Chapter 2:

2.3K 29 2
                                    

NAPABALIKWAS ako ng gising nang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" Wala kong ganang sagot.

"Hey Cindy, Dad's want to invite you here for dinner later." Narinig niyang sabi sa kabilang linya. At nabosesan niya naman ito. Isa ito sa mga kapatid niya.

"Okay Rose." sabi niya at ibinaba na naman ang cellphone pagkatapos nila magpaalam sa isa't-isa.

Hindi na naman siya makabalik sa tulog niya kaya bumangon na siya para mag-ayos ng sarili at ng kakainin niya. Nang makapaghanda ay kumain na naman siya agad. Habang kumakain ay tumunog ang kanyang cellphone na nasa tabi niya, walang tinging sinagot niya naman ito sa pag-aakalang si Rose ang tumatawag.

"Hello Rose, I'm eating, call y-" naputol ang sasabihin niya ng biglang nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Cindy" yun lang ang sinabi sa kabilang linya at alam niya na agad kung sino ito.

"Hendrix napatawag ka?" Pagtatanong ko.

"Why? Masama ba?" Tanong din nito.

"Hindi naman "

"I just want to ask, if you are free tonight?"

"Hmmm no, my dad invited me to go to their house later we'll have a dinner." Sabi niya at sabay subo ng pagkain na nasa harap niya ngayon. Bacon and hotdog lang ang nakahain, hindi naman kasi siya nagrarice pag-umaga at hindi siya masyadong kumakain kaya ito lang hinanda niya.

"Ah, okay" sabi nito at binaba na ang tawag.

Pagkatapos niyang kumain ay naisipan niyang maglinis ng condo. Hindi na kasi siya tumatawag ng maglilinis dahil alam naman niya sa sarili niyang kaya niya. Inumpisahan sa dalawang kuwarto hanggang sa sala at kusina. Punas, walis at inayos niya lang ang mga nakakalat na gamit niya.

Naligo naman siya pagkatapos niyang maglinis at nagbabad pa sa bathtub ng mga 30 mins bago umahon. Pagkalabas sa bathroom ay nakita niya sa wall clock na alas-dos na ng tanghali kaya naman umorder na lang siya sa isang fast food para magpadeliver ng pizza. Wala kasi siyang gana kumain at hinahanap ng dila niya ang pizza na may maraming pineapple.

Naghintay siya ng ilang minuto bago ito dumating. Naka-bathrobe lang siya, naisipan niya kasing mamaya na magbihis pagkatapos kumain para isahang damit na lang, damit na papunta sa bahay ng mga magulang niya.

Kumain naman agad siya pagkarating at hindi niya naubos ang pizza kaya naman nilagay niya na lang ito sa refrigerator at nagsimula na siyang mag-ayos.

Nakasuot siya ng black dress na hanggang gitna ng kanyang hita, 2 inches na heels. Tumingin siya sa salamin at nasilayan niya ang sarili. Litaw na litaw ang puti ng kanyang balat dahil sa suot niya. Naglagay lang siya ng powder sa mukha, brinush ang kilay dahil makapal naman ito hindi na kailangan lagyan ng kung ano-ano, at red lipstick ang huling nilagay.

Paglabas ng condo ay tumingin siya sa wristwatch at sakto namang 4:30 na ng hapon. Habang naglalakad ay tinext niya si Liane na papunta na siya sa bahay at natuwa naman ito.

Habang nagdadrive ay iniisip niya kung bakit ininvite siya ng Daddy niya para mag-dinner sa bahay. Hindi naman kasi ito madalas gawin ng pamilya dahil busy sila sa mga sari-sariling buhay. Lalo na ang Dad nila. Nakalimutan niya rin naman tanungin si Rose kung bakit nagyaya si Dad.

Mahigit isang oras din ako bago nakarating sa bahay dahil medyo malayo ang bahay ng Dad niya sa condo niya at inabutan na rin siya ng traffic. Nang makarating ay sumalubong sa kanya si Liane na nakangiti.

"Waah! I miss you ate Cindy. Buti na lang at pumunta ka dito." Sabi nito habang nakayakap sa kanya.

"I miss you too," at niyakap din niya ito pabalik. "May kasalanan ka pala sakin." Sabi niya at bumitaw naman ito sa pagkakayakap sa kanya.

SSS1: Innocent Mistress (Cindy Monreal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon