Maine POV
Nasa church kami nung makati, nag-atend lang kami ng seremonya ng pari. Maya maya pa ay natapos na, nagpaalam na kami kay Father. Yung kotse ni Alden ang dala namin, sumakay ako ng akin dahil wala namang balak yun na pagbuksan ako.
Traffic sa daan kaya ito nakatigil pa din kami.
"Bakit pumayag ka sa arranged marriage?" Tanong nya habang nakatingin pa din sa daan.
"Eh no choice eh!?"
"Kahit na, dapat gumawa ka ng paraan para di matuloy?"
"Wala na akong magagawa, bakit ba? What are you trying to say?"
"Siguro gusto mo din ako pakasalan" Yan na naman po tayo, kayabangan effect na naman.
"Alam mo ang layo mo sa Daddy mo, saan ka ba pinaghilian?"
"Hahaha, eh bakit ikaw?"
"Anong ako?"
"Bakit kakaiba ang itsura mo sakanila, muka kang katulong hahaha" Ang saya ng muka nya pero ako nakapoker face lang.
"That's not funny!"
"Bakit? Hindi naman joke yun eh?" Sa sobrang inis ko, inalis ko yung seatbelt ko.
"Bahala ka dyan!" Lumabas ako kahit nasa gitna kami ng daan. Para akong dumaan sa isang maze. Nang makarating ako sa tabi ay nagintay lang ako ng taxi. May tumigil namang sasakyang tumigil sa harap ko. Bumaba sya sa kotse.
"Ipapahamak mo ba ako?" Sigaw nya
"Umalis ka na nga!" Sabi ko. Bumalik na sya sa kotse nya tska umalis. Sakto namang may taxi kaya pinara ko.
Alden POV
Nandito lang ako sa tapat ng bahay nila Maine, hinihintay ko syang dumating. Nang maaninag ko ang isang taxi na may bumababang babae ay bumaba na din ako. Sumunod lang ako sakanya hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay. Pagkapasok namin ay sinalubong kami ni Dean.
"Oh? Kamusta ang seremonya?"
"Okay lang!" Sagot ni Maine. Umakyat na si Dean sa taas, ako naman naupo sa sofa at nagsalita.
"Hay! Kapagod!" Tinignan ako ni Maine na halatang gulat.
"Bakit ngayon ka lang? Diba nauna ka sakin?" Maine.
"Oo, syempre chinempuhan ko ang pagdating mo para hindi nila mahalata na hindi kita kasabay" Lalo syang nainis at padabog na umakyat sa taas. Wala si Daddy, Tito at Tita, nasa kumpanya sila at pinahabilin sakin ni Tita si Maine. Gusto ko ng umuwi!
****
![](https://img.wattpad.com/cover/89955062-288-k65999.jpg)