Chapter Seven : CAUGHT

5.3K 138 2
                                    


ARISE' POV 

" Mr. Dolores' been participating well ija. His health condition is responding with good feedbacks kaya wala kang dapat ikabahala pa. " sabi ng doktor at tinapik ng marahan ang balikat ko bago umalis. 

Napatingin ako sa lalaking nakahandusay sa isang hospital bed habang sandamakmak na aparatus ang nakakonekta sakanila. Ayoko mang aminin pero tanging itong mga aparatus at oxygen ang bumubuhay sa ama ko. 

Napangiti nalang ako kahit hindi ko kayang makita ang sitwasyon nila ngayon. Humakbang ako papalapit para makaupo at hinawakan ang kamay nila. 

" Hi dad. Ako 'to si Arise. " sabi ko kahit alam kong konti lang ang chance na maririnig nila ako. 

But I'm still hoping na sana kahit sa ganitong paraan ay nakakatulong ako sa kondisyon nila.

" Sorry for not visiting you oftentimes. Alam niyo naman ang sitwasyon diba dad? I hope you understand me. " I paused when I felt some tears rolling down my cheeks kaya agad-agad ko naman itong pinunasan. I know he'll get upset if he ever got a chance to see me cry like this.

 Ayaw na ayaw pa naman nila ang makita akong umiiyak. Simula ng pagkabata ko he taught me how to be brave kahit maliit o malaking bagay man 'yan. He hates seeing me cry over little things, lagi niyang pina-aalala saakin na wag akong iiyak dahil ang pag-iyak ay para lang sa mahina at lampa. 

Siya ang tumulong saakin para maging matatag sa kabila ng lahat ng nangyare sa buhay namin. Sa kabila ng kalagayan niya ngayon.. And I know he'll be proud to know. 

I can even still remember him calling me his " Little Tough Fighter " way back then. Napatawa ako.

God.. I miss my dad so much.. 

" You know what dad? Ang dami mo na palang namiss na kwento tungkol saakin. Look! I'm already married! " sabi ko at inangat ang kamay ko para ipakita ang suot-suot kong singsing sa ring finger. 

" Hindi ka manlang nakadalo sa kasal ko. Pero ayos lang, baka kasi mahimatay ka pa kung nalaman mo kung kanino ako kinasal. " I pouted at nagpakawala rin ng impit na tawa. Para naman hindi malungkot ang pagbisita ko dito. Payo rin kasi ng Doctor na makakabuti ang pakikipag-usap sakanya. 

I know he can hear me kaya kung pwede lang sanang magstay ako dito ng matagal ay gagawin ko para lang makabawi sa mga araw na hindi ko pag dalaw dito. 

" Secret lang natin 'to dad ha? You know the Alonso Group right? Alam kong hindi ka maniniwala kapag narinig mo 'to.. I married Hunter Alonso, the grand child of the late grand old man Rupert Alonso. " patuloy ko. 

A couple of minutes has passed at napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko maimagine kung ano nalang ang magiging reaction nila kapag narinig nilang kasal na pala ako. Na kasal na pala ang unica ija nila. 

Tch. Kung pwede lang sanang magising si dad sa sinabi ko eh, for sure magugulat siya ng sobra. Lalo na pag nalaman niya pang sinangla ng mahadera kong step mom ang kompanya NAMIN. 

Automatic nalang talagang napapatiim ang panga ko kasabay ng pag kuyom ng kamao tuwing maaalala ko kung paano niya gamitin ang ama ko para sa mga luho niya at mga kung ano ano pang ambisyon niya sa buhay. 

He Who Owns MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon