4- Park

278 14 0
                                        

A/N

-

(Baron's Picture in the Media)

-

Nag lakad-lakad muna ako sa park. Ang ganda din pala dito. Hindi parin nag bago. Dito kami tumatambay ni Baron dati nung mga bata pa kami. Na aalala ko pa nga nung lagi syang umiiyak dahil iniiwan ko sya dito eh. Hahaha kulit talaga namin noon. Pero bigla lang yun nag bago. Nag bago yun ng malaman kong myembro pala sya ng Salvanian. Sabi nga nila, grupo daw ng mga Bad Boy. Pero di naman ako naniniwalang Bad boy si Baron eh. Bait nya kaya sakin parang wala ngang nag bago eh. 

Papalapit na sana ako sa isang garden sa Park ng biglang may nag back-hug saakin. Nanginig naman ako sa takot kasi di ko kilala kung sino 'to. Humarap ako sakanya.

"Baron.." he smirked. Christian is that you? Djk di ko pala dapat siya iniisip eh aish! "Hi bestfriend." napangiti ako sa sinabi nya best friend? "Talaga lang ha?" tumawa sya ng malakas. Ganun parin pala sya tumawa. Yung eye smile nya. Nakaka inlove. Este... Erase erase. "Oo naman hanggang ngayon naman eh." Ganun naman pala. "Kahit na bad boy ka na?" he smiled "Kahit na bad boy na ako." May tumawag kay Baron mula sa likod. Tiningnan ni Baron kung sino yung tumatawag sakanya at ganun rin ako.

"Oh Ashton?" tumaas yung kilay ni ashton bigla. "Ah oo nga pala." tiningnan ako ni Baron "Sige Abing. Kita nalang tayo sa school." Ngumiti sya tapos umalis na silang dalawa ni Ashton.

Pauwi na sana ako ng biglang may naka salubong akong halimaw at ang kanyang mga kasama. Binangga nya ako ng napaka lakas kaya napa bagsak ako sa ground. "Pangit mo talaga!" inayos ko yung damit ko. Nadumihan tuloy ako. "Excuse me pero mas pangit ka naman siguro?" tumawa naman yung mga kasama nya at ganun rin sya. "Hanggang dito ba Christian?!" sinamaan nya ako ng tingin "Excuse me lang ha kasi hindi kita sinusundan at hindi ako dapat nag aaksaya ng oras ko sayo kaya tabi!" tumawa nanaman yung mga kasama nya tapos umalis na sila "Makakaganti rin ako sayo Christian!" sigaw ko wala na akong pake kung marami bang tao dito. "Gagantihan ka daw brad." sabi nung simon dinig na dinig ko parin sila kasi di pa sila nakakalayo. Oo gagantihan talaga kita. Wait for my revenge.

Nag vibrate yung phone ko

'1 Message from 09265864525'

'Ingat ka. -BaronC'

Pano naman nya nalaman yung number ko? Napaka weirdo talaga ng batang to.

Message to 09265864525

'Okay sige ikaw din Baron :)'

Napangiti ako sa text ni Baron. Kahit papano pala mabait parin sya. Mabait parin si Baron.

Pagdating ko sa bahay kumain kaagad ako tapos nagpa hinga kaagad ako. May long quiz nga pala kami sa Math bukas. Naiinis na talaga ako jan sa Math ah.

Makapag study na nga lang ayokong ma fail eh huhu. Binuksan ko yung book ko and naka kita ako ng paper na naka ipit sa gitna ng dalawang page. Binasa ko kaagad kung ano yung naka sulat

'Avoid Baron.'

Bakit ko naman sya iiwasan? Kaibigan ko naman sya tsaka wala akong nakikitang mali dun. Kung ano-ano nalang talaga yung naiisip nung nag sulat nito. Nag aral nalang ako.

After 2 hours

Natapos na din. I checked the time and its already 10 in the evening. Maaga pa pala ako bukas. Matutulog nalang ako.

-

"Gising na." unti unti kong minulat yung mga mata ko "May pasok ka pa naka handa na yung pagkain sa baba." ngumiti si mama sakin. "Sige ma. Ligo lang ako saglit." Umalis na din ako para makapag ligo.

After taking a bath kumain na kaagad ako. "Umuwi ka ng maaga mamaya anak." niyakap ako ni mama "Okay ma." i faced her then smiled at her. "Alis na po ako ma." sabi ko "Sige anak ingat ka." once again she smiled tapos umalis na ako. Naisipan kong maglakad muna ngayon since maaga pa and medyo malapit lang naman yung bahay namin sa school.

