Maine POV
Nagising ako dahil sa may mabigat na nakadagan sakin. Pagtingin ko si Taki, unti unti kong inalis ang pagkakayakap nya sakin at bumangon. Ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba, nagluluto si Ate Barbs.
"Good morning Ate Barbs!" Bati ko.
"Oyy, good morning. Aga mong nagising ah? 6:10 palang ng umaga."
"Ahh haha, ganon po talaga ang gising ko,"
"Ahhh"
"Kayo po bat ang aga ng gising mo?"
"Kasi magjojogging ako hanggang sa park kaya look at my attire, diba pumapak ganern?"
"Ayy oo nga, sama ako."
"Nako bet ko yan, Sige pagkaluto ko." Umakyat muna ako para magpalit naabutan ko namang nagsusuklay si Taki.
"Oh gising kana pala?" Ako.
"Ayy haha, oo,"
Pumunta na ako sa damitan ko at kinuha ang pangjogging na attire.
"O san punta?" Taki.
"Wala, sasama lang ako kay Ate Barbs na magjogging."
"Halah? Talaga? Ayiiiieee sama ako!"
"Sige, bilisan mo, hihintayin kita dito."
Naupo ako at halos mag-iisang oras akong nagintay at natapos na sya magbihis.
"Maine tara--- Aba? At saan ang punta mo Taki? Ha?"