Let you go

2.6K 65 1
                                        

Maine POV

Nasa tapat na kami ng bahay namin nila Nanay, kasama ko si Miguel. Nagbuntong hininga muna ako at humarap kay Miguel, tumango naman sya hudyat na magdoorbell na daw ako, ginawa ko naman.

"Oh? Maine? M-miguel? Nasan si Alden?" Dean.

"Dean, mamaya na. Nasan sila?"

"Nasa kusina."

Pumasok na kami sa kusina, naghahain sila ng maramdaman nilang nandito na ako.

"Meng? Bakit si Miguel kasama mo? Si Alden?" Nanay.

"Malalaman nyo po mamaya, importante po tong sasabihin ko,"

"Sige na nga, maupo na kayo!" Tatay.

Nagsiupuan naman sila, as in sila.

Maya maya pa ay tinanong na ako ni Tatay.

"Meng, kanina pa ako ninerbyos, ano ba yon?" Tatay.

Sinimulan na akong kabahan.

"Ahmm Nay, Tay.. Sana naman po pagsinabi ko, wag po kayong sumigaw or whatever,"

"Depende sa ibabalita mo, Diretsahin mo na kasi kami." Nanay.

Nagbuntong hininga ulit ako.

"Uhmm, gusto ko po kasing makipaghiwalay kay Alden."

"Sige continue." Tatay.

Tumingin ako kay Miguel na nakatungo lang.

"Ahhh.. Kasi ano po.. Hi-hindi ko na sya ma-mahal,"

EXPECT the UNEXPECTEDWhere stories live. Discover now