Sabi nila haunted daw tong bahay na katapat namin. Natakot naman ako kaya iniwas ko yung tingin ko sa bahay na yun but then suddenly may lalakeng naka hoody yung lumabas sa bahay.

Bago ba siya dito? Di ko sya makita ng maayos eh so tiningnan ko siya ng maigi at tiningnan nya rin ako

"IKAW?!" Sabay naming sabi. Nilapitan ko sya tapos binatukan ko naman sya. "Aray!" sinamaan nya ako ng tingin "You dont have the right to hurt me you know!" tinaasan ko lang sya ng kilay "Ano ba talagang plano mo sa buhay mo ha?! Tapos magka kapit bahay pa tayo?" i crossed my arms "Enemies tayo diba? So you shoudn't mind." iniwas nya kaagad yung tingin nya sakin "Di ka ba papasok ha?!" tiningnan nya ko sa mata habang dahan dahan syang lumalapit sakin napa atras naman kaagad ako "Bakit?" then he smirked "Ma mimiss moko?" sabi nya sabay tawa "Alam mo jan ka naman magaling eh! Pinapabayaan mo yung pag-aaral mo! Ewan ko sayo Christian." tinalikuran ko sya tapos nag lakad na ako palayo.

I can't believe this. Magka kapitbahay pa talaga kami ah. Ganda talaga ng araw ko. Sobrang ganda hays.

-

"Hi Abby!" niyakap naman nya ako ng napaka higpit. Yung totoo? Ilang taon ba akong wala sa school eh lagi naman ako dito "Papatayin mo na ata ako Jean..." she let go of the hug and finally naka hinga na rin ako. Tumawa naman sya "Ay hahaha sorry. Sabay tayo lunch mamaya ah!" nag nod ako then i smiled at her "Okay. Puntahan mo nalang ako sa last class ko since mas maaga kayo mag dismiss diba?" nag nod sya "Yup. But for now maaga din yung first class ko so i need to go na. Bye abby! See you later!" nag wave naman sya tapos umalis na sya. Napaka masayahin talaga nitong si Jean sobra.

Umupo kaagad ako sa pwesto ko nang nakarating na ako sa class ko.

"Hi abby!" halatang masaya ngayon si Aikee ah. Sobrang masayahin talaga ng batang 'to. "Hello. Kamusta?" umupo na sya sa pwesto nya "Ayos lang naman! Eto malusog pa rin. Ikaw?" wala si Christian ngayon kaya sobrang saya ko kulang nalang tatalon ako dito "Sobrang okay" tumawa naman ako.

Tamang tama andito na yung teacher namin. Napansin nya naman kaagad yung empty chair na katabi ko "So Mr. Valdevieso is absent?" tanong nya sa class "Yes sir." sagot ng mga kaklase ko "May sakit daw kasi sir kaya absent!" sigaw naman nung katabi ni Aikee. May sakit? Sa pagkakita ko sakanya kanina parang wala naman eh.

"Okay so today we are going to elect our class room officers." yung iba ang saya nila yung iba naman nag reklamo haha. "N-nominate kita." bulong ni Aikee sakin. Binatukan ko naman sya "Wag ka nga." tumawa naman sya.

"The table is now open for nomination for Class president"  tininingnan naman ako ni Aikee. Sinamaan ko lang sya ng tingin which means 'no' "Sir!" tinaas nya yung kamay nya. Aikee please wag ako huhu "Yes Mr. Gomez?" tiningnan nanaman nya ako "I nominate Abby Ramirez for President." pinag titinginan naman ako ng mga kaklase ko. Kakahiya! Ikaw kasi aikee eh huhu "Any other nominations?" they shook their heads "No sir." sabi ng nga kaklase ko. Sabwat talaga 'to ni Aikee eh. "Okay so Ms. Ramirez is our Class President." nag palakpakan naman silang lahat "Ms. Ramirez please take over." utos ni sir at sinunod ko naman kaagad. "

-

Tapos na yung election of classroom officers. Pinasa ko kaagad kay sir yung mga results sa election "Okay now i am gonna dismiss you early so take your lunch." nag ingay nanaman yung section namin.

"Hi Abby!" namulat yung mga mata ko sa nakita ko.

"Princess!!?"

-

A/N

Thank you sa lahat ng nag basa ng story ko i know this is just the beginning. So please vote my story :) Thanks!

Meeting The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon