Maine POV
Nagayaan sila Pat at Sam na magkaroon ng party para sakin at para na rin sa pagbuo ulit ng barkada namin pero wala sila Miggy, hindi sila sumama. Syempre busy?
"Oh? Maine? Lalim ng iniisip ah?" Si Pat.
"Ahh wala," Ako.
"Teka lang pala, sino nga pala yung batang mataba na kasama mo? Anak nyo ba yun ni Miguel?" Val.
"Anak? Ni'hindi pa nga yun nagpopropose tapos anak agad?"
"Sabagay, pero alam mo ba si Alden, nako! Bigtime na yon ngayon!" Val. Kahit kailan talaga walang tigil bunganga nito?
"Bakit?" Tanong ko.
"Well, isa lang naman syang artista, ooppss not just artista, sikat na sikat at pambansang bae pa," Sabi ni Pat.
"Kung ganon? Bakit hindi ko napapanood sa YouTube or nakikita sa facebook yung mga tungkol sakanya?"
"Baka kasi Richard na yung screen name nya." Val.
So? Sya pala yun? Yung nakikita ko sa facebook pero wala akong pake kasi di ko naman alam eh.
"Oh? Natahimik ka?" Pat.
"Ahh haha, wala."
"So, ikaw?" Val.
"Oh? Anong ako?"
"Kamusta naman sa Paris?" Napasmile naman ako sa tanong ni Val.