nangingialam dahil hindroo makikinig si Dad. Kita ko ang mga mata ng mga kapatid ko na naaawa, si

Liane at Rose ay napaiwas ng tingin. Si Mom naman ay may mga luha sa mga mata. At 'yon ang isa sa pinakamasakit. I'm sorry, Mom.

May mga tao rin sa compound na nakatingin ng may pagtataka at may awa sa mga mata. Alam 'kong nagtataka sila dahil may sumugod sa'king mayaman.

Patuloy lang si Dad sa ginagawa niya. Walang pumipigil sa kanya, ang mga luha ko naman ay patuloy lang sa pagbagsak.

"Mama," sabi ng maliit na boses na nasa likod ko ngayon. "Anong ginagawa niyo sa Mama ko. Bitawan mo si Mama, bad ka." Paglingon ko ay nakita ko ang anak 'kong patakbong lumalapit sa akin. Paglapit niya ay pinalo niya si Dad sa legs gamit ang kamay niya. "Masama ka, 'wag mong sasaktan ang Mama ko." Umiiyak na sabi ni Hellix habang pinapalo pa rin si Dad.

"Baby, tama na 'yan." Pagpipigil ko rito at umupo para pumantay sa kanya. Nabitawan na kasi ako ni Dad dahil sa gulat sa pagsulpot ng anak ko. Pati ang mga kapatid ko ay kita rin ang pagkagulat sa mga mukha nila.

"H-hindi Mama, dapat hindi ka sinasaktan nila. W-walang dapat manakit sa'yo." Mas lalo itong umiyak at humarap na sa'kin. "M-mahal na mahal kita Mama, ayaw k-itang saktan nila," at yumakap ito sa leeg ko.

Ngumiti naman ako habang umiiyak dahil sa sinabi ng anak ko. Napalaki ko talaga siya ng maayos.

"Ayos lang naman ako Baby, hindi naman ako nasaktan." Bulong ko rito at hinahagod pa ang likod.

"N-nakita ko M-ama, inaaway ka niya. Bad siya," sabi pa nito at humigpit ang yakap sa'kin.

Napalingon naman ako sa harap ko at kita ko ang iba't-ibang ekspresiyon sa pamilya ko. May pagkamangha, saya, lungkot at kung ano-ano pa. Binigyan ko naman sila ng maliit na ngiti.

Hinawakan ko ang braso ni Hellix at marahan siyang hinarap sa'kin. Puno ng luha ang mukha kaya pinunasan ko ito gamit ang mga kamay ko.

"Tahan na Baby, gusto mo bang ipakilala kita sa kanya?" Nakangiti 'kong sabi sa anak ko.

"Ayaw ko po Mama, bad po siya. Ayaw ko po sa mga bad Mama." Seryoso niyong sabi.

"Hindi siya bad, tara ipapakilala kita." Binuhat ko naman si Hellix at dali-dali itong kumapit sa leeg ko.

"Dad," sambit ko. Tumingin naman sa akin agad si Dad pero hindi mabasa ang ekspresiyon ng mukha niya.

"Mama, bakit dad ang tawag mo sa kanya? 'Di ba pag Dad ang tawag ay tatay?" Pagtatanong agad ng anak ko akaya napangiti ako dahil doon.

SSS1: Innocent Mistress (Cindy Monreal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon