-MAINE POV
🎶CRIIIIINNGGGGG🎶
Nakapikit pa ako at hinahanap ng kamay ko ang maingay na alarm clock. Nang mahagip ng kamay ko ay nilaglag ko nalang sa sahig. Pumikit muna ako ng mabilis at bumangon na parang zombie. Puyat na naman ako dahil sa pagmomovie marathon naming magkakaibigan kagabi. Makalat pa at madumi ang kwarto ko pero ipapalinis ko nalang kay Yaya dahil aalis ako at sasama kay Nay at Tay sa gas stations namin at makikipagmeet din kami sa client ni Tatay dun sa isang restaurant sa mall.
Nagbihis na ako at ginawa ang morning routine. Pagkatapos ay nag-ayos na ako at bumaba. Pagkababa ko ay bumungad sakin ang maiingay kong kapatid.
"Ako ang nagpaluto kaya sakin tong chocolate syrup!" Hiyaw ni Dean ang pinabata sa amin.
"Pero ako ang bumili kaya sakin to!" Sagot naman ni Coleen na pangatlo sa nakakatanda sa amin.
"Hoy! Anlalaki nyo na para pa rin kayong bata! Akina na nga yan!" Kuya Nico yung pangalawa sa pinakamatanda sa amin.
"Kuya, akina yan eh!" Reklamo naman ni Dean. Pumunta lang sa kusina si Kuya at sinundan naman ni Coleen at Dean. Dumiretso na ako sa kusina/dinning room. Wala pa sila Nanay at Tatay. Si Yaya lang ang nandon, nagaayos ng pinagkainan.